Chapter 29- Shade of Eyes

1K 41 4
                                    

H E N R I E T T A

Pinagmasdan ko habang nakahiga ang mga lumulutang na feathers sa harap ko. Para silang hinahangin dahil sa mga galaw nila sa ere habang lumulutang. Minsan ay bumibilis ang pag ikot-ikot nila at minsan ay hihina. Bibilis ulit at hihina ulit. Somehow, it reminded me how my life was going on these past few weeks or rather months. My life was totally in a roller coaster- well, it feels like.

"Hey, enough with that cute feathers, okay? Kahapon ko lang yan nakuha. Instead na magiging design ko pa yan sa kwarto ko ay sinisira mo na ang mga inosenteng cute feathers na yan." Pagprotesta ni Nekessa.

Bumuntong hininga ako bago ako umupo at binalik sa dating kinalalagyan nito ang mga feathers na kanina ko pinapalutang.

"Ano bang problema mo? You look bothered." Nekessa said. Nasa harap siya ng salamin at inaayos ang buhok niya into a fix bun. She's looking at me through the reflection of the mirror.

Umiling ako. "Nothing."

Nekessa scoffed. "Oh, c'mon. You won't sleep here with me kung walang weird na nangyayare."

Napa-irap ako. Yes, I did sleep with her yesterday night. Wala lang, I just feel like sleeping with someone last night. At si Nekessa ang naisip ko agad, kung kay Victoria kase ay baka sungitan lang ako non. You won't expect me to sleep with the boys, hell no.

"Wala nga. I'll go to my room then. Mukhang pinapaalis mo na ako." I said. I heard her defend herself pero nag tungo na ako sa pintuan ng kwarto niya para lumabas. Narinig ko ang pagprotesta niya na parang bata bago ko pa man maisara ng tuluyan ang pinto. Bahagya akong natawa dahil dun.

Nang makarating sa kwarto ko ay dumiretso na ako ng higa sa kama ko. Tiningnan ko ang time hologram sa side table at nakitang alas syete palang ng umaga. Natigilan ako ng makita ang isang bagay na nakasabit sa labas ng closet ko. Pinagmasdan ko ang itim na long gown na punong-puno ng makintab na glitters. Headmistress Misselwaith gave that to me last night.

Pumunta ako sa office niya kagabi dahil naroroon raw si Professor Connor. I was looking for him last night so I can pass the research he asked me to do. Ako nalang ang hindi pa nakakapasa dahil nakatulog ako buong mag hapon kahapon. Besides, he will talk to me about some things so I assumed mahalaga na makita ko siya.

"Prof." Sabi ko ng makapasok sa office ng headmistress at nakitang nag-uusap silang dalawa ni Prof. Connor.

"Good evening, iha." Nakangiting sabi ni Headmistress. Inilahad niya ang upuan na nakaharap sa kinauupuan ni Prof. Connor.

Inangat ko ang envelope na hawak ko na parang pinapakita sakanila. "I'm just here to pass this. Sorry for interupting."

"Oh no. It's good that you're here. Pinag-uusapan ka palang namin ni Sir. Connor." She said that made my brows shot up. Pinag-uusapan nila ako?

Hindi nalang ako nagsalita at umupo na ako sa upuan na nakalahad para saakin.

"Henrietta, I told you that I will talk to you, right?" Prof. Connor. I nodded as an answer.

"We're talking about your ability.." He paused.

"And Dawson's."

Mas lalo akong nagtaka.

"Since wala pang opisyal na schedule kung paano mo pa matututunan ang ability mo ay inassign kita ng physical training and ability training with him." He said. I mentally cursed. Napansin niya ata ang naging reaksyon ko kaya napataas siya ng kilay.

Hurtville Academy (ON-GOING)Where stories live. Discover now