Chapter 25

1.7K 91 4
                                    

Third person's POV

Tulala lang si Risse, nasasaktan siya sa mga sinabi ni Akira. Siya ang nasasaktan sa sinabi ni Akira kay Alexuz.

Napansin naman ito ni Alexis kaya hinawakan siya nito sa kanyang balikat, "tutuloy pa ba tayo sa rooftop?" Tanong nito sa kanya at isang tango lang naman ang isinagot ng babae saka naglakad papasok.

Napabuntong-hininga nalang si Alexis na sinundan si Risse na pumasok na nga ng tuluyan sa rooftop.

Nadatnan niya itong nakahawak sa railings at nakapikit habang dinadama ang malamig na simoy ng hangin.

Maya-maya lang nagulat nalang ito nang habang nakapikit ang babae ay may biglang tumulong luha galing sa kanyang mga mata.

Nagmulat ito ng mata saka tumingin sa direksiyon ng lalaki, "kailangan ko na bang bumalik sa dati?" Tanong nito.

Lumapit naman si Alexis dito saka tinabihan, "ikaw lang naman ang makakaalam kung kailan ka babalik sa dati. Andito lang ako, kami nina Jaina at Jestine, para suportahan ka." Sagot ng lalaki.

"Sige kung ganun..." napatingin naman ang si Alexis sa kanya at inabangan ang susunod na sasabihin ni Risse. "...suportahan mo ako bukas."

Ibig sabihin lang nun... babalik na ang dating si Risse.

***

Sa kabilang dako naman nakatayo lang si Akira sa harapan ni Alexuz.

"Ano? May iba ka pang sasabihin? Kung meron pa, sabihin mo na. Magsayang ka lang ng oras mo dahil hindi naman ako makikinig sa mga walang kuwentang sinasabi mo." May inis na wika ni Alexuz.

"Walang kuwenta? E pinapaalam ko lang naman sayo ang katotohanang hindi mo nakikita." Sarkastikong wika ni Akira.

"Hindi ko kailangan ang mga kasinungalingan mo, kailangan ko ang tapat na sasabihin ni Risse sakin." Wika naman ng lalaki.

"Si Risse pa din ba?" Malungkot na tanong ni Akira.

"Oo, walang nagbago, siya pa din. Kahit na nasasaktan akong kasama niya ang pinsan ko, siya pa din ang mahal ko. At hindi ko hahayaang makuha siya sakin ng pinsan ko, hinding-hindi ako papayag." Mahabang sagot ng lalaki.

"Ano ang gagawin mo pag bumalik siya sa dati?" Tanong ni Akira.

"Masasaktan lang ako kapag bumalik siya sa dati na ang pinsan ko ang kasama niya at hindi ako." Mapait na wika ni Alexuz.

"Paano kapag hin-"

"Tumigil ka na Akira, wala ng mababago. Magkakaayos din kami ni Risse at hindi ko na kailangan ang tulong mo."

Naglakad na paalis si Alexuz habang naiwang nakatayo at tulala lamang si Akira.

"Hanggang ngayon hindi pa din ako magawang mahalin ni Alexuz. Hindi pa din ako magawang mahalin ng taong mahal ko pero mahal ang iba." Bulong nito.

Risse Jayce's POV

Wala naman sigurong masama sa pinili ko, gusto ko lang talagang maibalik ang dating ako at kausapin ng masinsinan si Gray. Makipag-ayos sa kanya at magtapat na din ng damdamin ko, dahil siya pa din ang nilalaman ng puso ko.

When Bad Boy Meets Nerdy Girl (Completed)Where stories live. Discover now