Chapter 21- The Plan

1K 40 0
                                    

H E N R I E T T A

Maaga akong nagising ng araw na 'to dahil pupunta ako ulit sa headmistress office. Tatlong araw mula ng bumalik kami mula sa mansyon ni Helena. At tatlong araw na rin akong paulit-ulit na bumabalik sa office ng headmistress dean para tawagan si Louissa. I need to get out of here. Kailangan kong maka-usap si Tori o kung sino man na mula sa Darkille.

Ilang beses ko ng pinadalhan si ama ng sulat upang magawan ng paraan ang pag-alis ko dito pero wala ni isa sa sulat ko ang sinagot niya. I'm starting to get annoyed. I'm worried about Lucas. Hindi ako makapaniwala sa sinulat ni Tori.

Saaming tatlo ni Tori, mas malapit ako kay Lucas. He's my bestfriend. At maaari ngang kailanganin niya ako ngayon. Pero paano ko siya makakausap kung naririto ako sa loob ng bayan ng Hurtville? I need to get out of here.

"Ano bang kailangan mo saiyong ina, Henrietta? Ilang araw ka ng bumabalik dito." Headmistress asked me when she saw me entered her office for I don't know how many times already.

"Pasensya na ho kayo, may importante lang ho akong sasabihin sakaniya."

I dialed Louissa's home number. Hinintay ko na may sumagot mula sa kabilang linya but as always, it just ended up with a loud toot.

I sighed deeply. Napa-pikit ako ng mariin. Where could Louissa go? Sigurado ako na wala siya sakanila. Dahil hindi magri-ring ang telepono na pangbahay kung wala ang may-ari nito.

"Wala ulit?" Si Headmistress Misselwaith. Nagbuntong hininga muna ako bago humarap sakaniya at umiling.

"Tatawagan nalang kita mula saiyong kwarto kung sumagot na ang iyong ina, Henrietta. I will call her everytime and then. Don't bother going here this early. You should even be sleeping right now." Headmistress Misselwaith said. Tumingin siya sa time hologram at tiningnan ko rin iyon. It's only 6:06 in the morning. My class will start at eight.

Napabuntong hininga ako. She's right. Dapat ay natutulog ako sa oras na ito. But I can't sleep knowing that Lucas may be around danger right now. Wala siya sa tamang pag-iisip panigurado sa nalaman niya. How come he's adopted? I've known him since we were child and his parents are one of the councilors. Even so, Lucas was happy with his parents.

Hanggang sa ilang araw muli ang lumipas ay walang nagparamdam na Louissa saakin. Even my father. Kahit si Tori at si Lucas. I don't understand. What's happening? Iiwan nalang ba nila ako rito sa lugar na ito?

I was on my way to my first class ng araw na ito. Felicity and Leigh were talking beside me. Maraming pares ng mata ang nakatitig saakin but I ignored them. I am used to it. Halos dalawang buwan na ako dito at ganito pa rin ang mga estudyante. I don't mind as long as they won't bother me.

"Malapit na pala ang free day." Narinig kong sabi ni Leigh.

"Oo nga eh. Nakaka-excite diba?" Felicity countered.

"Free day?" pag singit ko.

"Yes. Free day. Lahat tayo ay pupunta sa bayan para mag-libot roon. How exciting, right?"

"Kelan naman iyon?"

"Next week." Felicity answered as they continued their conversation. Natahimik ako at napa-isip. Sa araw na iyon ay magiging malaya kami kung ganoon?

Right! It's my chance to get out from this place and know what's happening! Dahil sa naisip kong iyon ay naging masigla ako kahit papaano ng araw na iyon.

Hurtville Academy (ON-GOING)Where stories live. Discover now