Chapter 49

1K 42 12
                                    

H E N R I E T T A


Pabagsak akong pinakawalan ng lalake na may hawak saakin. Halos masubsob ako sa sahig dahil roon. Naka-cuff pa rin ang mga kamay ko sa likod kaya hirap na hirap akong maka-upo ng maayos. I glared at the man but he just gave me an annoying smirk before he left and closed the door.

Napamura ako at pinilit makawala sa hand-cuff pero nawalan nalang ako ng pag-asa dahil mas lalo itong humihigpit kaya nararamdaman ko na ang paghapdi. Hirap na hirap pa ako at halos gumapang para makasandal lang sa pader.

I closed my eyes, still catching up my breath.

Dinala nila ako sa East Wing. And because this is East Wing, I obviously can't use my ability. Kahit kanina ay sinubukan kong gamitin ang ability ko but the hand cuff seems preventing it to release, may mahika siguro para hindi magamit ang ability o kahit anong power.

Nilibot ako ang tingin ko sa kwartong pinagdalhan nila saakin. Hindi ito katulad nung kwartong tinuluyan ni Louissa. Wala itong kama, walang bintana, walang kahit na anong pinanggagalingan ng liwanag bukod sa nag-iisang torch sa pinaka-gilid. Iyon lang at wala nang iba pang naroroon. Pakiramdam ko nasu-suffocate ako.

Unti-unting nag sink in saakin ang lahat. Alam na nila. Alam na ng lahat. The letters.. how?  Bigla ay pumasok sa isip ko ang huling taong napagmasdan ko bago tuluyang maka-alis sa mansyon ng mga Light.

Mr. Alarcon's smirking face at kung paano niya inangat ang wine glass niya na para bang isang malaking tagumpay para sakaniya ang nangyare.

Sigurado ako may kinalaman siya dito. Sigurado ako may alam siya tungkol saakin. I should've trusted my guts, I should've known. My instinct were warning me about him. He knows the first time I talked to him. He fucking knows.

Nag flashback sa utak ko ang iba't-ibang reaksyon ng mga taong nakasaki sa pangyayare. The anger, the hatred, and the disgust. I remember Mrs. Light's startled face, how she wanted to come near me a while ago, kung hindi lang siya pinigilan ng asawa.

Bumalik rin sa utak ko ang reaksyon ng grupo. Gulat sila at hindi makapaniwala. Parang nagtatanong pa ang mga mukha nila habang nakatingin saakin. What's happening, Henrietta? Bakit ka nila hinuhuli? Anong sinasabi nila? Totoo ba?  Parang naririnig ko pa ang boses ni Nekessa. But above all those reactions, disappointment was the most evident.

Fuck.

Wala sa sariling naipatong ko ang noo ko sa tuhod. Pakiramdam ko nawalan ako ng lakas. Gusto kong umiyak at sumigaw sa galit. Gusto kong sisihin si ama. Gusto ko silang sisihin lahat. Mag-isa ako rito, mag-isa akong nasasaktan sa mga nangyayare, wala akong kakampi. At higit sa lahat wala akong magawa dahil bali-baliktarin man ang mundo isa akong Darkery, nandito ako sa teritoryo nila, may karapatan sila sa kung ano man ang balak nilang gawin saakin.

Ramdam na ramdam ko ang bigat sa dibdib ko, gustong-gusto kong umiyak sa mga oras na 'to pero walang lumalabas mula sa mata ko. It seems like they contained the overflowing emotions inside me so I can feel it more, to punish me. Because this is what I deserve.

Dawson's face flashed at the back of my mind while watching me being dragged by ruthless men. I knew how scared he was for me, I knew how he wanted to save me a while ago. His penetrating eyes were staring at me as if apologizing.

You don't have to apologize, Dawson.

He was willing to let me go for my safety, he told me he wants me to stay but he fixed his mind for my safety. He knew he can't provide it for me no matter how he wants to protect me, because one way or another— everyone will find out.

Hurtville Academy (ON-GOING)Where stories live. Discover now