Chapter 27

426 15 0
                                    

Chapter 27: Slap

"That was so cool, alam mo ba peks? Though, that was also so delikado. Mabuti nalang you didn't hurt." Napabuntong hininga ako sa sinabi ni beks. Ikwenento ko sa kanya ang nangyari kagabi. Alam ko naman na masyadong ngang delikado ang ginawa ko dahil konting pagkakamali ko lang ay maaaring may nangyaring masama sa'kin or worse baka nabaril pa ako.

Magpapasalamat ba ako sa suot ko kagabi? Dahil ang dalawang gagong 'yon nakuha pa talaga nilang pagmasdan ang katawan ko.

"Anong cool don?" Kunot noo kong tanong sa kanya. Tumingin naman siya sakin na parang hindi makapaniwala.

Inirapan ako ng bakla bago nagsalita, "Oh my god cassy! Sinong matinong girl ang gagawa ng ginawa mo? Ikaw lang peks. Ipapakuha kita sa puting van e." Tumawa ako ng malakas dahil sa huling sinabi nito, dami talagang alam ang baklang 'to.

"Hindi naman kasi ako tanga na tutunganga nalang sa kanila habang nagnanakaw sila."

"How about your kuya black? Is he okay?" Napairap ako ng makita ang kinikilig na mukha ng bakla ng banggitin niya ang pangalan ni black. Malakas talaga ang tama ng isang 'to sa ugok na kapatid ko.

"Natural! Wala sila sa bahay ng mangyari 'yon!"

Hindi na nasundan ang pag uusap namin ni beks ng dumating ang professor.

Pagkatapos ng sunod sunod na klase ay lumabas na kami ni beks para kumain ng lunch.

At dahil nga may kasama akong isang bakla ay hindi matigil tigil ang pag kwekwento nito tungkol sa mga boys dito sa university.

"For me, the most hottest and pogi here in KU is no other than Rasheler Reil Montero Camus! Tangina peks, nakakalaglag panty ang face niya! So yummy din ng katawan niya! Syempre hindi din magpapahuli ang Sebastian Boys! Lalong lalo na si Spyke! That lalaki! He's pogi and yummy din. Sarap!" Anito at ang malanding bakla tumili pa habang nakahawak sa pisnge niya.

"Baka makalaglag brief kamo." Sagot ko na siyang nagpatigil sa kanya, tinignan niya ako ng napakasama bago inirapan.

"Excuse me? I'm not wearing briefs kaya! I wear panties! Panty! And it's a Victoria Secret! Do you want to see?"

Hinampas ko ang balikat nito bago sumagot. "Arte mo naman beks. Victoria Secret talaga? Sa'kin nga hanggang Avon lang panty at bra ko e." Tumawa siya ng malakas dahil sa sinabi ko.

E totoo naman kasi! Avon lang talaga 'yong mga undergarments ko, mas maarte pa nga si sydney sakin kasi lahat ng panty at bra nun branded din katulad nalang ng Victoria Secret. Ang feeling bagets din na lola ko ganun din, akala nila 'di ko tinitignan kapag nakasampay panty nila at bra nila sa sampayan? Tinitignan ko tsong! At isa lang ang masasabi ko, feeling mayaman talaga sila!

"Don't worry I'll buy you some other time, magaling yata akong pumili." Sabi pa ng bakla at kumindat.

"Tigilan mo nga ako! Kinakalibutan ako sayo e."

"So arte" Hindi ko na pinansin ang huling sinabi nito ng makaramdam ako ng tawag ng kalikasan. Naiihi ako! Pakshit naman.

"Beks, mauna kana muna sa cafetria. Cr lang ako." Ani ko at huminto.

"Samahan na kaya kita?"

Umiling ako bago sumagot. "Wag na, sige na." Hindi ko na hinintay na sumagot ito, mabilis akong pumasok sa pinakalapit na restroom.

Pagpasok kong umihi ay dumiretso ako sa sink at habang naghuhugas ako ng kamay ay hindi ko maiwasan na hindi maalala ang huling tawagan namin kaninang umaga ni Spyke. Katulad nga ng ipinangako nito ay talagang tumawag siya.

Can't Fight His Feelings (Sebastian Series #2)  Where stories live. Discover now