Chapter 30

1.5K 73 0
                                    

Alexuz Gray's POV

Ilang araw na din na hindi ko nakikita si Risse pero miss na miss ko na agad siya. Hayst...

Hindi ko din alam kung paano ko ba natiis na di siya kausapin noon. Siguro okay pa yun sakin kasi nakikita ko siya.. pero ngayon hindi na.

"Mr. Natividad!" Napalingon naman ako sa teacher na nasa harapan. "Kaka-transfer mo palang ay nagdedaydream ka na diyan? Pasalamat ka at naka-transfer ka pa kahit nasa second quarter na." Masungit na sabi nito.

Inirapan ko lang naman ito saka muling isinuot ang headset na tinanggal niya. Tss nakakatamad mag-aral..

"Pasalamat ka at tiyahin mo ang may-ari nito-" blah blah blah...

Biyernes na ngayon, pangalawang araw na hindi ko man lang nakita si Risse. Hayst... talaga naman oh...

Uwian na.

Isinukbit ko na ang bag ko sa balikat ko saka walang pakeng lumabas kahit na nasa loob pa ang teacher. Nakasunod lang naman sakin sina Prince at Von.

"Pre..." tawag sakin ni Prince kaya nilingon ko ito.

"Hmm..."

"Tungkol kay Risse.." napahinto naman ako sa paglalakad dahil sa sinabi niya.

"Anong tungkol kay Risse?"

"May nangyari e.." nag-aalinlangan pang sabi nito.

Kinabahan naman ako, "may away nanaman na b-"

"Hindi siya binubully pre.. siya ang nangbubully." Singit ni Von.

"Ano?!" Hindi ko makapaniwalang tanong.

"Tuluyan na siyang bumalik sa dati, ang hindi maintindihan... masyado siyang warfreak." Dagdag pa nito.

"Pero kina Hierra at Fierra lang naman siya ganun." Singit ni Prince.

"Bumalik nga siya sa dati pero..." napatungo ako. "...mas malala pa siya sa maltidang siya noon."

Risse Jayce's POV

Sobrang natutuwa ako dahil sa nangyari kay Hierra. Grabe nakakaawa yung mukha niya kahapon, well bagay lang yun sa kanya.

"So ano na? Si Fierra na ba sa lunes??" Excited na tanong ni Jaina.

"Oo, oo hahaha." Sagot ko naman.

Napansin ko namang kanina pa tahimik si Rain kaya tinabihan ko ito.

Nasa loob nga pala kami ng isang restaurant. Actually, pilipinong-pilipino siya. At parang may fiesta dahil sa dami ng pagkain sa lamesa.

May lechon manok, lechon baboy, inihaw na manok, barbecue, tinola, at adobo.

"Rain ang tahimik mo." Napalingon naman ito sakin saka umiwas ng tingin.

Bumuntong-hininga ito, "sa tingin mo ba tama pa ang ginagawa natin?" May pag-aalala sa boses nito.

"Wala namang masama e, naghihiganti lang tayo." Sagot ko naman.

"Parang sumusobra na ata tayo e." Dagdag nito.

"Hindi tayo sumosobra Rain. Binabalik ko lang yung ginawa nila sakin." Sagot ko.

"Pero..."

"Pagkatapos ko kay Fierra, titigil nako." Nakangiti kong sabi.

When Bad Boy Meets Nerdy Girl (Completed)Where stories live. Discover now