Chapter 67

690 44 2
                                    

Risse Jayce's POV

Dalawang araw nalang ay magva-valentines na. Ito na ang huling araw na magdidisenyo ang mga kalalakihan at talaga namang bigay na bigay sila.

"Ang alam ko, gagabihin sila ngayon." Ani Akira habang nakatingin sa taas, sa gym.

Bigla ko tuloy naalala yung sa park. Grabe siya kung makasermon. Dinaig pa babae.

Flashback:

"T-Teka ano ngayon, Risse?" Tanong ni Gray.

"Hmm february 1 na pala." Sagot ko pagkatapos kong makita sa cellphone ko ang petsa.

"Wala ka bang naaalala?" Tanong nito. Kitang-kita sa mga mata niya ang excitement.

"Malapit ng mag-valentines." Sagot ko na ikinakunot ng noo nito.

"Hindi mo naaalala 'no?" Seryosong tanong nito.

Teka, may mahalaga ba sa araw nato? Muli ko namang inalala ang lahat, at saka ako napangiti nang maalala ko kung anong meron ngayon.

"Hehe isang buwan na pala tayong magkarelasyon." Nagkakamot ng batok na sambit ko.

"Nakalimutan mo ano?" Nandun pa din ang seryoso niyang mukha.

Lagot ako neto, yun pa talaga ang kinalimutan ko.

"Lah, hindi kaya. Hehe." Napapahiyang tugon ko.

"Isang kasalanan na makalimutan mong isang buwan na tayong magkasama Risse. Isa iyong kasalanan." Sermon nito sakin.

Ikinagulat naman nito ang pagyakap ko sa kanya saka bumulong sa pinakamalambing kong tono, "happy monthsary, prinsepe ko." Saka ako kumalas at hinalikan ito sa pisngi. "I love you." Ani ko pa.

Parang matatawa naman ako sa naging itsura niya. Oh, akala ko ba galit ito? Bat pulang-pula? Hahaha.

When Bad Boy Meets Nerdy Girl (Completed)Where stories live. Discover now