Chapter 31- His Identity

981 37 1
                                    

H E N R I E T T A

Hindi malinaw saakin kung paano kami nakabalik sa loob ng mansyon ni Dawson. Ang naalala ko lang, inaya ko na matapos ng mahabang katahimikan si Dawson para bumalik na sa loob ng mansyon, at ng bumalik kami ay nasa Sala na ang lahat at may kaniya-kaniya na ring ginagawa. Ang ilan ay nasa isang tabi at nag-uusap, ang ilan ay nakikihalubilo na sa iba. At ang grupo naman kasama ang mama ni Carrie ay naka-upo sa sofa. Napagkwentuhan namin ang ilang bagay at tinanong ko si Nessa kung anong nangyare nung oras na nawala kami, sabi niya ay nagpatuloy ang usapan at ilang minuto ng umalis kami ay tapos na rin ang dinner. Tinanong niya ako kung ano ang nangyare and I was just avoiding her questions dahil bukod sa wala naman talagang nangyare bukod sa iilang realizations ko ay nang-aasar pa ang tono niya at ngisi niya.

Napangiwi ako ng makaramdam ng sakit sa gilid ng pisngi ko. Naramdaman ko rin na tumulo ang dugo mula roon.

"Focus, Henrietta!" Inis na sigaw ni Dawson. Oh right. Nasa Special room nga pala kaming dalawa ni Dawson para sa physical training.

Nanlaki ang mata ko ng makita ang papalapit na kutsilyo sa direksyon ko. Bago pa man ako makaiwas ng tuluyan ay nahagip na nito ang braso ko. Damn it!

I heard Dawson groaned.

"What's with you? Kanina ka pa." Inis nitong sabi ng makalapit saakin. I blowed a loud breath as I rolled my eyes at him. Bakit ba kasi siya pa ang training partner ko?

Instead of answering him, I just positioned myself. "Let's do it again."

He stared at me for a couple of seconds before shooking his head lightly. "No." Mahina niyang sabi. "We won't fight, but you will follow me." Sabi nito at tinalikuran na ako. Hindi makapaniwalang sinundan ko siya ng tingin. Why am I even attracted to him? 

"Come on." Sabi niya ng maramdamang hindi ako sumunod. Bumuntong hininga ako at sumunod nalang din sakaniya.

"Wait. Wait." Tiningnan ko ng hindi makapaniwala si Dawson.

"Where are we going?" Tanong ko. Nasa harap kami ngayon ng isang itim na mamahaling sasakyan at nasa front part ito ng school, kumbaga kung saan ang daan patungo sa malaking gate ng Academy.

"Let's go to somewhere real." He said as he opened the door. Inilahad nito ang loob ng sasakyan na parang pinapapasok ako. "What?" Bagot na tanong nito ng hindi ako kumilos.

Naiiling na pumasok ako. Sinara niya na rin ang pinto at umikot para maka-upo sa driver seat. Hmm. He's gentleman in some ways. Another realization.

"What do you mean somewhere real? Hindi ba pwedeng sa Traning room nalang? Are we even allowed to go out?" Sunod-sunod na tanong ko as he started the engine.

Hindi man lang siya lumingon ng sagutin ako. "Enough with the questions." Sabi nito. "And what do you expect? You're not one of the normal students since the day you've become one of us. "

I mentally scoffed. Right. They can go out everytime they want. Wait, that means I also can?

The barrier inside the Academy detected the car, walang kahirap-hirap na nakalagpas kami roon. Totoo ngang pwede kaming makalabas. Even the barrier na nasa mismong entrance at bago ang gate ng Academy ay nakalabas kami. The guards even waved their hands to Dawson.

I just decided to keep myself silent all the way, habang ang kasama ko ay seryoso lang na nagda-drive. I just realized.. we're improving. He may not be treating me as his friend but somehow, he's letting me invade his life. Kung ito ba ay dahil sa isa na ako sa grupo niya o talagang bahagyang lumamig lang ang ulo niya saakin ay wala akong ideya.

Hurtville Academy (ON-GOING)Where stories live. Discover now