Chapter 9

2K 106 11
                                    

Pagdating ko sa jail love booth nadatnan kong nag-uusap si Jaina at Jestine.... I mean nagkukulitan.

"Pahuli kaya natin si Hierra at yung mukhang unggoy na nagkakagusto sa kanya." Sabi ni Jestine.

"Maka-unggoy ka naman e ikaw nga diyan yung mukhang unggoy." Asar sa kanya ni Jaina.

Napatigil naman sila sa pag-aasaran nang makita nila ako.

"Oh bakit kayo tumigil? Sarap niyo kayang panoorin." Sabi ko sabay tawa.

"Oo lalo na at pikon yung isa diyan.." pagpaparinig ni Jaina kay Jestine.

"Mas lalo ka na." Ganti naman ni Jestine. "Nga pala, bakit ka nga pala nandito?"

"Bawal na ba akong pumunta dito?" Pabiro kong tanong.

"Haha hindi naman sa ganun." Sagot naman ni Jestine.

"Wala lang, gusto ko lang magbantay dito sa booth kaya kayong dalawa chupi na muna kayo." Sabi ko.

"Hindi na kami na bahala dito Jayce." Sabi naman ni Jaina.

"Ako na... okay?" Napabuntong-hininga naman silang dalawa.

"Oo na." Sabay nilang sagot.

Umalis naman na ang mga ito kaya mag-isa na ako dito. May lumapit naman saking isang lalaki. May ipapahuli daw siya.

Ibinigay ko naman sa kanya ang form para sulatan niya. Pagkatapos nito ay nagbayad siya ng twenty pesos.

The prisoner are:
Hierra Kaye Marquez
And
Alexis Rain Natividad

Nagulat naman ako sa nabasa ko. Sila? Magsasama sa iisang room? Parang hindi ata tama ito. Lalo pa at galit din si Rain kay Hierra dahil sa pinaggagagawa nito sakin.

Tinawag ko naman ang mga ka-grupo ko na nasa gilid. Ipinakita ko sa kanila ang kailangang hulihin at tumango naman sila saka nagsimulang maghanap.

Makalipas lang ang ilang minuto bumalik sila na hawak-hawak ang naka-posas na sina Rain at Hierra.

"Bakit kami nandito?" Tanong ni Hierra.

Alam ko namang gustong-gusto niya din ang mga nangyayari e.

"May nagpahuli sa inyo." Sagot ko.

"Pwede bang magbayad nalang kami?" Tanong ni Rain nang hindi nakatingin sakin.

"Hindi puwede e. Nasa rules kasi saka 10 minutes lang naman." Singit ni Jaina na kararating lang.

Wala naman nang nagawa si Rain kundi sumunod. Pumasok naman na sila ni Hierra na todo ang ngiti.

"Oh grabe ka naman makatingin." Sabi ni Jestine na nagpabalik sakin sa reyalidad.

"Hindi pa ba kayo ayos ni Alexis?" Tanong naman ni Jaina. Tango lang naman ang naisagot ko.

"Bakit ba pinapatagal niyo pa yang pag-aaway niyo na yan kung puwede namang ayusin niyo na ngayon.." sabi ni Jestine.

"Jayce meron akong seryosong tanong sayo at kailangan ko ng seryosong sagot." Bigla naman akong kinabahan sa sinabi ni Jaina.

"Teka singit lang muna ako ha kasi alam ko na ang sasabihin ni Jaina e." Singit naman ni Jestine. "Masaya ka ba pag kasama mo si Alexis?" Tanong nito at sinagot ko naman ito ng isang tango.

"Bigla-bigla ka nalang bang ngumingiti kapag nandiyan siya?" Tumango ulit ako.

"Gusto mo ba lagi mo siyang kasama?" Ano bang klaseng mga tanong yang sinasabi nila.

When Bad Boy Meets Nerdy Girl (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora