Prologue

1.2K 32 3
                                    

Prologue

Okay naman ako ng hindi ko pa siya nakilala.

Masaya naman ako ng hindi ko pa siya nakikita.

Pero bakit biglang nagbago ng magtagpo kaming dalawa?

Mali ba na minahal ko ang isang lalaking ni hindi magawang ipaglaban ang sarili niyang nararamdaman para sa akin?

Kung mali? Bakit ito ako, hulog na hulog parin sa kanya.

Pinigilan ko naman... pero kasi siya parin talaga eh. Kasi kahit anong pigil ko, siya parin ang tinitibok nitong puso ko.

"Gomez, awat na. Sarili mo lang sinasaktan mo e." Napabaling ang ulo ko sa kaibigan kong si Katherine.

"A-lam ko naman.. pero, hindi ko mapigilan e. Mahal na mahal ko kuya mo." Natatawang sabi ko at tinungga ang hawak kong beer.

Ang tanga ko, akala ko okay na. Pero ito naman si tanga, nag pauto.

Ba't ba sa kanya pa ako nahulog? Ba't dinami dami ng lalaki, bakit siya pa? Ni hindi niya nga ako kayang ipaglaban.

Katangahan ba tawag dito? Or sadyang bobo lang talaga ako?

"Gomez, please stop drinking. It's already 11 pm in the evening, I'm sure your cousins and your brothers are really concern at you." Napatingin ako kay Katherine at mabilis siyang niyakap.

"Thank you kasi palagi kang nandiyan sa akin. Kaya ikaw, wag ka munang mag bo-boyfriend okay? Sasaktan ka lang nila." Marahan siyang tumawa at niyakap din ako pabalik.

Napangiti ako, nagpapasalamat talaga ako sa diyos at binigyan niya ako ng ganitong klaseng kaibigan. Sa tanang ng buhay ko, ngayon lang ako nakakita ng sobrang bait na tao at si Katherine 'yon. Ni hindi ko alam kung meron naba 'tong nagawang kasalanan, para siyang angel na inihulog dito sa lupa.

"I don't want to have a boyfriend gomez, because I was born to marry the son's of my mom bestfriend." Malungkot akong ngumiti, hindi lang naman ako ang nag iisang babaeng minamalas pagdating sa pag ibig. Alam ko sa sarili ko na mas madami pang mas grabe ang pinag dadaanan sa akin. Pero, kahit ano pa 'yon kung talagang masakit... masakit.

"At okay lang ba sa'yo 'yon?" Agad siyang kumalas sa yakap at tinignan ako.

"Yes of course, I don't want to disappoint my mom. I'll do everything just to make them happy even though it's hard for me."

"Ang bait bait mo talaga. Sana mabait din ang kuya mo."

"I'm so sorry gomez, I'll just talk to my twin brother."

Napangiti ako sa sinabi niya. Ni hindi ko nga alam kung papakinggan siya ng kuya niya, sa mga nangyayari ngayon madami na talagang nagbago kay Spyke. At kasalanan ko 'yon.

"Wag na, tara uwi na tayo. Baka mamaya hinahanap kana ng mga parents mo." Sabay kaming lumabas sa bar, ni hindi ko din mapigilan na hindi ma guilty kasi alam kung first time niya lang pumasok sa bar at sa ganitong oras pa at dahil 'yon sa'kin. Ang bad influence ko talaga.

"Sorry Spykie ah, nadamay ka na naman sa problema ng buhay ko."

"No, don't say that. I'm here because I care for you. I know you're blaming yourself again, but please gomez just stop it. This is my choice, just don't drink alcohol again okay?"

Agad akong tumango, kung sana kasing talino lang ako ni Katherine edi sana hindi ako nagmumukhang tanga sa kuya niya.

Inihatid niya ako sa tapat ng bahay namin.

"Thank you Katherine."

"You're welcome. I love you gomez, just always take care." Sabi nito at agad akong hinalikan sa pisnge. Hindi naman na bago sa akin ito, masyado talagang sweet itong si Spykie Katherine K. Sebastian.

"I love you too." Sagot ko at hinalikan din siya sa pisnge.

Pagkatapos namin mag paalam sa isa't isa ay agad akong pumasok sa bahay, mabuti nalang at hindi ako nakita nila cross at black kaya nagmadali akong pumasok sa kwarto ko. Literal na napanganga ako ng makita ko ang taong nasa loob ng kwarto ko.

Anong ginagawa niya dito? Akala ko magkasama sila ng girlfriend niya?

"Amethyst..." Agad siyang lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Agad ko naman siyang tinulak ng malakas.

"Papano ka nakapasok? Ba't amoy alak ka? Alam ba 'to ng girlfriend mo Spyke?" Agad siyang umiling at umupo sa kama ko habang sapo ang kanyang ulo.

"I didn't know what to do anymore, I'm getting crazy. I love you but I can't just leave my girlfriend yet." Mapakla akong tumawa at mabilis na pinahiran ang luhang dumadaloy sa pisnge ko.

"Tigilan na natin ang kahibangan na'to Spyke. Nahihirapan kana, nasasaktan na ako. At may nasasaktan ng ibang tao ng dahil sa atin. Tama na, pagod na pagod na ako kakaintindi sa'yo, kakahintay sa'yo. Ilang beses kong tinatak sa isip ko na, maghintay lang kasi inaalam mo pa ang tunay na nararamdaman mo. Kung sino ba talaga mas matimbang sa amin diyan ng girlfriend mo, kaya Spyke ako nalang ang iiwas. Ako nalang, para wala na tayong masaktang ibang tao. Kasi Spyke nakakapagod din maghintay. Pagod na pagod na ako. Alam mo kung ano ang kalaban natin? Yan! Yan ang nararamdaman mo! Mahal mo ako pero wala kang lakas loob na ipaglaban 'yon? Dahil ano? Dahil ayaw mong masaktan ang girlfriend mo? Ayaw mo siyang iwanan? Tangina! Nagkakagahuhan nalang tayo Spyke. Tigilan na natin 'to." Tuluyan na akong napaupo at humagulgul ng malakas.

Nanginginig ako habang nakasubsub ang mukha ko sa hita ko. Ngayon ko lang sinabi ang lahat ng hinanakit ko sa kanya. At kahit papano nabawasan ng konti ang sakit ng nararamdaman ko, nagkakagaguhan lang naman kasi kaming dalawa eh.

"N-No, give me more time to think Amethyst. Please, konting oras pa." Mabilis akong umiling at mahinang tumawa.

"You're so selfish Spyke. Isipin mo din naman ang nararamdaman ko, hindi 'yong nararamdaman mo lang. At konting oras? Spyke! Hindi ka bobo para hindi malaman ang tunay na nararamdaman mo! Takot ka! You're afraid to fight your own feelings and you can't even fight for it. That's the real reasons Spyke. Ang duwag mo! Tatandaan mo 'to Spyke. Sa oras na umalis ako sa buhay mo, hinding hindi mo na ako makikita pa ulit."

"Then I'll chase you."

__
SEBASTIAN SERIES #2

CAN'T FIGHT HIS FEELINGS

Amethyst Chandelle D. Gomez
Sypke Daniel K. Sebastian

Can't Fight His Feelings (Sebastian Series #2)  Where stories live. Discover now