Chapter 35- Quest

894 41 2
                                    

H E N R I E T T A

The students were all nervous. Kaya ng magsimula ng mag-tawag si Headmistress. Misselwaith ay napuno ng bulungan ang paligid. They're excited at the same time nervous. Ngayon nalang daw kasi binuksan ang ganitong klaseng Quest kung saan dito na makukuha ang Ranking System ng Academy instead of performance every level.

Actually, I don't think this is a good idea. Kukuha sila ng ranking through this? I mean, yung sa Dimensional Quest? They will fix the ranking through that dangerous thing? Through gaining points by killing different creatures?

Nang si Carrie na ang tinawag ay lahat ay nanahimik. Tila inaabangan kung ilang puntos ang makukuha nito sa Magic Circle na 'yon. Nakausap namin siya kanina bago mag umpisa, nitong nakaraan ay naging busy na rin siya kaya bihira nalang din kung makapunta siya sa training namin o sa headquarter.

Pasimple akong sumulyap kay Dawson. Titig na titig rin ito kay Carrie na ngayon ay eleganteng elegante na tumapak sa Magic Circle. Maybe he felt that I was staring at me kaya napalingon din ito saakin, natauhan naman ako kaya binalik ko ang paningin kay Carrie.

We can clearly see the energy of air inside the circle. Nakatayo roon si Carrie at naka-angat ang dalawang kamay niya na tila ba doon niya pinapalabas ang enerhiya mula sakaniya. I know her ability, also one of a kind, she can predict someone's next movement. Mas mabilis niyang nalalaman ang galaw ng kalaban, kumbaga mas enhance ang pakiramdam niya sa lahat. It's her advantage lalo na mamaya sa Dimensional Illusion.

Ilang minuto pa ay nagpalakpakan ang lahat ng lumabas na sa screen ang puntos na nakuha niya. Maging ako ay napapalakpak.

26 out of 30.

Namangha rin ako sa taas na puntos na nakuha niya. Ibig sabihin mas kontrolado na nito ang ability na meron siya. Ngumiti rin ito ng makita ang puntos niya bago bumaba sa platform.

"Nice. Last time na ginawa ito, 16 ang nakuha niya diba?" Harper said. Tumango naman ang grupo habang tahimik lang si Dawson. I wonder if he's amused? Anong nararamdaman niya ngayon para sa babaeng gusto nito?

Sa hindi malamang dahilan ay pumasok sa isip ko ang huling sinabi nito saakin kagabi bago siya mawalan ng malay.

"You're making me damn crazy, Henrietta."

"I didn't expect you would make me feel this way."

Napa-iling ako. Kaya hindi ako maayos na nakatulog dahil sa mga yan. Ayokong bigyan ng kahit na anong kahulugan ang sinabi niya. I won't expect, and I won't assume anything.

I am physically attracted to him, hanggang doon lang 'yon.

Nagpatuloy ang Show-Off. Natandaan ko rin ang nakuhang puntos ng iilang estudyante na natatandaan kong madalas kong maka-sagutan nung isa pa akong normal na estudyante dito.

Blair Abardon got 23 points. The electric manipulator. Hindi na rin ako magtataka na mataas ang puntos na makukuha niya dito. I can clearly remember the feeling of her electricity. Halos manghina pa nga ako noon. Nagtataka rin ako kung bakit hindi siya naging Warrior, o napili man lang bilang isa. Her ability is definitely a big deal, napaka rare din ng ability na 'yon. But, oh well, ano nga bang alam ko system ng Hurtville?

Tricia Abardon got 20 points. Not bad for a Spell manipulator. Maybe the fact that she can manipulate some spells helped her to reach that points.

While Cheska.. the student librarian na palagi akong kinakausap sa tuwing nasa library ako ay nakakuha ng 18 points. Ngayon ko lang din nalaman na ang ability niya ay isang technical type, kung saan pu-pwede niyang hanapin ang isang bagay na nawawala. That's cool, I wonder kung maingat pa rin ba siya sa gamit niya kung kaya naman niyang mahanap ang mga 'yon kahit na hindi niya ingatan.

Hurtville Academy (ON-GOING)Where stories live. Discover now