Chapter 68

832 47 3
                                    

Risse Jayce's POV

Kagaya ng sinabi ko, naggala kami ni Gray kahapon. Masaya naman kaming magkasama, diko lang talaga nagustuhang napakarami niyang biniling couple stuffs para saming dalawa. Para siyang babae!!

Umaga ngayon ng valentines, lahat ay nakapila sa labas ng quadrangle. Hanggang lima lang ang sections dito sakin. Section A-E. May mga upuan din para sa bawat students. Saktong sakto ang lahat ng upuan para sa lahat. May mga names din ito para di magkawalaan.

Inumpisahan ang ceremony ng speech galing sakin, sunod ay sa principal-si Gray, at sa overall president na si Rain. Busy si Rain para sa mga programs na naka-schedule ngayong araw, ganun din ang kasintahan niyang Vice President sa section namin at si Hierra na parang fresh na fresh pa din kahit ang dami niyang kailangang gawin bilang President.

May mga contest din na inihanda. Singing contest kung saan may isahan at dalawahan, puro love songs lang ang puwede. Spoken poetry and poems. May mga dances din.

Bored na bored naman ako ngayong araw dahil buong umaga akong nakaupo sa may gilid ng stage kasama ang nga faculty members.

Lunch break, lahat kaming magkakaibigan ay sama-samang pumunta sa isang korean restaurant. Si Gray at Rain na ang nag-order habang naupo naman kaming lahat sa isang maliit pero malawak na table.

Um-order sila ng samgyeopsal, kimchi, japchae, bulgogi, ddukbokki, at soju. Wow naman, lahat ng in-order nila ay favorite ko.

"Ang dami namannnnnn!" Kumikinang ang mga matang ani Jaina.

"Para may lakas kayong mag-prepare para sa prom mamaya." Nakangiting ani Rain. "Sige na, kain na kayo."

Masaya naman naming pinagsaluhan ang tanghalian. Buong maghapon kaming maghahanda para sa prom, ang simula ng prom ay alas-7. Pinauwi na ang lahat ng grade 7-9 dahil para samin ng mga grade 10 ang buong gabi.

"Hatid na kita sa inyo Risse." Saad ng katabi ko.

"Sige, kailangan ko ding umuwi ng maaga dahil nandun na daw ang mga tauhan ni Mama." Natatawa kong sambit. "Aayusin nila ako kaagad pagkatapos maligo. Hayst."

"Oh e bakit parang ayaw mo pa." Natatawang ani nito.

"Mangangalay kasi ang ulo ko dahil tiyak akong matagal tagal bago matapos ang pag-aayos sa buhok ko." Nakangusong saad ko.

"Okay lang yan. Text mo nalang ako pag ready ka na. Ako maghahatid sayo." Aniya saka kumindat sakin.

"Sige." Sagot ko nalang.

Mabilis din namkng inubos ang lahat ng pagkain. Hindi din naman kami nalasing kaagad dahil iisa lang ang soju na binili nila.

Nagsiuwi na din kami sa kanya-kanyang mga bahay para sa preparasyon. Katulad nga ng sinabi ni Gray, siya ang naghatid sakin papunta samin.

"Hindi nako makapaghintay na makita kang naka-gown." Excited na saad nito saka humalik sa pisngi ko. "Sige na, bye na. Sunduin nalang kita mamaya." Aniya at tumango lang naman ako.

Nang wala na siyang natanggap pang salita galing sakin ay agad na din itong umalis. Hindi na din ako makapaghintay na makita kang naka-tuxedo.

***

Hindi naman magkamayaw si Mama na pagala-gala sa loob ng bahay. Nandito kami ngayon sa may sala. Nakaligo nako kaya naman pinapatuyuan na nila ito at maya-maya din ay aayusin. Nakahanda na din ang gown na susuotin ko sa sofa namin kasama ang mga nagkikinangang mga accessories na gagamitin ko. May red purse din doon na kumikinang-kinang pa.

When Bad Boy Meets Nerdy Girl (Completed)Where stories live. Discover now