Chapter 17- Offer

1.1K 40 0
                                    

H E N R I E T T A

I faked a cough when Lady Louissa's eyes reached mine. Nagpaalam na siya kay Lady Misselwaith na ngumiti naman saakin.

"Henrietta, ipangako mo saakin na kahit ano ang iutos sayo ng Academy na ito ay gagawin mo. Maliwanag ba?" Agad niyang sinabi ng makalapit saakin. Napakunot agad ang noo ko.

"Are you serious?"

I'm really short-tempered when someone's demanding me. Kailan man ay hindi ako nagpapa utos sa iba. Even my co-Darkeries never demanded me to do something.

"This is for your own safety, Henrietta. Alam na ng lahat na naririto na hindi sayo gumana ang black magic ng forbidden rose which happen to be one of the strongest black magic in the whole magic world." Lady Louissa said.

"And? Ano naman ang i-uutos saakin ng Academy?"

"You will know kapag pinatawag ka na nila."

"Bakit ba? Is that a big deal?" Naiiritang sagot ko. Natigilan siya at mariin na napatitig sakin.

"This is a serious matter, Henrietta. Hindi ito basta basta. Kapag nalaman ng mga kalaban na hindi gumana sayo ang forbidden rose, baka ikapahamak mo."

I scoffed. "Nakalimutan mo na ba kung ano talaga ako?"

Natahimik siya. At mukhang narealize ang sinabi ko. Baka nakalimutan na niya na hindi naman talaga ako isa sakanila? Nagpapanggap lang ako at malaman man ng mga kalaban na hindi sakin gumana ang mga rosas na 'yon ay wala silang gagawin na masama sakin. I'm the daughter of the top Councilor at hindi naman siguro lingid sa kaalaman nila ang misyon na 'to.

Napabuntong hininga si Lady Louissa at pagod na tumingin sakin. "Sana ay malaman mo na kung ano ang ability na meron ka, Henrietta. Para maipagtanggol mo ang sarili mo sa kahit na sino." She said in a serious tone. Ilang segundo pa siyang nanatiling nakatingin saakin bago ako tinalikuran. Tiningnan ko na lamang siya hanggang sa makalayo ito at makalabas na ng tuluyan sa SHbuilding.

Hindi naman ito big deal para saakin but I get their point. Bakit naman hindi gagana saakin ang black magic ng rosas na nahawakan ko? Hindi kaya may kinalaman talaga sa ability ko kung bakit walang epekto saakin ang black magic na iyon? So many questions that I need to know the answers.

'Yon lang ang laman ng isip ko sa buong maghapon kaya nang gabing iyon ay nakatulala lang ako sa kisame ng dorm namin. Felicity were already in her peaceful sleep habang hindi man lang ako dinadalaw ng antok.

Napa upo ako at tiningnan ang bahagyang naka-awang na bintana. It would be great if I wandered outside this building, right?

With that thought ay isinuot ko ang roba ko at maingat na naglakad sa madilim na hallway ng dorm. It's really amazing kapag bumubukas ang ilaw sa tuwing nakakadaan ako. Walang ganito sa kastilyo ng Darkille kaya naman mapapansin ko talaga ang kaibahan ng Hurtville at ng bayan ko.

The fresh air welcomed me ng tuluyan na akong nasa labas ng dorm building. The coast is clear at tanging mga ilaw na lamang ng light post at ilaw ng buwan ang dahilan kung bakit nakikita ko pa ng malinaw ang paligid.

Dumako ang tingin ko sa rooftop ng Academy. Hindi naman kami ipinagbabawal na pumunta roon lalo na at magkahiwalay naman ang daan papunta roon sa daan papunta sa palapag kung nasaan ang office ng mga councilors.

Nag lakad na ako papunta roon. This is my first time na pupunta sa rooftop. I bet maganda ang view roon. Kung hindi lang gabi ay makikita ko ng maliwanag ang buong Academy sa taas.

Hurtville Academy (ON-GOING)Where stories live. Discover now