Chapter 46

832 31 0
                                    

H E N R I E T T A

Thursday. The Nation's Labor Day came fast. Umaga palang ay naghanda na kami. Lahat ng estudyante ng Academy ay pu-pwedeng lumabas ngayon at pumunta ng bayan, pwede rin naman na manatili sa Academy nalang. It's your choice.

Well, exception ang grupo dahil kinakailangan talaga namin na pumunta ng bayan at magpakita sa mga tao. May mga activities raw doon at mamayang gabi ay may sayawan sa plaza. Elite families will also join. — that basically means they will tighten the security.

Wala pa akong balak umalis. Pero kung mabibigyan ng pagkakataon ay gagawin at gagawin ko. Tama si Dawson, hindi ako basta-basta makakaalis dito. Lalo pa sa araw na iyon kung saan mas hihigpit sila ng seguridad.

Louissa, just like what was promised to me, she was well-guarded when she went outside the Academy. Mabilisan ko lang siyang naka-usap dahil halata pa rin ang pag-iwas nito. She blocked me off of her mind, probably used some spells to prevent me from reading her. Nakakainis. Pakiramdam ko ay iniwan niya akong mag-isa at walang kakampi. Lalo na at hanggang ngayon wala pa rin balita mula sa Darkille. Iiwan nalang ba nila ako dito?

Sinuot ko ang long sleeves black leather coat na may logo ng Hurtville Academy sa may pocket sa bandang dibdib, at seal ng tattoo ng mga Warriors. Hanggang sa tuhod ito at naka-suot lang kami ng uniform namin sa loob.

I looked at myself in front of the human-sized mirror. Ngayon nalang ulit ako nag-suot ng basic uniform ng Academy. Madalas kasi ay nagt-training kami kaya madalas na gamit namin ay ang jogging pants at t-shirt. Well, madalas nasisira iyon kaya palagi kaming may bagong ganoon.

"Buti nalang malamig ngayon." Nekessa said while wearing her coat. Pinalitan niya ako sa harap ng salamin kaya naupo nalang ako sa couch.

Lumabas na rin ang iba mula sa kanilang kwarto, wearing the same coat I am wearing. Kapag lumabas kami ng sabay-sabay ay paniguradong agaw eksena nanaman sila.

Natapos sa pag-aayos si Nekessa, naka pigtail ang buhok nito. Victoria asked Nekessa to do her hairstyle. Bnraid naman iyon ni Nekessa. Nang matapos ay nakita ako ni Nekessa na pinagmamasdan lang sila.

"You should tie your hair." She said. I shooked my head to say No but I just found myself in two braids, hindi nagpapigil si Nekessa at itinali niya ang mahaba kong buhok.

"There." Nekessa said. She frowned when she stared at me.

"Why do you look so fierce even with that hairstyle? Ako palaging mukhang mabait. Well maybe because I really am?" Natawa ako sa sinabi niya. Lalo na nang sumabat nanaman si Harper and the next thing I knew, nag-aasaran nanaman sila.

"Enough." Dawson's cold and commanding voice stopped Nekessa and Harper. Kalalabas lang nito galing sa kwarto niya, with his hands inside the pocket of his coat.

I stared at him. Maayos nakataas ang buhok nito pero may ilang hibla ng buhok ang humaharang sa noo niya. He looks so clean and his features looks well-defined, pero hindi mawawala roon ang pamilyar na awra niya. —arrogant, controlling, authorative.

His penetrating eyes found mine. Tumaas ang kilay nito ng nakitang pinagmamasdan ko siya. Pasimple akong nag-iwas ng tingin.

He just found me shamelessly gawking at him. Great.

Nang lumabas kami ng Dorm ay tama nga ako at agaw-eksena kaming naglalakad sa hallway. May mga estudyanteng nakabihis ng civilian, may iba rin naman na planong lumabas ng naka-basic uniform ng Academy. I heard Leighton will stay at the Academy, si Felicity naman ay uuwi sakanila dahil sasama siya mamaya sa dad niya na isa rin sa mga Councilors. Overall, halatang-halata ang pagiging abala ng lahat.

Hurtville Academy (ON-GOING)Where stories live. Discover now