Chapter 39

512 20 0
                                    

Chapter 39: Sparkle, Sprinkle and Storm

After 4 Years

May mga pangyayari talagang hindi natin inaasahan na sa isang iglap ay biglang mawawala ang lahat. Ang lahat ng nakasanayan mo dati ay biglang maglalaho at bubuo ng panibagong karanasan.

"Sir!" Tumayo ng tuwid at sumaludo ako sa Police Inspector na nakasalubong ko.

Nang lagpasan niya ako ay nagpatuloy ako sa paglalakad sa loob ng kampo. Ngumingiti at bumabati kapag may nakakasalubong akong kapwa ko din pulis.

Sa nakalipas na apat na taon ang daming nangyari. Hindi ko inaasahan na ngayon ay isa na akong ganap na pulis. Na ang pangarap kong maging pulis dati ay ngayon natupad na.

"Good Morning!" Bati ko sa mga kapwa ko pulis ng makapasok ako sa opisina. Dumiretso ako sa cubicle ko at mabilis na umupo sa upuan ko.

"Good Morning din PO3 Amethyst!" Bati nila. Hindi ko mapigilan na hindi ngumiti and yes, isa na akong Police Staff Sergeant o tinatawag na PSSg.

Tumaas ang isang kilay ko ng makitang papalapit sa'kin si PO1 Frenz, alam kong may chismis na naman sasabihin ang babaeng 'to sa'kin.

"May cheka ako sa'yo Amethyst!" Masiglang bati nito na akala mo wala kami sa loob ng opisina.

"Ano na naman 'yon?"

"Alam mo bang dadating ngayon sa kampo natin si PBGEL Cross Gomez at kasama niya din yata ang kapatid niyang si PMAJ Black Gomez! Hindi na ako makapaghintay! Matagal ko na kaya silang gustong makita! Napaka pogi at hot kasi nilang pulis!" Bigla akong napako sa kinauupuan ko ng marinig ang sinabi ni Frenz.

Mabilis kong kinuha ang bag ko at tumayo. Ramdam na ramdam ko ang mga tuhod kong nanginginig.

"Hoy ayos ka lang ba? Ba't umiiyak ka?" Nag aalalang tanong ni Frenz, ni hindi ko man lang namalayan na lumuluha na pala ako.

"Aalis na ako. A-absent muna ako ngayon." Ani ko at mabilis na lumabas ng opisina. Hindi ko na siya nilingon kahit na tinatawag niya pa ako. Ang tanging nasa isip ko lang ngayon ay ang makalabas dito sa kampo.

Habang tumatakbo ako ay hindi ko alintana ang mga matang nakatingin sa'kin.

Nang makita ang kotse ko ay mabilis akong pumasok at agad itong pinaandar. Hindi pa man ako tuluyan nakalabas ng kampo ng makita ko ang dalawang pamilyar na lalaki.

"B-lack... C-Cross" Hindi ko na mapigilan na hindi humahagulgul ng makita ang dalawang kapatid ko.

Apat na taon. Apat na taon ko silang hindi nakita, nakasama at nakausap. Gustong kong lumabas ng kotse ko at tumakbo sa kanila para yakapin sila pero natatakot ako. Dahil sa pagkakaalam nila matagal na akong patay.

Napatakip ako sa labi ko ng mas lumakas ang iyak ko, sa kabila ng pangungulila ko sa kanila hindi ko mapigilan na masiyahan habang pinagmamasdan silang dalawa.

Ang daming nagbago sa kanila, mas lumaki ang pangangatawan nila, ang dating gatas na balat nila ay ngayon moreno na. Mga tindig at lakad nila ay ibang iba na.

Habang naglalakad sila ay seryoso lang ang mukha nila, lahat ng pulis na nasa kampo ay nakalinya habang sumasaludo sa kanila. Ang dami ding iba pang mga pulis na nasa likod nila na mistulang prinu-protekhan sila.

Si Cross na isa ng Police Chief Superintendent o tinatawag na PBGEN na ang ibig sabihin ay Police Brigadier General.

Si Black na isa naring Police Chief Inspector o tinatawag na PMAJ na ang ibig sabihin ay Police Major.

Nakaka proud silang dalawa. Parang dati mga ugok pa sila, palaging nagpaalibre kay Seth at Lance, buraot at mga gunggong pero tignan mo nga naman ngayon mga respetadong tao na sila.

Can't Fight His Feelings (Sebastian Series #2)  Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt