Chapter 8

40 5 3
                                    

Merrin's POV

Kinabukasan, hindi ko muna pinalabas ng bahay si Lilith. Kaya halos sa garden nalang siya. Siguro kailangan ko na siyang turuan.

"Lilith, diba you know how to play Tekken?" I asked awkwardly. Ang weird kaya. Sa Tekken pa ako kukuha ng ipapangturo sa kaniya. Pero okay na yun. Pang-self defense din naman.

"Opo."

"Sino ang favorite character mo doon?"

"Si Ling Xiaoyu po, Nina and Jin."

Narinig ko na naman ang Ling Xiaoyu. Bwiset.

"Ah okay. Wait mo ako dito ha."

Umakyat naman ako sa taas at kinuha ang isang mannequin na pinakatago-tago ko pa. Mayroon talaga ako nito dahil dito ko gustong turuan si Lilith.

Nang mailabas ko sa garden, mukhang nagtaka naman si Lilith.

"Lilith, can you apply Ling Xiaoyu's best kick dito sa mannequin?"

Napaatras ako ng bigla siyang bumwelo at patakbong sinipa ang mannequin.

Holy shit! Gulat na gulat akong napatingin sa mannequin ng tumumba ito at ibinaling ang atensyon kay Lilith.

"That's her best kick ate. She always use her left leg. So I did it." inosenteng aniya.

Kapatid ko nga to.

"Paano mo naman na-apply yun?" hindi pa rin makapaniwalang tanong ko.

"I always practice it in my room po."

Hindi ko na pala kailangang turuan ang bata na ito eh.

"Very good Lilith! Next. Yung kay Nina naman." sabi ko at itinayo ang mannequin.

Sa isang iglap ay napatumba niya ulit ang mannequin gamit lang ang kamay. Hindi ko alam kung anong tawag sa ginawa niya pero napakalakas kumpara sa ibang bata kung pumalo.

Sunod naman ay ang kay Jin. At gaya ng nauna ay ganoon din kalakas ang ginawa niya.

Habang nagpapahinga, hindi ko maiwasang tignan si Lilith at mamangha. Kahit sa game lang niya natutunan ang lahat ng iyon ay kayang-kaya niyang gamitin sa personalan.

Nagtaka ako ng tumunog ang door bell. Kaya sinabihan ko si Lilith na huwag aalis at bubuksan ko lang ang pinto.

Tumaas ang kilay ko ng makita sa harapan ko si Kasoy.

Ano ang ginagawa nito dito?

Cassius's POV
Pagkatapos naming maglaro ni Batang Siopao at ng maggabi ay nagtanong sa akin si Mom.

"Bakit kilala ka nung bata? Sino yun?"

"Ah, si Lilith yun. Siya yung sinasabi ko sayo Mom na muntik kong mabangga."

"For real!? Ang cute cute naman. Eh nasaan naman ang ate niyang maganda?" nang-aasar na tanong ni Mom.

"Nasa bahay nila."

"Saan nga ang bahay nila?"

" Diyaan sa tapat."

Napapikit nalang ako ng tumili si Mom.

"Dapat ay sinabi mong dito nalang sila maghapunan. Tutal ay dalawa lang naman tayong sabay kumain."

"Paniguradong tatanggi yun Mom. Niyayaya ko nga kumain si Lilith kanina pero sabi niya, ayaw daw ng ate niya na nakikikain siya sa ibang bahay kasi nga may pagkain naman sila." pag-uulit ko sa sinabi ni Lilith kanina.

"Well, mukhang maganda ang impluwensya ng ate niya sa kaniya huh. Silang dalawa lang ba diyan sa loob ng bahay?"

"Yeah. Eh delikado pa naman ang panahon ngayon. Mabuti sana kung sa subdivision tayong lahat. Edi hindi sila delikado. Pareho pa naman silang babae, baka kung ano ang mangyari sa kanila." litanya ko.

Natigil ang akmang pagsubo ko ng kutsara ng makitang nakatingin si Mom sa akin.

" Eh bakit affected ka? "natatawang tanong niya.

" S-syempre. K-kasi pareho silang b-babae."nahihiyang sagot ko.

Cassius ano ba! Umayos ka.

" May hindi ka ba sinasabi sa akin? "

" A-anong sasabihin ko sa inyo Mom? "

" Gusto mo ba siya? "nasamid naman ako sa sinabi niya.

" M-mom anong gusto? Hell no. "sagot ko at uminom ng tubig.

" Eh bakit namumula ka? "

Napahawak naman ako sa tainga ko.

" K-kase maanghang yung kinakain natin. "

Nangunot naman ang noo niya.

" Maanghang? Eh wala namang sili dito sa kinakain natin ah? "aniya at sinuri pa ang ulam.

Dyos ko, lumubog na ako please.

" Anak, wag mo ng ikaila okay? "

Nainis naman ako sa tawa ni Mom kaya tumayo ako at naglakad paakyat sa kwarto.

" Bukas dalhan mo sila ng pagkain. Pampa-pogi points din yun! "pahabol ni Mom at narinig ko na naman siyang tumawa.

Kinabukasan, akala ko ay nagbibiro lang si Mom. Pero nagulat ako ng makitang may niluluto siya.

" Mom, ano ang ginagawa nyo? May trabaho kayo 'di ba? "

" Yes. Meron nga. Pero wala namang masama kung ipagluluto ko ang dalawang magkapatid' di ba?"

So seryoso nga siya.

Pagkatapos niyang magluto, sa akin pa niya ipinaabot ang pagkain. Kaya wala akong choice kung hindi ang pumunta sa bahay nila.

Dalawang beses ko pang pinindot ang doorbell at nang bumukas ito ay si Espasol ang bumungad sa akin. Nakakunot at halatang nagtataka. May sinasabi pa yata siya sa isip niya.

"Ano ang ginagawa mo dito?"

"A-ah. S-sabi kasi ni Mom, I-ibigay ko to sa inyo." Cassius umayos ka!

Inabot ko naman ang dala ko at tinanggap niya naman.

"Ate, who's that?" rinig kong tanong ni Lilith at nang sumilip siya ay nginitian niya ako at kinawayan.

Mabuti pa yung bata mabait sa akin. Yung ate, masungit na sa akin, maldita pa.






Chasing Merrin Where stories live. Discover now