Chapter 2

82 6 2
                                    


Napatalon ako sa higaan nang marinig ang alarm ko. Ngayon ko lang naalala ang inutos sa akin ni Mom. Kaya agad akong naligo at nagbihis.

Inilapag pala ni Mom ang mga folders sa lamesa ko sa gilid ng kama. Syempre alam ko 'yun. May note sa taas eh.

Habang nagmamaneho, naalala ko ang nangyari kahapon.

Deserve ba talaga niya yung second chance? Natatakot lang ako sa posibleng mangyari kung ibibigay ko sa kaniya ang second chance na gusto niya. Hindi malabong maulit yung mga nangyari dati.

Sumubsob ako sa manibela ko dahil sa biglaan kong pagpreno.

Shit! Am I a murderer!?

No! Hindi! Aksidente yun! Damn it! Bakit ba kasi sila tawid nang tawid sa gitna ng kalsada!?

Dahil sa pag-aalala ay minabuti kong tignan ang bata na tumawid sa kalsada.

Nakita ko siyang nakaupo sa harapan ng kotse ko habang nakaharang ang dalawang kamay sa mukha niya.

"Hey kiddo, are you okay?" nag-aalalang tanong ko. Baka kasi may sugat ito o injury,ako pa magbayad.

"I'm okay Kuya." mahinahong sabi niya na ikinagulat ko.

Bakit parang kung makapagsalita ang bata na ito ay parang kalaro lang niya ang kausap niya?

Sa tono ng pananalita niya ay parang siya ang pinakamatanda sa aming dalawa.

Inalalayan ko naman siya hanggang sa makatayo. Pasimple kong sinusuri ang braso o kaya ang tuhod niya. Baka may sugat.

"Bakit kasi tumatawid ka basta riyan eh nandoon ang pedestrian lane?" tanong ko.

"Eh kuya, nabitawan ko kasi ang balloon ko kaya lumipad. Can you buy a new one for me please?"

Aba! Kung hindi lang cute ang bata na 'to, iiwan ko nalang ito dito.

May nakita akong nagtitinda ng lobo sa hindi kalayuan kaya sinabihan kong huwag muna siyang aalis.

Nang makabili ako ng lobo, ibinigay ko sa kaniya ito at ngumiti naman siya. Napangiti rin ako dahil sa sobrang taba ng pisngi niya. Maputi siya kaya mukha siyang siopao.

"Batang siopao, sa susunod, huwag kang basta - basta tatawid sa kalsada, okay?" paalala ko.

"Yes kuya. Thank you sa balloon po. You know, if Ate is here, magsosorry na po ako sa inyo kaagad."

Napakunot naman ang noo ko. Bakit naman?

Hindi ko pa man naitatanong ay bigla nalang akong tumalsik hanggang sa tumama ang likod ko sa harapan ng kotse ko.

Lintek! Pakiramdam ko ay naubusan ako ng ngipin! Sino namang sira ulo ang tatadyak sa akin sa pisngi!?

Tumigil ang paningin ko sa isang babaeng matangkad, maputi at maganda na nasa harapan ko.

Don't tell me...

"Sorry kuya. Are you hurt?" nag-aalalang tanong sa akin ni Batang Siopao.

Akmang lalapit pa siya sa akin pero pinigilan siya nung babae.

"Ikaw ba yung gumawa no'n!?" inis na sigaw ko at inalalayan ang sarili hanggang sa makatayo.

"Ako nga."

"Bakit mo ginawa 'yon!?"

"At bakit ko naman hindi gagawin sayo yun? Malay ko bang masama pala ang intensyon mo sa kapatid ko?"

Ano!? At ako pa ang nagmukhang masama!?

"H-hoy! Wala akong masamang intensyon diyaan sa Batang Siopao na yan! Binilhan ko pa nga ng lobo. Bakit kasi hindi mo tinitignan ang kapatid mo para hindi tawid nang tawid diyan sa kalsada!?" Anong klaseng ate ba naman 'to!

"Lilith, tara na nga." yaya nung babae kay batang siopao. "Baka ano pang gawin sa atin ng Angry Bird na yan."

Lumaki ang tainga ko sa narinig.

"Hoy! S-sinong Angry Bird!?" Tumigil naman sila sa paglalakad at hinarap ako.

"Ikaw." Napangiwi naman ako sa isinagot niya. "Ang kapal kasi ng kilay mo. Tapos galit ka pa. Oh 'di ba, angry bird."

Nainis naman ako kaya naglakad nalang ako papunta sa kotse.

Pinaandar ko ito at hinabol sila. Nang makarating ako sa gilid nung babae, binuksan ko ang bintana ng kotse ko.

"Hoy."

"Ano na naman?!" parang naiinis na baling niya sa akin.

"Alam mo, maganda ka sana eh. Tapos maputi ka at saka matangkad. Kaso mukha kang..." pambibitin ko at tinignan siya mula ulo hanggang paa.

"Mukhang ano?!" hamon niya.

Tumikhim pa muna ako bago magsalita.

"Kaso mukha kang espasol."

Nakita ko namang sumama ang timpla ng mukha niya kaya tinawanan ko siya para mas lalong mainis. Akmang susugurin pa niya ako pero isinara ko na ang bintana at mabilis na pinaharurot ang kotse ko.

Nang makarating ako sa Modeling Agency, kaagad kong inabot ang mga folders kay Tita Feli.

"O-oh Cassius. A-anong nangyari sa iyo?" nag-aalalang tanong niya sa akin.

"Po? Sa akin? Bakit?" sunod-sunod kong tanong.

"Namumula iyang pisngi mo at may kaunting dugo. Napano ka?" tanong niya habang nakaturo sa pisngi ko.

"A-ah. Nadapa po kasi ako Tita." pagsisinungaling ko.

"Nadapa? Ng patagilid? Paano yun?" nagtatakang tanong ni Tita kaya nameke nalang ako ng tawa at sinabing huwag nalang niyang intindihin iyon. "Len, dalhan mo nga ako ng first aid kit dito." baling niya sa babaeng nasa gilid namin.

Kaagad naman kumilos ang Len na sinasabi niya at nang bumalik ay may dala ng first aid. Doon ay ginamot ni Tita Feli ang sugat ko.

Chasing Merrin Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin