Chapter 34

23 3 0
                                    

Cassius's POV

Ngayong araw ang pag-uwi nina Merrin. Pero hindi ko alam kung anong oras.

Pero ganon nalang ang inis ko nang tumawag si Celestine.

"Hey? Where are you?" tanong niya.

Kung papakinggan ay napaka-inosente niya. Iyon siguro ang ginagamit niya apra mahirapan siyang tanggihan.

Fvck Cassius! Ano bang nasa isipan mo?!

"I-im on my way." sabi ko nalang at pumasok sa kotse ko.

Okay Cassius. Gagawin mo lang to dahil kaibigan mo siya. Wala nang iba.

Pagdating sa tapat ng bahay nina Jax, nakita kong nakatayo doon si Celestine habang naghihintay kaya pumarada ako sa harap niya. Nakangiti naman siyang kumaway at pumasok sa kotse.

Off-shoulder white, brown skirt at cream-color na high heel ankle at suot nya.

"Yayamanin ang kotse ah" biro niya.

"Hindi naman." sagot ko nalang at nagmaneho.

Habang nagmamaneho papunta sa Mall, kinausap niya ako.

"Buti naisipan mo pa akong yayain sa Mall sa kabila nung nangyari kagabi?" tanong niya.

Paano ko ba ieexplain? Pesteng Jax!

"M-makikipagkaibigan lang." palusot ko nalang at kitang-kita ko namang tumango siya.

Pagdating sa Mall, dumiretsyo kami sa store ng mga jewelries. Hindi ko alam kung bakit gustong gusto ito ng mga babae. Pero nang pumasok kami doon ay nasagot ang tanong ko. Ang gaganda pala nila.

Napatingin ako sa isang tiara na singsing. Napangiti ako nang maisip na bagay ito kay Merrin. Dahil siya ang prinsesa ko.

"Miss?" pagtawag ko sa babaeng nakatayo sa gilid ko at lumapit naman siya. "I'll get this." turo ko sa tiara na singsing at kinuha naman niya ito.

"Wait for a minute Sir." aniya at iniwan ako doon.

Napatingin naman ako kay Celestine na ngayon ay kausap ang isnag saleslady.

"Bagay po iyang ruby ring sa inyo Mam. You should try that." nakangiting baling nung saleslady kay Celestine at inilagay naman ni Celestine ang paningin sa ruby ring.

"You're right. Uhm, kukunin ko na to. At saka yung pearl necklace kanina." aniya at nagpaalam naman ang saleslady.

"So, gusto mo sa mga perlas?"

"Yeah. I don't know why. Pero ang gaganda nila." nakangiting aniya.

Pumunta naman kami sa cashier at inabot sa akin ng babae na kausap ko kanina ang tiara ring. Kaya agad ko iyong binayaran at itinago.

Nang makalabas doon, nagyaya naman si Celestine sa isang botique. Ganito pala ang pakiramdam kapag kasama mo ang babaeng shopaholic. Kung saan saan nagsususuot.

"Bagay ba sa akin?" tanong niya at ibinalandra sa harap ko ang black halter dress na may hati sa gitna. Sa bandang dibdib.

"Isn't that too showy?"

"Hindi naman ah?" aniya at sinuri ang halter dress. "Ang ganda kaya. Bagay na bagay sa party."

"But I think, palitan mo. I'm just saying this as your friend." paliwanag ko.

"Okay okay." aniya at ibinalik ang halter dress at naghanap ng iba.

Napatunayan ko na may iba-iba palang klase ng babae. Si Merrin, hindi masyadong mahilig sa mga ganito. Samantalang si Celestine ay sobra ang pagka-obsessed.

"Eto?"tanong niya at inangat ang black off-shoulder fitted dress.

" Yan. Mas okay. "pagpayag ko at nakangiti naman niya itong binitbit papunta sa cashier.

Paglabas namin doon ay nagyaya siyang kumain kaya sa isang restaurant nalang kami kumain.

Habang kumakain, tanong lang siya ng tanong.

" Ilang taon na kayong magkaibigan ni Jax? "tanong niya.

" Ah, mga 10 years na. Since college."

" Wow! Pano mo nakayanan yung ugali ng pinsan ko? "

" Pasaway nga minsan. Pero iniintindi ko nalang. Solid din naman kasing kaibigan yan. "nakangising sabi ko.

" So 29 ka na ngayon? "

" Yeah. Kaedad ko si Jax. Ikaw? Ilang taon na?"

" 28 na ako. Mag 29 sa August 03. Punta ka ha? "

" Medyo malayo-layo pa naman. Pero sige. Kaibigan din naman kita eh. "

" Nice! "tanging naisambit nalang niya.

Nagkwentuhan pa kami ng ilang oras hanggang sa napagpasyahan naming mag-ikot na ulit sa Mall.

" Saan na tayo niyan? "tanong ko.

" Sa store tayo ng mga heels? "

Dahil sa wala akong choice ay sumunod nalang ako.

Habang tumitingin sa mga heels na nakadisplay doon, ini-imagine ko kung paano nila nalalakad ang ganon katataas. Kulang nalang ay patangkarin na kahit ang mga duwende.

"Hey! I need your help. Ano sa tingin mk yung maganda? Itong black stiletto or itong cream stiletto?" anya habang nakaangat ang dalawang kamay na may bitbit na stiletto.

"Wala naman akong alam sa mga ganiyan. Pero siguro mas maganda yung black." turo ko..

Tinignan pa muna niya ito ng matagal bago iabot sa saleslady at inilagay sa cashier.

Habang naghihintay ng stiletto niya, tinanong ko siya.

"Ganito ka ba mag shopping?"

"Yeah. Kulang pa nga ito. May mga bags pa akong nakita pero hindi pumasa sa taste ko." sagot niya.

"Ahh." naiusal ko nalang.

Pagkatapos ng mahabang lakaran ay napagpasyahan na naming umuwi.

"Thank you sa time, friend." nakangiting aniya.

"Welcome,friend."nakangisi ko ding sabi at nagpaalam nang uuwi.





Chasing Merrin Where stories live. Discover now