Chapter 27

1.6K 79 3
                                    

Alexuz Gray's POV

Masayang kumakain si Risse ng samgyeopsal. Masaya din naman ako kasi kasama ko siya kaso nga lang ito na ang huli naming pagkikita.

"Huy tulala ka diyan. Sige ka, uubusan kita." Pabiro nitong sabi.

"Naku baka nga ikaw ang ubusan ko diyan e." Pakikipagbiruan ko dito.

Mamaya ko nalang siguro isipin yung mga problema. Sa ngayon, mag-enjoy na muna ako kasama siya kasi ito na ang huli.

Kulitan lang kami ng kulitan habang kumakain. Nang mabusog na kami ay agad na itong nagyaya pauwi dahil gabi na din.

"Tara, hatid na kita sa dorm mo." Sabi ko.

Sumakay naman na ito ulit sa sasakyan kaya pinaandar ko na ito. Ito na ang huli, makakaya ko kayang magpaalam?

Habang nagmamaneho ay napatingin ako sa katabi ko. Mahimbing na itong natutulog. Hindi ko nalang ito ginambala hanggang sa makarating kami sa harap ng main gate.

Bumaba na ako saka ko binuksan ang shotgun. Tinanggal ko ang sratbelt niya saka ko siya binuhat ng pa-bridal.

"Ako na ang bahala sa kanya." Pinadaan naman na ako ng mga guard kaya pumasok ako sa loob ng dorm ni Risse.

Inihiga ko siya sa kama niya saka ako naupo sa gilid. Pinagmasdan ko lang siya habang natutulog.

"Risse, hindi ko kayang magpaalam sayo ng harap-harapan. Pero sa ngayon, paalam na. Wag kang mag-alala, pagdating ng araw babalik ako. At sana, mahintay mo ang araw na iyon." Hinalikan ko naman ito sa noo saka ako naglakad palabas.

Maghintay ka lang Risse. Babalik din ako...

Malapit na akong makalabas sa gate nang may humarang sakin... si Akira.

"Anong kailangan mo?" Tanong ko.

"Tulungan mokong makipag-ayos kay Jayce." Lihim naman akong napangiti sa sinabi niya.

"Hindi kita matutulungan, ngayon na ang araw na aalis ako." Sagot ko naman.

"Hindi ko nga alam yung gagawin..." sabi nito sabay kamot sa kanyang ulo.

Ginulo ko naman ang buhok nito, "kaya mo yan." Sabi ko sabay lakad paalis.

Sana nga magkaayos na silang dalawa. Para habang wala ako, alam kong magkasama silang dalawang magkaibigan.

Bumalik na nga sana sila sa dati.. katulad ng nangyari samin ngayon ni Risse. Pero sana, wag silang mag iwanan. Katulad ng gagawin ko ngayon kay Risse...

Risse Jayce's POV

Pagkagising ko ay todo ngiti ako dahil sa nangyari kahapon. Well, hanggang ngayon kinikilig pa din ako. Hindi ko tuloy lubos maisip kung kailan ba aalis si Gray nang mapaghandaan ko.

Naglalakad na ako papasok sa school at nadaanan ko ang room ng section 1 na puno na ng tao.

Inuna ko munang ilagay ang bag ko sa room namin sabay balik sa room ng section 1.

"Nasan si Gray?" Tanong ko.

"Bakit maganda ka ba para sagutin ko ang tanong mo?" Maangas naman na sabi ng isang lalaki.

When Bad Boy Meets Nerdy Girl (Completed)Where stories live. Discover now