Chapter 42

24 4 0
                                    

Merrin's POV

Kakauwi lang namin ngayong araw na ito. Nagtaka pa nga ako kanina nang dumating ang mama daw ni Cassius sa amin. Nag-abot lang pala ng ulam.

Tinanong ko pa sa kaniya kung nasaan si Cassius pero kagabi pa daw hindi umuuwi. Birthday daw kasi nung kaibigan niya.

Hindi man lang niya nabanggit sa akin.

Hanggang sa hapon ay hinihintay ko siya na pumunta pero wala pa din. Balak ko pa sanang sabihin sa kanya na mapapaaga ang alis namin.

Nagbago kasi ang isip ni Moss. Ang sabi niya, gusto niyang ituloy ang kasal sa simula ng buwan ng Mayo.

Akala niya naman ay matutuloy. Nagkakamali siya. Dahil sa oras na tumunog ang kampana, sigurado akong dadanak na ang dugo sa buong kaharian nila.

Gusto kong makausap si Cassius dahil gusto kong ipaalam sa kaniya iyon. At sinabi kong babawi ako. Pero naka-off ang cellphone niya.

Dalawang nalang ang meron kami dito. Bukas at pagkatapos ng bukas Dahil sa kagustuhan ng Prince. Para naman daw makapaghanda kami sa plano sa gaganaping kasal.

Ilang beses ko pang tinawagan si Cassius pero hindi siya sumasagot. Nag-aalala ako baka ayaw na niyang ituloy ang panliligaw niya.

"Sasagutin nalang kita pagkatapos ng lahat ng to. Pero sana, kaya mo pang maghintay sa akin." sabi ko habang nakatapat sa bintana niya.

Sasabihin ko nalang siguro sa mama niya pagbalik niya bukas dito.

Kinabukasan

"Hi tita. Pwede ko po ba kayong makausap?" tanong ko.

"Ah sure. Tungkol saan?"

"Ahm.. Kasi po hindi sinasagot ni Cassius ang mga tawag ko. Ayos lang po ba siya?" tanong ko.

"Yun nga din ang ipinagtataka ko. Kapag tatanungin ko naman ay puro iling at wala lang ang sinasagot sa akin."

Ano kayang nangyari dun? Okay lang kaya siya?

"Ah Tita.. Pwede po ba akong dumalaw sa inyo bukas ng umaga? Magpapaalam lang po ako sa kaniya."

"Magpapaalam? Bakit? Aalis ka ulit? Kadarating niyo lang ah?" sunod-sunod niyang tanong.

"Medyo magulo po kasi yung sitwasyon namin. At saka, bukas na po ang alis namin. Bukas ng hapon." sabi ko at yumuko.

"Ganon ba? Oh sige. Pwede kang pumunta doon. Eh kailan naman kayo uuwi?"

Naiangat ko naman ang tingin sa kaniya at pekeng ngumiti.

"Doon na po kami.." pero magagawan ko ng paraan para kay Cassius.

"A-ah ganun ba..." hindi makapaniwalang sabi ni Tita.

Cassius's POV

"Hindi ka ba muna pupunta kina Merrin?" tanong ni Mom sa akin. Bibisita kasi siya kina Merrin ngayon. Kaya umiling nalang ako at naglakad papunta sa kwarto.

Gusto man kitang makita, inuunahan ako ng guilt. Pakiramdam ko ay ako na ang may makapal ang mukha kapag humarap ako sayo at magsinungaling.

Doon ko lang napansin na may tumutulo na sa pisngi ko kaya kaagad kong pinunasan iyon.

Ang sakit makasakit. Pero mas masakit kapag hindi alam ng nasasaktan mo na nasasaktan na siya.

Ilang beses kong tinatanong sa sarili ko na bakit ko nagawa sa kaniya yon? Na bakit nadala ako sa tukso ni Celestine? Na bakit nasasaktan ko siya ng hindi niya alam?

Gulong-gulo ako ngayon. Ni hindi ko magawang sagutin ang mga tawag niya dahil alam kong mas dadagdag ang kasalanan ko dahil sa pagsisinungaling sa kaniya.

Pagdating ng gabi, sabay kaming kumain ni Mom.

"Cassius?" tawag sa akin ni Mom kaya tumingin ako sa kaniya. "Nag-usap kami ni Merrin kanina. Nagtatanong siya sa akin kung bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag niya."

Parang sinaksak naman ako ng libu-libong kutsilyo dahil sa narinig. Napapansin na pala niya.

"Anak aalis na siya bukas." diretsong sabi ni Mom na ikinagulat ko.

"B-bukas? Akala ko ay sa June?!" gulat na tanong ko.

"Yun ang sabi niya. Kaya nga pupunta siya bukas dito. Bukas ng umaga. Para magpaalam sayo." sabi ni Mom.

Napansin ko nalang ang sarili na naglalakad sa kwarto at ikinulong ang sarili.

Iiwan na niya ako... Bakit ganun? Ang sakit sakit.

Napatingin ako sa isang message na galing sa kaniya.

From :Merrin<3
Hi? Itetext nalang kita. Hindi mo kasi sinasagot ang mga tawag ko :>. Gusto ko lang malaman mo na aalis na ako bukas. Hindi ko gusto na umalis agad at iwan ka pero kapag natapos ko ang lahat ng kailangan kong tapusin sa Russia ay babalik ako. Babalik ako para sayo. Pangako. <3

Doon na nagsimulang tumulo ang luha ko.

Bakit ka ganiyan Merrin? Bakit nasaktan na kita pero ganiyan ka pa rin?

Nayakap ko nalang ang cellphone ko at doon umiyak.

Wala akong pakialam kung lalaki ako. Basta masakit sa akin...










Chasing Merrin Where stories live. Discover now