Chapter 36

1.3K 62 0
                                    

Risse Jayce's POV

Halloween time na!

Kasama ko ngayon yung natatanging manliligaw ko na si Gray. Grabe ha! Kung makaasta parang bf ko na! Pati kaibigan niya pinaiiwas sakin!

"Oy ano ba pare, ang damot mo naman papa-picture lang kay crush e." Nakasimangot na saad ni Prince.

"Makiki-picture lang naman kasi Gray. Wag O.A." natatawa kong sambit.

"Picture lang ha. Patay ka sakin." Banta nito.

"Oo pare, promise." Nakangiting sabi ni Prince.

Lumapit naman sakin si Prince saka nagpa-picture. Maya-maya lang.. bigla ako nitong inakbayan, pagtingin ko kay Gray.. ansama ng tingin niya sa kamay ni Prince.

"Picture lang toh kaya wag magagalit." Pagpaparinig ko kaya naman umiwas ito ng tingin.

Pagkatapos ng picture taking with Prince ay agad kong nilapitan si Gray. "Hoy." Tawag ko dito pero di ako nililingon. Ayy galit...

"Wag kang magtampo ,hindi kita masusuyo kasi wala pang tayo." Biro ko kaya agad itong napatingin sakin.

"Ito naman di mabiro." Nakangiti nitong sabi.

Weak naman pala e.

"Ahmmm J-Jayce.." bigla nalang may tumawag sakin kaya nilingon ko ito.

Nakapang-white lady siyang costume at nakatungo ito. Teka, tinatakot ata ako nito. Joke.. hehe..

"Bakit?" Tanong ko naman kaya inangat niya ang ulo niya, si Hierra.

"G-Gusto ko s-sanang mag sorry e." Nauutal nitong sambit.

"Magsorry?" Kunot-noo kong tanong saka sarkastikong tumawa dahilan para mapatungo ito.

Lumapit naman ako dito na ikinagulat at ikinatakot niya kaya napatawa ako. Tawang-tawa talaga ako dahilan para mapatitig ito sakin.

"Baliw di ka naman mabiro." Natatawa kong sabi.

"D-Di ka b-ba galit Jayce?" Tanong nito.

"Oo hindi na. Tagal na din nun e diba? Saka sa tagal ng yun na di tayo nagpansinan, dapat tanggapin ko na sorry mo baka di na maulit pa pag-so-sorry mo e." Biro ko.

"Kapag hindi mo tinanggap yung sorry ko siyempre gagawa ako ng paraan para mapatawad mo ako." Sabi nito.

"Wag kang mag-alala kasi pinapatawad na kita." Napangiti naman ito. "Pero siyempre kahit napatawad na kita hindi ko pa din malilimutan yung mga kasalanan mo. Ayos din yun kasi yung mga ginawa mo ang nagpa-realize sakin na lumaban ako." Nakangiti kong sabi.

"At yung ginawa mo ding paglaban sakin pabalik ang nagpa-realize sakin na hindi lahat ng tao kaya nating basta-basta nalang api-apihin kasi minsan yung mga taong yun ang mas malakas pa satin, katulad mo." Sabi naman nito.

"Ayos naman pala e. May lesson learn tayo pareho." Sabi ko saka sabay kaming tumawa.

"Ayun oh bati na sila!" Sigaw ni Jaina na kanina palang nasa tabi ko.

"Sorry din pala Jaina, Akira, Alexis at Alexuz." Sabi naman ni Hierra.

"Ano ka ba! Okay na yun!" Sigaw naman ni Akira.

Kahit kailan talaga itong dalawang babaeng ito ang iingay....

"Magsisimula na ang party. Tara na." Yaya ni Gray.

"Halika Hierra samin ka sumama." Yaya naman ni Jestine kay Hierra.

"Puwede ba?" Nag-aalinlangang tanong ni Hierra.

When Bad Boy Meets Nerdy Girl (Completed)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin