Chapter 28- Precognition

974 40 2
                                    

H E N R I E T T A

Louissa visited me the next day. I told her everything. Everything.

"Henry is really a monster. Unlike before." She commented. Nangunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

Narito kami ngayon sa loob ng Headmistress office. Wala ang headmistress dahil naglilibot raw sa buong Academy dahil sa mga trainings na nagaganap. Umaga palang ay pinatawag na ako dahil naroroon raw ang aunty ko at hinihintay na ako.

"Anyway, I am glad you already have your ability." Nakangiting sabi niya.

Tumango ako. "I never thought I would finally have this at dito pa sa bayan niyo."

"No, iha. Naririto ka sa bayan ng Hurtville kaya mo nalaman kung ano ang ability mo. You're destined to be here."

Here she goes again, talking as if she's not confusing me.

"At kita mo nga naman, ikaw pa pala ang may hawak ng isa sa Legendary ability." Nakangiting sabi niya.

"Louissa. I'm confused.." I said. "This whole thing, this ability, this tattoo.. Warriors." I trailed. Noon ko pa gusto itong itanong dahil naguguluhan ako. At ngayon, Louissa might be the one who can answer me.

Something flickered through Louissa's eyes before it turned into a blank expression. May gusto ba siyang sabihin?

"Mismong ang bayan ang pipili sa kung sino ang magsisilbi dito. At wala akong masasabi kung bakit isa ka sakanila."

"But why? I'm not one of you." Maingat na sabi ko.

"Hindi ka man isang Hurtery, nasa dugo mo ang dugo ng mga nasa dimensyon ng mahika. Walang pinipili na hindi karapat-dapat ang Hurtville, Henrietta."

"Ilang libong taon na ang nakakalipas, ang bawat bayan ay iisa lamang na bayan noon. Kung hindi lang nagkaroon ng pagtatalo ang bawat head councilors, siguradong iisang pangkat lang tayo sa mundo ng mahika. Ang Hurtville ay hindi magkakaroon ng ilang distrito at mga bayan at hindi mahihiwalay ang Darkery na noon ay kakampi naman ng mga Hurteries." Tumango ako. Nabasa ko na ito sa isang libro sa library ng Academy at kahit papaano ay may ilan na akong nalalaman tungkol sa history ng bawat bayan.

"Ang bayan ng Alchema at ng Genovea ay ang nanatili lamang na kakampi ng Hurtville dahil sa kagustuhan noon ng naging head council ng Darkille na siya ang mamuno sa lahat ng naging bayan." Dagdag pa niya.

"Iisa lang ang bayan ng Hurtville at ng Darkille at ng sakop na mga bayan nito sa ibaba. Pero kahit noon pa man ay tayo na ang nasa pinakamababang sektor sa mundo ng mahika. Nangunguna ang Genovea at pangalawa ang Alchema. Ang dalawang bayan na 'yon ay higit na mas mapayapa at mas malaki sa noon ay iisang bayan ng Hurtville at Darkille. Magkakasama ang mga councilors noon pero ng mag alsa ng laban ang isa sa mga councilors dahil gusto nito na siya ang maging head ay nahati na sa dalawa ang iisang bayan. Naging Hurtville at Darkille."

"Hindi nila sinubukan na ayusin?" I asked.

"Sinubukan ng pinaka head councilor ngunit ayaw na ng pinaka-unang head councilor ng Darkille. Doon nahati ang dapat na magkakampi at iisang bayan noon. Dahil sa kasakiman." She looked out of the window as if reminiscing something.

"Kasakiman ang dulot ng lahat. Even your father who was once a part of us let his selfishness took over him."

"What? Dating kakampi ang ama ko? B-bakit naging head councilor siya ng Darkille?" Gulat na tanong ko. Ilang libong taon na ang nakakaraan simula ng maging dalawa ang iisang bayan at halos ilang daan na rin na Darkille ang naging head bago ang ama ko at aaminin ko na wala akong ideya tungkol sa nakaraan ng ama ko.

Hurtville Academy (ON-GOING)Where stories live. Discover now