"Kahit kailan ba ay hindi ka nagkagusto sa iba? O na-attract ng ibang mga babae?"

"To be honest Tito, na-attract din naman ako sa iba pero kapag po naaalala ko ang anak ninyo, nawawalan ako ng interes sa kanila. Lalo pa at alam kong mahal na mahal ko ang anak ninyo, na kahit na ma-attract ako sa iba, sa kaniya pa din ako pupunta, dahil mahal ko siya."

Ini-interview na ata ako ng papa ni Risse ah. Nakakakaba ang mga titig niya at alam mong seryoso siya sa mga itinatanong niya.

"Paano kung nasaktan ka ng anak ko? Anong gagawin mo?" Medyo seryoso na ang tanong na ito ah.

"Tatanungin ko po siya kung ano ang dahilan niya para saktan ako. Dahil alam ko pong hindi ako sasaktan ni Risse kung wala siyang matibay na dahilan." Sagot ko naman.

"Paano kung naramdaman ninyong wala ng patutunguhan ang relasyon ninyo? Kung nagsawa na kayo? Susuko nalang ba kayo agad-agad?" Sumeryoso naman ako sa tanong na yun.

"Magsisimula kami sa umpisa kung saan parehas kaming masaya. Ibabalik namin ang nawalang sigla ang relasyon namin. At hinding-hindi basta-basta nalang susuko. Kung kaya pang ayusin, aayusin." Seryoso kong sagot.

Napangiti naman si Tito, "gaano mo kakilala ang anak ko?" Huling tanong nito.

"Kilalang-kilala na po. At sa tingin ko, makikita ko pa ang other side niya. Lalo na at ako na po ang may hawak ng puso niya. Baka makita ko na din ang soft side niya." Nakangiting sagot ko.

"Hijo, ipagkakaloob ko sayo ang anak ko. Alagaan at mahalin mo siya." Nakangiting ani Tito saka ako tinapik sa balikat at naglakad palayo.

Hindi ko po ipapangakong hindi ko siya iiwan o saktan, dahil magkukusa ako para hindi iyon mangyari.

"Gusto mo bang mamasyal nalang muna?" Hindi ko naman namalayan ang paglapit ni Risse sakin.

"Oo sana, saan ba masayang mamasyal dito sa lugar ninyo?" Nakangiting tanong ko dito.

"Halika, puntahan natin ang mga pinsan ko." Sagot nito.

Kumabog naman ang dibdib ko sa kaba. Ano kayang klaseng mga tanong ang itatanong sakin ng mga pinsan niya?

Naglakad kami palabas ng bahay nila saka kami dumiretso lang at nakadaan na sa mga limang bahay hanggang sa may madatnan kaming puno ng mangga at sa silong nito, doon nakaupo ang limang kalalakihan at apat na kababaihan. Ang ilan dito ay kasing-gulang lang naming dalawa.

"Pinsan!" Tawag ng isang lalaki kay Risse.

"Pinsan! May ipapakilala ako sa inyo." Nakangiting ani Risse.

"Uyyyy may dalang lalaki. Ano yan ha?" Tanong ng isang babae, pulang-pula pa ang labi nito dahil sa liptint.

"Wag ka ngang tumingin ng ganyan sa kaniya baka boyfriend pa yan ni Risse." Awat naman ng isa pang babae na simple lamang ang itsura.

"Ate dito ka maupo." Tawag naman ng isang maputing babae kay Risse.

"At ikaw." Nagulat naman ako ng ituro ako ng babaeng kayumanggi ang kulay ng balat habang seryosong nakatingin sakin. "Doon ka maupo sa tabi ng kuya nito." Turo niya pa kay Risse.

"Nico ano kayang gagawin natin dito?" Tanong ng isang medyo maitim na lalaki.

"Wag niyo ngang takutin. Tss. Ikaw, dito  ka nalang maupo at baka mapagdiskitahan ka pa diyan." Sabi naman ng nagngangalang Nico.

"Kaano-ano mo nga ba ang panget na yan?" Tanong sakin ng isa pang lalaki habang nakaturo kay Risse.

Tumingin naman ako kay Risse dahil hindi ko alam ang sasabihin ko pero tinaasan lang ako nito ng kilay.

"A-Ako ang b-boyfriend niya." Nauutal kong sagot.

"Sabi ng wag ninyong takutin e." Muling awat ni Nico. "Magpakilala na muna tayo isa-isa." Suhestiyon pa nito.

"Ako nga pala si Rico." Pakilala nung medyo maitim. "Kapatid ako niyan, ni Nico di halata kasi mas guwapo ako." Dagdag pa nito.

"Ako naman si Jhonny at ito si Jake. Kami naman ang magkapatid." Pakilala naman ng lalaking tumawag kay Risse kanina, napansin ko ding ang Jake na sinasabi niya ay tahimik na parang may binabalak na iba dahil sa way ng pagtingin niya sakin.

"Ako naman si Jonathan." Pakilala naman ng lalaking tumawag na pangit kay Risse.

"Hi babe, ako nga pala si Joanne." Pakilala naman ng pulang-pula ang labing babae saka ito kumindat sakin.

"Ako nga pala si Jay-anne, wag mo nalang pansinin ang kapatid ko." Paumanhin nito.

"Hi kuya, I'm Ella ang favorite pinsan ni ate." Pakilala naman ng nagpaupo kay Risse sa tabi niya.

"It's Rhea." Maikling pakilala nung seryosong babae. "At wag maniniwala diyan kay Ella, ako ang mas paborito ni Risse kaysa sa kaniya." Dagdag pa nito.

"Ano?!"

"Anino."

Napangiti naman ako ng magsimulang magkulitan yung dalawa.

"Ako naman si Alexuz." Pagpapakilala ko din. "Boyfriend ni Risse." Dagdag ko pa.

"Alex nalang for short." Sabat naman ni Joanne.

"Oo alam namin kaya manahimik ka na." Pambabara sa kaniya ng kapatid niyang si Jay-anne.

"May tanong ako." Sabi naman ni Jake na may pagtaas pa ng kamay na animo'y nasa loob ng eskuwelahan.

"Ano yun?" Tanong ko.

"Anong gagawin mo pag may lalaking aali-aligid diyan sa jowa mo?" Malokong tanong nito.

"Hindi ako papayag sa ganun. Paalisin ko siya at sasabihing wag guluhin ang girlfriend ko kung ayaw niyang makatikim ng suntok galing sakin." Maangas na sagot ko.

"Kaya mo bang makipagbugbugan para sa pinsan ko?" Tanong naman ni Jhonny.

"Oo naman, lalo na kung yung mga taong yun ang gumugulo sa girlfriend ko." Sagot ko.

"Boto ako sayo kung ganun. Ok na ok ako sayo." Ani Nico. "Wag mo lang sasaktan ang pinsan ko, kami ang makakabangga mo." Dagdag pa nito.

Nagulat naman ako ng nagsitayuan silang lahat. "Sama ka samin?" Tanong ni Risse. "Pupunta kami sa bahay. Gusto ka nilang isama. Sasama ka ba?" Tanong ulit nito.

Tumango lang ako kaya naman nilapitan niya ako at hinawakan sa kamay saka kami naunang naglakad paalis.

RPW SERIES #1: When Bad Boy Meets Nerdy Girl (Completed)Where stories live. Discover now