Chapter 69

810 48 0
                                    

Ilang linggo na din ang nakakalipas nang matapos ang prom namin pero hanggang ngayon ay nasa isip pa din at bukmabibig iyon ng nakararami. Kinikilig pa din sila hanggang ngayon dahil sobra silang naaliw.

Natatandaan ko pa ang itsura ng gym noon. Ang bawat sulok ay kulay pula at nagkikislapan pa. Pagkasimula ng prom, bigla na lamang nagbagsakan ang mga pulang petals ng rosas na nagpaganda pa lalo. At doon isa-isa kaming nilapitan ng aming mga minamahal na may hawak pang mga rosas.

"Ang ganda ng kinalabasan ng prom natin at hanggang ngayon ay hindi ko pa din nakakalimutan." Kinikilig na ani Jaina habang nakakapit sa bisig ng kanyang kasintahang si Jestine.

"Binigay niyo talaga ang best ninyo para sa gabing yun." Masayang wika ni Akira habang nakaakbay sa kanya si Rain.

"Basta para kay Hierra, gagawin ko ang lahat para magustuhan niya." Pagmamalaki naman ni Von na ikinamula ng nobyang si Hierra.

"Okay so I really enjoyed everything. You guys are the best." Puri ni Fierra sa mga lalaking kasama namin pero hindi niya man lang tiningnan ang nobyo.

"Fierra ako din tumulong, di moko pupurihin?" Nakasimangot na ani Prince.

"Ayy tumulong ka pala, di ako na-inform." Mataray na wika Fierra.

"Tunulong ako para ma-appreciate mo, takte ka Fierra di na kita sosorpresahin ha." Inis namang wika ni Prince.

"Edi wag, ulol!" Asar sa kanya ni Fierra.

"Arg! Pasalamat ka talaga, mahal kita." Inis na ani Prince pero niyakap nalang ang kanyang nobya na hindi nakapalag.

Humarap naman ako kay Gray na natatawa din sa kanyang nakikita. Gulat pa ito nang makita akong nakatingin sa kanya pero bumawi din ito ng isang matamis na ngiti.

"Nagustuhan mo din ba ang palamuti sa gym?" Tanong nito.

"I didn't like it." Walang-emosyon kong saad dahilan para matigilan ito at mapatingin naman sakin ang mga kasamahan naming nagulat din sa sinabi ko.

"A-Ahh." Nahihiyang ani nito.

"I didn't like it..." pag-uulit ko pa. "...because I do love it." Nakangiting dagdag ko.

Nagulat nalang ako ng bigla ako nitong yakapin ng mahigpit. "Akala ko dimo nagustuhan. Bibigwasan ko na sana sila isa-isa e." Mangiyak-ngiyak na saad nito saka kumalas at tiningnan ako.

"Bat ko naman hindi magugustuhan? Kung isa ka sa nag-ayos niyon. Lahat ng mga bagay na gagawin mo, kahit simple lang ay ma-a-appreciate ko...basta galing sayo. At buong puso mong binigay yun sakin, ay talagang tataggapin ko din ng buong puso." Nakangiting wika ko dahilan para mas mapangiti pa ito.

"Kaya mahal na mahal kita Risse e. Di moko kayang ipahiya. Lahat ng ginagawa ko para sayo, ina-appreciate mo kahit di gaano kaganda." Naiiyak nang saad nito.

"Lahat ng galing sayo ay maganda at nagugustuhan ko. Kahit simple lang ang ginawa mo para sakin ay napakarami nun. Di kita kayang ipahiya dahil hindi ko kayang makitang mapahiya yung mahal ko sa mismong harapan ko." Doon na siya tuluyang napaiyak.

Teka, wala po akong ginawang masama. Bakit umiiyak 'to?

"Oh bat ka umiiyak?" Kinakabahan kong tanong saka hinawakan ang magkabilang pisngi nito.

"Tears of joy yan Risse. Sobra kasi akong napasaya sa mga simasabi mo, at lalo ko yung naq-appreciate kasi di mo lang yan sinasabi, ginagawa mo din para mas lalo kong madama." Paliwanag nito.

"Lahat-lahat ay ipapadama ko, sa salita man o sa gawa. Ipaparamdam ko sayong mahal kita." Doon nako nagkaroon ng lakas na halikan siya sa harap ng mga kaibigan namin.

When Bad Boy Meets Nerdy Girl (Completed)Место, где живут истории. Откройте их для себя