Chapter 35

462 19 1
                                    

Chapter 35: Gusto ko ng tatlo

"Napaka landi! Mas maganda parin si Kylee sa kanya!"

"Gold digger yan! Katawan lang siguro puhunan niyan!"

"Kawawa naman si Spyke at nilandi ng babaeng 'yan!"

"Pokpok talaga ang babaeng 'yan! Taga dito sa'min yan at lahat ng mga lalaki dito nilandi na niyan!"

"Puro lalaki mga barkada niyan! Hindi na ako magtataka kapag ginamit ng kung sino sino yan!"

"Kylee parin kami! Walang wala ang babaeng yan kay kylee!"

"Schoolmate ko yang si Amethyst! Mahilig magsuot ng maiiksing damit at short ang babaeng yan! Kaya lahat ng lalaking schoolmates namin gustong gusto siya!"

"Adik yan! Lasinggera! Nag vi-vape! At adik sa LOL yan! Puro lalaki kasama palagi! Pwe!"

"Mamatay kana sana!"

"Wala kang dilekadisang babae ka! At talagang apo pa ni Mr. President!"

"Hinding hindi mo malalagpasan si kylee. Stay strong kylee! We love you."

"Spyke at Kylee parin kami. #Spylee"

"Pati mga pedicab at tricycle driver dito sa'min nilalandi niyan!"

Tawa ako ng tawa habang binabasa ang mga comments ng mga basher sa'kin. Sa sobrang tawa ko hindi ko na napigilan na hindi maiyak. Pinunasan ko ang luha sa gilid ng mata ko bago bumaling kay beks na naka uwang ang labi at hindi makapaniwalang nakatitig sakin.

"You're so baliw na peks. Wala naman nakakatawa sa binabasa mo." Napatigil ako sa pagtawa at tinignan ng masama ang bakla.

"Anong walang nakakatawa?! Nakakatawa kaya! Basahin mo kaya para malaman mo!" Umuwang ang labi niya ng sigawan ko siya sa sobrang galit ko.

Tumingin siya sa taas at ginamit ang dalawa niyang kamay pamaypay sa kanyang sarili, "Kalma self, kalma. Hindi weird ang friend mong malantod." Bulong bulong pa niya sa sarili niya na rinig na rinig ko naman.

Inirapan ko ang bakla at nagpatuloy sa pag babasa ng mga comments. Hindi ko na naman mapigilan tumawa dahil sa mga nababasa ko.

"Spyke plus Kylee equals Spylee? Ang cute diba beks? Spylee, Spylee, Spylee. Oh my god! Ang cute talaga! How about Spyke plus Amethyst? Equals, Spythyst?" Napasimangot ako at mabilis na napa iling. "Ayoko! Ang pangit naman! Mas gusto ko ang Spylee. Diba beks?" Ngumiti ako ng malaki kay beks.

"Oh my! Should I bring her to the mental hospital? Nababaliw na siya! Oh my god! Ako yata ang unang mababaliw sa malantod kong friend." Ngumuso ako dahil sa sinabi nito. Haler! Hindi ako baliw 'no! Sadyang natutuwa lang talaga ako.

Naalala ko tuloy kagabi, mas lalong nagalit ang apat na ugok sakin ng makita nila ang reaksyon ko at marinig nila ang sinabi ko.

Kinilig naman talaga ako e. Ang sweet sweet kaya namin tignan ni baby spyke dun.

Kagabi at hanggang kanina hindi nila ako pinansing apat. Syempre na lungkot naman ako kasi hindi nila ako bati. Pero kahit na hindi nila ako kinakausap hinatid parin nila ako sa tapat ng classroom ko.

Paglabas ko nga ng kotse ni lance kanina ang daming tumingin ng masama at panghuhusga sa'kin. Hindi din nakatakas ang sa pandinig ko ang mapanghusga nilang salita. Pero hindi ko nalang sila pinansin. Katulad nga ng sinabi ni bestfriend sa'kin ganyan talaga ang tao, huhusgahan ka kahit hindi naman alam ang buong kwento mo.

At dahil friend ko naman ang bakla sinabi ko narin ang totoong nangyari, maliban lang dun syempre sa nangyari sa'min ni spyke.

Hindi nga makapaniwala ang bakla, malantod daw ako. Mas malantod siya syempre, halikan ba naman ang bangkay ni black?

Can't Fight His Feelings (Sebastian Series #2)  Where stories live. Discover now