Chapter 55

943 45 1
                                    

Alexuz Gray's POV

December 30 na ngayon at bukas na ang new year's eve. Napapangiti nalang ako dahil sabay naming sasalubungin ng mahal ko ang panibagong taon.

"Hoy pareng Alexuz, ano ng balak mo?" Kunot-noo naman akong tumingin kay Prince.

"Anong balak na sinasabi mo?" Naguguluhang tanong ko.

"Ang bobo mo naman." Masama ko naman itong tiningnan. "I mean, kayo nalang ni mareng Jayce ang hindi pa nagiging official magjowa. Kailan mo kako balak mag-propose?" Paglilinaw nito.

"Tss. Palibhasa kasi di niyo na niligawan ni Von yung mga jowa niyo." Ngumisi lang naman ito.

"Guwapo kami pare e kaya diretso jowa na agad. Hahaha!" Pagmamayabang nito. "Pero seryoso pare, kailan mo balak jowain si Jayce?"

"Araw-araw naman ay gusto ko siyang maging jowa e. Ang kaso diko alam kung kailan ako magpo-propose."

"Alam ko na pare kung kailan." Nanunukso ang ngiting anas nito.

"Pag yan kalokohan, wag nalang." Tanggi ko.

"Grabe ha, di naman ito kalokohan."

"Oh ano ba yun?" Interesadong tanong ko.

"Bakit kaya dimo nalang siya jowain bukas. Memorable yun pare." Suhestiyon niya at napaisip naman ako. "Mag-propose ka sa kanya saktong alas-dose para mas masaya. Kasi kasabay ng pag-propose mo, may pa-fireworks display kami." Nangingiting dagdag pa nito.

"Maayos naman pala ang suggestion mo e." Nakangiting sambit ko.

"Matalino ako e."

"Ulol. Ngayon lang gumana ng matino ang utak mo."

Lumapit naman kami sa kasamahan namin at doon ko sinabi ang suhestiyon ni Prince. Lahat naman sila ay um-agree sa magaganap na proposal. Bale lahat kaming mga lalaki ang nandirito kaya walang kaalam-alam ang mga babae sa plano ko, namin.

"Kung ganun, ayusin na natin ang lahat habang maaga pa." Sambit ni Rain at nagsitanguan naman kami. "Ako ang bahala sa kakantahin, kayong magkapatid ang bahala sa paligid...ayusin niyo ang background ha, ikaw naman Jestine ang sa pagkain, at ikaw..." turo nito sakin. "Practice-in mo na ang mga gagawin mo. Goodluck bro." Saka ako tinapik sa balikat at isa-isa na silang kumilos.

Naupo naman ako sa may gilid saka nag-imagine. Nai-imagine ko ang gulat na si Risse habang kaharap ako.

Magiging romantic ang lahat ng pangyayari. Magugustuhan niya ang makikita niya sa paligid niya. At sisiguraduhin kong magugustuhan niya din ang mga katagang bibitawan ko sa kanya.

Ang gabing iyon ang magiging memorable na gabi. Sabay naming sasalubungin ang bagong taon, at nararapat lang na kapag sinalubong ko ang bagong taon ng buhay ko...kasama ko na siya sa buhay ko.

Napangiti naman ako, gusto kong makitang kiligin ka sa harapan ko...

Risse Jayce's POV

"Excited ka na ba bukas?" Tanong ni Fierra.

When Bad Boy Meets Nerdy Girl (Completed)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα