Chapter 54

912 47 1
                                    

Risse Jayce's POV

"Teka... sinisigawan mo ba ako?" Mahinahon kong tanong dito.

"SAGUTIN MO MUNA YUNG TANONG KO!!" Sigaw pa din nito.

"PWEDE BANG HUMINAHON KA?!" Napapahiya naman itong tumingin sakin. "Tanungin mo ako ng mahinahon, hindi mo kailangang sumigaw dahil rinig kita."

"Bakit ba kasi ganyan ang suot mo?" Nakangusong tanong nito.

"E ito ang naisuot ko e." Sagot ko.

"Bakit yan ang sinuot mo?"

"Kasi ito ang pinasuot sakin."

"Sinong nagpasuot sayo?"

"Si Akira."

"Bakit mo sinunod?"

"Regalo niya e."

"Puwede ka namang tumang-"

"Hep hep..." singit ni Akira. "Daming tanong ah." Sita niya pa.

"E ayokong makitang ganyan ang suot ni Risse e. Masyadong attractive." Lumingon pa ito sa paligid kaya napalingon din ako. "Andami tuloy nakatingin sa kanya."

"Hello! Pasko! Saka isa pa, ngayon lang naman e! Boyfriend ka? Boyfriend?" Pang-aasar sa kanya ni Akira.

"Oo nga pala, manliligaw lang pala ako hindi ako boyfriend." Walang-emosyong sabi nito saka naglakad papalayo.

Masama naman akong tumingin kay Akira. "Hala sorry." Sambit nito pero hindi ko na ito pinansin pa.

Sinundan ko sina Rain at nang makita ako ni Rain na nakasunod sa kanya ay sinenyasan ko itong tawagin si Gray.

"Gray si Risse..." ani nito dahilan para mapalingin sakin si Gray.

"Oh?" Hindi ko naman na ito pinansin pa at niyakap nalang.

"Wag ka mag-alala, hindi ko naman ito sinuot para sa kanila." Nakangiting saad ko. "May karapatan ka namang magalit e.." dagdag ko pa.

"Bakit? Sa paanong paraan?" Tanong nito.

"Siyempre dahil alam kong mahal mo ako." Sagot ko.

"Proud na proud ha." Nakangiting ani nito.

"Siyempre naman. Nakaka-proud talaga pag mahal ka ng isang Alexuz Gray Natividad." Nakangiting saad ko. "Wag ka ng magalit diyan. Halika na, samahan mo kami ni Akira na mamasyal." Pagyayaya ko dito. "Ikaw din sumama ka na." Baling ko kay Rain.

Magkakasama naman kaming tatlo na binalikan si Akira na abala pa din sa pagkain.

"Nagalit na ko at lahat, wala pa ding pake." Pagpaparinig ni Gray.

"E sa alam ko din namang hindi ka matitiis ng isa diyan." Pagpaparinig sakin ni Akira.

"Tama na nga ang chikahan. Nagugutom na din ako at kanina pa kami nakabantay sa inyo." Singit ni Rain.

"Hindi pa kayo kumakain?" Tanong ko rito at tumango naman ito.

"Bat mo ginutom ang babe ko huh Gray?"

"Hindi naman kasi nagsasabi na gutom e."

"Magsitahimik na kayo. Tara na, kakain na tayo." Pigil ko sa kanila saka ako naunang maglakad papasok sa Jollibee.

"Bat sa Jollibee?" Tanong ni Akira.

"Edi kung ayaw mo, dun ka sa iba." Sagot ko naman.

"Sa iba mo ba gusto Akira babe? Sasamahan kita." Si Rain.

When Bad Boy Meets Nerdy Girl (Completed)Where stories live. Discover now