Chapter 63

692 41 0
                                    

Risse Jayce's POV

Nandito lang kami ngayon sa garden, kumakain. Panay nakasimangot naman ang mga kasamahan ko na parang pinagsakluban ng langit at lupa.

"Waaahh nami-miss ko na ang baby Jes ko. Nakakain na kaya siya? Gutumin pa naman yun kagaya ko." Biglang sambit ni Jaina.

"Kapag lang talaga may ginawang kalokohan ang Prince na yun habang wala ako ay talagang masasakal ko siya." Gigil namang saad ni Fierra.

"Aminin mo nalang kasi ate na miss mo na ang kakulitan ni Prince katulad ng pagka-miss ko kay Von." Mahinhing sabi ni Hierra.

"Arg yeah. Sort of, pero nangingibabaw pa din yung isip kong baka mambabae yun." Ani Fierra.

"Naman Fierra, walang babae doon at puro lalaki lang. Kampante nga lang ako kay Rain e pero sana ay hindi siya nagpapakapagod doon." Singit ni Akira.

Hindi ko nalang sila pinansin pa at kumain nalang ako. Nagdaldalan lang sila ng nagdaldalan sa kung paanong nami-miss nila ang mga nobyo nilang hindi naman malayo kung tutuosin sa kinalalagyan namin.

"Hoy ikaw Risse, napakatahimik mo." Bigay-pansin sakin ni Akira.

"Hmm? Na-op kasi ako sa pinag-uusapan ninyo." Sagot ko.

"Anong- Hindi mo man lang ba nami-miss si Gray?!" Hindi makapaniwalang tanong nito.

"Bakit ko siya mami-miss e nasa taas lang naman siya ng building natin." Sagot ko.

"Oo nga pero hindi ka man lang ba nag-aalala kung nakakain na ba siya?" Dagdag tanong nito.

"Tss. Malamang ay alam niyang ayokong nagpapagutom siya kaya kakain din yan." Inis na sagot ko. "Diyan na nga muna kayo, may gagawin lang ako." Saka ako tumayo at naglakad palayo.

Kinuha ko ang cellphone sa bulsa saka idinial ang number niya. Isang ring lang ang nangyari at agad din niya itong sinagot.

"Prinsesa koooo!!" Sigaw nito.

"Wag ka ngang sumigaw." Saway ko dito.

"Hehe. Napatawag ka, may kailangan ka ba?" Tanong nito.

"Tatanungin ko lang sana kung kumain ka na ba?"

"Ayieeee concern ang prinsesa ko."

"Ano nga? Nakakain ka na ba?"

"Oo katatapos ko lang. Ikaw ba?"

"Katatapos ko lang din."

"Ahmm nga pala, baka maging busy na kami dahil ilang araw nalang at magba-valentines na. Baka hindi kita masabayan pauwi."

"Ahh okay lang yun, napakalapit lang naman ng dorm ko e. Pagkatapos naman siguro niyan ay makakapagpahinga na kayo."

"Oo may isang araw kaming pahinga bago mag-valentines."

When Bad Boy Meets Nerdy Girl (Completed)Where stories live. Discover now