Chapter 38

489 22 0
                                    

Chapter 38: Secrets, Heartaches and Pain

"J-Jameson" Gulat na sabi ko ng makita ang kaklase kong prenteng nakaupo sa loob ng chopper.

"Surprise?" Mala demonyo itong ngumisi.

"Ikaw ba ang may pakana ng lahat ng 'to Jameson?!" Kung kanina ay nanginginig ako sa kaba ngayon naman ay napalitan 'to ng galit. Galit dahil sa lahat ng ginawa nito. Si black na muntik ng mamatay, si manang bebe at ang pamilya nitong walang ka muwang muwang pero pinatay parin ng hayop na lalaking 'to!

"Sino paba Amethyst?" Sarkastiko siyang ngumisi kaya mas tumindi lang ang galit ko. Wala lang ba sa kanya ang lahat ng buhay na kinuha niya?!

"Hayop ka Jameson!" Akmang susugod na sana ako sa kanya ng hawakan ako ng lalaking katabi ko.

Nagsimula na naman mabuhay ang kabang nararamdaman ko ng unti unting umangat ang sinasakyan naming chopper. "Saan tayo pupunta?!"

"Masahol pa sa hayop Amethyst. Malalaman mo din mamaya kung saan tayo pupunta."

"Napaka walang hiya mo Jameson! Bakit pati pamilya ni manang bebe dinamay mo? Anong kasalanan na nagawa ko sa'yo para ganituhin mo ako?"

"Mamaya na tayo mag usap Amethyst." Tinignan ni Jameson ang katabi kong lalaki, marahas naman akong hinawakan sa braso ng katabi ko at ipinasok sa isang maliit na banyo.

"Sundin mo lahat ng utos ko kundi alam mo na ang mangyayari sa pamilya mo." Inilahad nito ang hawak niyang paper bag kaya mabilis ko itong kinuha. "Mag palit ka ng uniporme mo." Anito at tinanggal ang tali sa kamay ko.

Nang makalabas siya ay agad akong nagbihis, isang t-shirt na white at leggings na black.

"Tapos kana?" Tanong nito habang kinatakot ang pintuan.

"Oo" Binuksan nito ang pintuan ng marinig ang sagot ko. Pagktapos niyang talian ang dalawang kamay ko kinuha nito ang unipormeng pinagbihisan ko at inilagay sa paper bag.

Hinawakan nito ang braso ko at kinaladkad papunta sa demonyong si jameson.

"Tanggalin mo ang lahat ng accessories niya sa katawan." Utos ni jameson at agad naman sinunod ng lalaki. Tinanggal nito ang suot kong relo na ibinigay pa ni cross, ang dalawang singsing ko, ang kwentas na iniregalo ni spyke at ang hikaw na bigay ni black sa'kin. Kahit ang bag at cellphone ko ay kinuha din nito.

Hindi ko alam kung ano bang trip ng mga bwesit na'to. Ang dami nilang alam.

Pinaupo ako ng lalaki sa tabi ni jameson at agad itong umalis sa harapan namin bitbit ang mga gamit at ang unipormeng pinagbihisan ko.

"J-Jameson..." Kinakabahan na sambit ko ng ilapit nito ang mukha niya sa'kin. Ang maamo at palangiting mukha nito noon, ay ibang iba na ngayon. Nanliliksi ang mga nito at madilim ang kanyang mukha habang tinititigan ako.

"Alam mo bang kating kati na ang kamay ko para patayin ka? Pero syempre kailangan kong pigilan ang sarili ko, hindi naman pwedeng basta ko nalang iputok ang baril ko sa noo mo. I'll make sure you'll suffer until you die."

"Bakit gusto mo akong patayin? W-Wala naman akong ginawang kasalanan sa'yo!"

Lumayo ito at isinandal ang ulo niya sa headrest ng upuan bago pinikit ang kanyang mga mata. Umigting ang bagang nito at kumuyom ang palad. "Wala ka nga bang may ginawang kasalanan Amethyst? Ha?! IKAW ANG DAHILAN KUNG BAKIT NAWALA ANG ANAK KO!"

Umuwang ang labi ko dahil sa sinabi nito.

A-Ako ng dahilan kung bakit nawala ang a-anak niya?

P-Pero paano nangyari 'yon?

Can't Fight His Feelings (Sebastian Series #2)  Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu