Chapter 13- Deal

1K 42 0
                                    

H E N R I E T T A

Tatlong araw mula ng umalis ang Special group. Normal lang naman ang nangyayare saakin these past three days.

Napangiwi ako ng maramdaman ang kung ano mang tumama sa likod ko. I think it was a stone or something. Tiningnan ko ang babaeng bumato saakin. She smiled triumphiant and rolled her eyes. I smiled sarcastically at her at nagmadaling umalis na roon.

Well, yes. Normal na araw na ito para saakin. Ang mabully ng mga walang kwentang estudyante rito. The Special Group aren't here, maybe that's why they're free to do anything they want. And that is to bully me.

Hindi naman ako naaapektuhan. Sa katunayan, I want to laugh everytime they talk nonsense, hurt me without doing anything because it's just one of the proofs that's filling my satisfactions.

"Henrietta!" Nabaling ang tingin ko sa likod kung nasaan ang tumawag saakin. Felicity and Leigh were smiling widely while walking towards me.

'Maybe, except from these two.'

Just like the usual, I ignored them. Tinalikuran ko sila para mag-lakad palayo. Narinig ko nalang ang protesta nila pero kalaunan ay nasa magkabilang gilid ko.

"Sabay na tayo sa third subject. Hindi ba ay sabi namin sayo, kapag third subject na ay hanapin mo kami?" Nakasimangot na sabi ni Felicity.

"Para naman hindi na tayo naghihirapan para maghanapan, diba?" Leigh countered.

Nagkibit-balikat nalang ako bilang reaksyon. And as usual, they started talking about everything. Kung ano-ano. Hindi na sila nag sasawa na mag-usap.

"I heard from the professors na nasa misyon na daw ang Special Group. Nakarating na sila kahapon." Nakuha nila bigla ang atensyon ko sa narinig.

"Pero syempre secret mission raw 'yon kaya walang nakakaalam na isa silang Hurtery sa lugar na iyon." Sabi pa ni Felicity. Secret mission? Then why the hell alam nila 'yon?

"Saan ba sila nag punta?" Pag-singit ko sa usapan ng dalawa.

"No one knows." Leigh answered at nagpatuloy muli sila sa pag-uusap.

"Sana ay maging okay lang sila." Nababahalang sabi ni Leigh. Napatingin ako sakaniya. The two of them looks worried at the same time relieved.

"Sila pa ba?" Countered by Felicity.



The third class went well. After that ay kinailangan namin na maghiwa-hiwalay dahil sa individual task na binigay ni Maam. Emma-- our history professor.

Ang ibinigay saakin ay ang hanapin ang lugar kung nasaan ang mga legendary statues ng mga unang warriors ng bayan na ito. Sabi ni Felicity ay maraming statues ang mga legend warriors na nasa labas ng Academy pero dahil pinagbawalan kami na lumabas ng school para sa mga task ay hahanapin ko nalang ay ang legendary statues nila na naririto lang sa loob ng Academy. And for that, I need to describe them at the same time, I need to give informations about that statues.

Well, I need to rush dahil sa biyernes na namin ipapasa ang kaniya-kaniya naming task. Sa laki ba naman ng Academy ay mahihirapan na ako. And to think na hindi naman ako pamilyar sa mga warriors rito at hindi ako taga-rito kaya mahihirapan akong idescribe at mag bigay ng impormasyon tungkol roon. The best that I can do is to look for  books abour warriors and legendary dates and situations bago ko hanapin ang lugar.

Pumasok ako sa library para mag hanap ng libro. After I log in my name, napansin ko na wala masyadong gumagamit ng library. Ang mga naririto lang ay ang iilang estudyante na may makakapal na salamin at mga book worms. Nakatingin sila lahat saakin ng pumasok ako. Umiwas ng tingin ang iba at ngumiti naman ang iba.

Hurtville Academy (ON-GOING)Where stories live. Discover now