Chapter 11

1.9K 102 11
                                    

Alexis Rain's POV
(Nang bumalik si Risse Jayce pagkatapos niyang ipaayos ang kuwintas)

Napatingin naman ako sa babaeng kausap nina Jestine at Jaina. Si Risse ba yun?! Akala ko may sakit siya!

Akmang lalapitan ko na ito nang may humigit sakin.

"Oww ikaw pala mr. Vice President." Sabi ko saka pilit na ngumiti.

Habang nag-uusap kami ay patago kong sinisilip sina Jaina, Jestine at Risse.

Kumunot naman ang noo ko nang lumapit sa kanila si Alexuz.

"Huyy President ipapaliwanag ko pa ang mga kailangan. Mabilis lang naman." Sabi nito kaya napalingon akong muli sa kanya.

Ilang minuto lang ang lumipas ay nilapitan ko sina Jestine at Jaina na kinakain ang dunkin donut na dala-dala kanina ni Risse. Teka.... parang may mali...

"Saan nanggaling yan?" Naguguluhan kong tanong.

"Ah binili daw ni Alexuz tas binigay ata niya kay Jayce tapos binigay ni Jayce samin." Paliwanag ni Jestine.

"Pasahan lang ang peg!" Dagdag pa ni Jaina.

Mas lalo namang kumunot ang noo ko. Si Alexuz bibilhan si Risse? E di nga sila close? May mali talaga dito.

At isa pa, parang nakita ko si Risse na kinausap yung guwardiya at pinalabas siya. Pero baka hindi siya yun... mahigpit ang mga guwardiya dito baka yun lang yung anak ng may-ari ng school na ito.

"Nga pala, saan pumunta sina Risse at Alexuz?" Tanong ko.

"Ah!" Tinaas pa nito ang kamay niya. "Ewan ko... kumain na pala ako kanina kaya di ko nakita." Napasapo naman ako sa noo ko dahil sa sinabi nito.

"Ako alam ko..." napatingin ako kay Jestine sa sinabi nito.

"Siguraduhin mo ha. Baka katulad ka din ni Jaina ha." Sabi ko naman.

"Di ako katulad ng babaeng yan no." Sabi nito saka ngumuso pa. "Doon sila dumaan." Sabi nito saka tinuro ang daan papuntang gym.

"Ah sige salamat!" Sabi ko saka tumakbo pataas papunta sa gym.

Patakbo akong umakyat sa hagdan at hindi tumigil kahit na masakit sa paa. May mali kasi talaga. Tss paulit-ulit nako e.

Pagkaakyat ko nadatnan kong may nakabantay buti nalang at hindi niya ako kita dahil ang hagdan namin ay pa-zig-zag at pa-diretso din, sa ngayon nasa pa-zig-zag ako.

Hinanda ko naman ang kamao ko saka ako dahan-dahang lumapit. Bago pa ako nito malingon ay nasuntok ko na ito ng malakas sa pisngi. Dinaganan ko ito saka pinaamoy ang panyo ko na nilagyan ko ng madaming pabango bago ako sumugod kanina.

"Hindi na ako si Gray, ako na si Alexuz. At hindi na din Risse, ikaw na si Jayce. Kaya ibig sabihin nito wala ng namamagitan satin. Malaya ka na, dun ka na sa iba." Pagkabukas ko ng pinto ay yan ang narinig ko galing sa pinsan ko.

Tinalikuran nito si Risse saka naglakad na palabas pero huminto ito sa harapan ko. "Ingatan mo siya.. nagawa niya akong ipagpalit sayo kaya ingatan mo siya..."

When Bad Boy Meets Nerdy Girl (Completed)Место, где живут истории. Откройте их для себя