Chapter 26

1.7K 80 1
                                    

Alexuz Gray's POV

Pagkatapos ng school hours at lunch time na nagulat nalang ako ng makita kong sasabay sakin si Risse na kumain. Di bale namiss ko na din siyang kasama. At ito na nga ang huli naming pagkikita.

"Nasan si Alexis?" Nagtataka kong tanong.

"Busy pa siya bilang overall president e tsaka dun nalang daw siya sa office nila kakain kaya sasamahan nalang kita, namiss kaya kita." Sagot nito.

"Namiss din kita, sobra.." napatingin naman ako dito at napatawa nang makitang namumula ito.

"Ayan ka nanaman sa ka-sweet-an mo." Sabi nito saka ako binatukan.

"Namiss naman talaga kita." Mas namula naman ito.

"E!!" Inis nitong anas na mas lalong nagpatawa sakin.

Naupo na ito sa table na napili namin. Nagpaalam ako na ako nalang ang bibili, buti nalang at wala yung dalawa masyado pa naman silang mapang-asar.

Binili ko ang paborito nitong caldereta bilang ulam naming dalawa at bumili din ng dalawang royal na paborito naming inumin pag magkasama kami.

Bumalik nako sa upuan namin at nakita ko naman ang sobrang lawak nitong ngiti nang makita ang pagkaing binili ko.

"Hindi mo pa din pala nakakalinutan." Nakangiti nitong sabi.

"Naman!" Sambit ko.

Nagsimula naman na kaming kumain at kita ko ang lihim na pagsulyap samin ni Akira. Tss bat ba niya kasama si Hierra e halata namang pinaplastik lang siya.

"Sana magkaayos na kayo ni Akira keysa yung sumasama siya sa mga plastik." Sabi ko.

"Magkakaayos din kami." Napangiti naman ako sa sinabi niya.

Pagkatapos naming kumain ay nagpasya naman itong pumunta muna kami sa garden para makapagpahangin.

Pinaupo ako nito at nagulat nalang ako ng humiga siya sa lap ko, "namiss ko yung ganito." Sabi nito.

"Nga pala," napaupo naman ito saka humarap sakin. "Nung party pagkatapos ng intrams, totoo ba yun o acting lang?"

Napatawa naman ako, "acting lang." Sagot ko.

"Bwisit ka, nagselos ako dun. Hmp!" Inis nitong sabi. "Pero..."

"Pero?"

"Pero yung acting ni Akira parang tunay, kasi totoo namang mahal ka niya." Malungkot nitong sambit.

"Oh bat ka malungkot diyan?" Tanong nito.

"Bakit kasi nagustuhan ka din niya pwede namang si Rain nalang yung gustuhin niya." Sagot nito.

"Wag kang mag-alala makakalimutan din ni Akira ang nararamdaman niya sakin." Sabi ko naman saka siya nginitian.

Tumango naman ito saka muling nahiga sa lap ko.

***

Nakatingin lang ako sa kanyang maamong mukha habang natutulog siya. Mami-miss koto...

Dahan-dahan naman itong nagmulat ng mata saka bumangon at kinusot ang mga mata.

"Musta ang tulog?" Pabiro kong tanong.

"Ayos na ayos." Nakangiting sagot nito.

"Bakit ayos na ayos?" Tanong ko ulit at hindi ko inaasahan ang sagot nito.

When Bad Boy Meets Nerdy Girl (Completed)Where stories live. Discover now