Chapter 13

1.9K 97 3
                                    

Risse Jayce's POV

"Sino pa ang nakakaalam na ako ang may-ari ng eskwelahang ito?" Tanong ko kay Jaina na abalang kinakain ang pagkain na binili niya kanina.

"Ah kami lang ni Jestine." Sagot nito.

"Mapagkakatiwalaan ko naman kayo diba?" Tanong ko.

"Oo naman, kami pa ba!" Sagot nito kaya napangiti ako.

"Pero kapag ako nainis baka masabi ko nalang bigla. Sinasabi ko na para hindi ka magulat." Sabi nito.

"Sana wag ka nalang mainis." Pabiro ko namang sabi.

"Sana nga..." sabi nito na punong-puno ng pagkain ang bibig.

***

"Tara sa horror booth!" Excited na sigaw ni Jaina.

"Teka... kakakain mo lang ng napakaraming pagkain na ako lang naman ang nagbayad." Sabi ko at tumawa naman ito.

Siya na nga ang kumain sa pagkain na binili niya, bumili pa siya ng iba at ako yung pinagbayad. Wala naman daw problema kasi mayaman ako. Aba!

"Uyy Jestine!" Hinila naman niya si Jestine na naiwang mag-isa sa booth namin. "Punta daw tayo sa horror booth libre niya." At itinuro ako ni Jaina.

"E sinong magbabantay?" Tanong naman ni Jestine.

"Oyy!" Tawag ni Jaina sa babaeng kagrupo namin at agad naman itong lumapit. "Ikaw na magbabantay ha! Bye!" Aangal pa sana ito pero nakaalis na si Jaina.

"Sige ha ikaw na bahala." Sabi ko naman saka hinabol ang dalawa.

Bumili naman ako ng ticket para sa horror booth at nakagastos lang naman ako ng 30 pesos.

"Isa pa!" Sabi nito saka kinuha ang sampong piso kong barya at kumuha ng isa pang ticket.

"Para kanino yang-"

Napatigil naman ako sa pagtatanong nang higitin ni Jaina si Rain. Ay potek naman oh!

Umiwas naman agad ako ng tingin saka mauuna na sanang pumasok nang hatakin ako ni Jestine.

"Hindi pa ba kayo nagkakaayos?" Tanong nito at umiling lang ako kaya napailing nalang din ito.

Nauna nang pumasok ang dalawa at sinadya pa talaga nilang maiwan kaming dalawa ni Rain na magkasama.

Habang naglalakad kami ay may bigla nalang humawak sa balikat ko kaya napapikit ako at sumigaw.

Shete! Ayoko na!

Ramdam ko namang may humawak sa kamay ko saka ako hinigit habang nakapikit pa din ako.

Nadapa naman ako ng may bigla nalang humawak sa paa ko. Napaupo ako saka sinipa-sipa ang kamay. Naku! Sorry nalang!

Tumayo ako at akmang tatakbo na nang hinatak ako ni Rain palapit sa kanya. Inakbayan ako nito habang naglalakad kami.

Rinig ko naman ang tibok ng puso niya. Ang bilis... kinakabahan din ba siya?

When Bad Boy Meets Nerdy Girl (Completed)Where stories live. Discover now