Chapter 25

22 4 1
                                    

"Wala ka bang balak umuwi?" nakapamewang na tanong ko kay Cassius na ginawang unan ang dalawang kamay habang nakahiga sa sofa.

"Nasa tapat lang naman ang bahay ko. Kaya kahit umagahin pa ako dito o kaya naman abutin ng dekada, kayang-kaya kong umuwi."

"Umuwi ka na nga."

"Bakit mo ba kasi ako pinapauwi?! Ayaw mo ba ako dito? Sayang ang kagwapuhang taglay ko kung hindi mo rin lang masisilayan." mayabang na aniya.

"Ano'ng gwapo? Sinong gwapo? Ang kapal ng mukha grabe." napapantastikuhang sabi ko.

"Alam mo, wag kang magpakastress. Halika dito." yaya niya at tinapik ang sofa na may kaunting espasyo.

"Anong gagawin ko?"

"Humiga ka dito sa tabi ko." utos niya.

"At bakit?" taas-kilay na tanong ko.

"Wala lang. Gusto lang kitang katabi."

"Pwes ako, ayoko!"

Nagmartsa ako papuntang kusina at hindi ko naman inaasahang susunod siya.

"Nagugutom na ako." aniya habang hawak ang tiyan.

"Edi umuwi ka at doon kumain."

"Ayaw. Gusto ko ikaw gagawa ng merienda ko. Oh kaya, pwedeng ikaw nalang merienda ko."

Dyusko! Kalalaking tao ang landi landi.

"Tigilan mo nga ako! Tawagin mo, na nga si Lilith sa garden para naman may magawa ka."

Nakanguso naman siyang naglakad papunta sa garden at doon ay tinawag si Lilith.

Gumawa nalang ako ng tinapay at juice.

Muntik ko pang mabitawan ang baso na hawak ko nang maramdaman ko sa tainga ko ang paghinga ni Cassius.

" P-punyeta u-umalis ka nga d-dyan!" nauutal na sigaw ko at hinarap sya.

Napako ang tingin ko sa mga kamay niya na ngayon ay nakaharang sa magkabilang gilid ko.

"Bakit nauutal ka?" nakangising tanong niya at tinignan ang mata ko pababa sa labi ko.

Malakas ko naman siyang itinulak para makaalis.

"Kaharutan mo Cassius! Kontrolin mo nga yan. Sasapakin kita." banta ko.

"Grabe naman. Hindi ko ba pwedeng gawin yun?"

"At bakit mo naman gagawin aber?! Dahil manliligaw na kita? Nyeta ka walang manliligaw na ganon!" inis na sabi ko at iniwan siya sa kusina.

"Oo na po. Sorry na." dinig kong sabi niya mula sa likuran ko pero hindi ko siya pinansin. "Nagtatampo ka na agad? Sabihin mo lang. Susuyuin na kita"

Inis ko naman siya tinignan at inikutan ng mata. Pero mas lalo akong nainis ng tumawa siya.

"Tigilan mo nga yang pagtawa mo. Nakakaasar."

"Bakit? Pati pagtawa, bawal ba sa manliligaw?"

Hindi ko nalang siya pinansin pa ulit. Baka kung ano lang ang magawa ko sa lalaki na to.

Kinagabihan, nagpaalam na siyang uuwi muna. Akala mo naman ay pagkalayo-layo ng bahay eh nasa tapat lang.

"Dapat bukas ako pa din ang manliligaw mo. At sa susunod na araw pa at sa susunod at sa susunod at sa huling araw ng buhay mo. Okay?"

"Ang corny mo alam mo yon?"

"Hindi ako corny. Ayaw ko lang na mawala ka sa paningin ko."

"Paano ba yan? Mawawala ako sa paningin mo?" nakangising sambit ko.

"Bakit?" seryosong tanong niya habang diretsong nakatingin sa akin.

"Kasi uuwi ka na. Kaya hindi mo ako makikita sa bahay mo." biro ko at tumawa.

"Ha ha ha ha" sarkastikong tawa niya. "Ang galing mo magbiro no?"

"Umuwi ka na nga!"

Ilang beses pa siyang nangulit sa akin hanggang sa magpaalam nang uuwi na talaga.

Pagpasok sa loob ay nakita ko si Lilith na nakatayo sa hagdan at nakatingin sa akin.

"O-oh.. Bakit?" nagtatakang tanong ko.

"Ate, kayo na po ba ni Kuya Cassius?"

"Ha? No."

"Eh. Bakit po nakita ko kayo kanina, nakaharap siya sayo then nakasandal ka sa sink."

"A-ah baby. Wala yun."

Hindi ko na alam kung ano pang sunod na katanungan ni Lilith kaya kaagad ko nang pinutol at niyaya na siya sa kwarto.

Habang nakahiga sa kama, biglang tumunog ang cellphone ko. Nagtaka ako kung bakit tumatawag si Freida.

"Oh. Hello"

"Hay salamat sinagot mo kaagad!" masayang anya.

"Oh, bakit napatawag ka? May ginawa na naman ba si Moss?"

"Hindi hindi. Walang ganon. Tumawag ako para ipaalam sayo na hindi matutuloy yung kasal niyo ni Moss ngayong buwan!" masayang anunsyo niya na ikinatuwa ko.

"Seryoso?! Bakit daw?" imposibleng ginawa niya yun.

"Siguro kinausap ni Prince Bailey. Hay ewan ko ba. Basta bigla nalang inanunsyo dito sa palasyo niyo na hindi tuloy ang kasal ngayon. At saka kamamatay lang ng dalawang hari, ang sagwa naman kung kaagad kayong magpapakasal"

"Oh eh kailan naman? Matutuloy pa ba?"

"Ang narinig ko ay pagkatapos ng ikaapat na buwan."

Ikaapat na buwan... February na ngayon. So kung pagkatapos ng ikaapat na buwan, sa July ang kasal.

"Akala ko pa naman ay hindi na tuloy. Pero salamat sa balita. Malaking tulong sa akin para makapagplano."

"Syempre. Ako yata ang mata mo dito hindi ba?"

Narinig ko namang tumawa sya.

"Oh sige na. Mag-iingat kayo diyaan."

"Sige kayo din ni Princess Lilithia."

Parang nabawasan ang bigat ng loob ko dahil sa narinig.

Ngayon ay hindi ko muna mamadaliin ang lahat.

Chasing Merrin Where stories live. Discover now