Chapter 6

50 4 11
                                    

Kinagabihan ay sabay kaming kumain ni Mom. Mabuti nalang at hindi na siya nagtatanong pa tungkol kay Espasol.

Merrin? Merrin pala ang pangalan niya.

Nang makapasok ako sa pinto ng kwarto ko, kaagad na nahagip ng mata ko ay ang bintana ni Espasol. Nakabukas pa ang ilaw kaya malamang gising pa siya.

Humiga nalang ako sa kama at ginawang unan ang mga kamay ko.

Ayaw pa niya na anak siya ni Ling Xiaoyu? Ang lakas kaya ni Xiaoyu at cute pa. Pareho din silang maputi. Pero mas maputi pa rin si Espasol.

Kinaumagahan, naasiwa ako ng marinig ang sigaw ni Mom sa labas.

"Why?!" Iritadong tanong ko nang makababa. Natigil ako sa pagsusuklay sa buhok gamit ang sariling daliri ng mabungaran si Batang Siopao na nasa sofa at kumakain ng gummy worms habang nanonood.

Gummy worms ko yan ah! Ni hindi ko magawang magreklamo dahil alam kong masusuway ako kay Mom pag nagkataon. Argh! Binili ko yan eh!

"Ang cute cute ng bata na ito. Kilala mo ba? Kanina ka pa niya kasi hinahanap eh."

Agad ko namang nilapitan si Batang Siopao.

"Good morning Kuya!" masayang bati niya sa akin.

"Cassius, mamaya na tayo mag-usap ah? Kailangan ko ng pumasok sa trabaho. Ikaw na muna ang umasikaso kay Lilith." rinig kong sabi ni Mom sa likuran ko. Nakita kong nag wave pa si Batang Siopao hanggang sa marinig ko ang pagsara ng pinto.

"Hoy Batang Siopao, ano ang ginagawa mo rito?" takang tanong ko.

"I just want to visit Kuya. May problem po ba?" nakacrossed-arm na tanong niya.

"W-wala naman." Nagmana din pala ang bata na ito sa ate niya.

"Kuya, you know, sobrang kind po ng Mommy niyo sa akin. Binigyan pa po niya ako nito." nakangiting aniya at iwinagayway ang gummy worms.

"Sa akin yan eh. Pero sige sayo na." tamad kong sabi. "Siya nga pala, ang a-ate mo?" utal na tanong ko.

"Nasa house po. Hindi niya alam na I'm here."

"Dapat nagpaalam ka sa ate mo. Baka kung ano na naman ang isipin sa akin nun eh."

"Kuya, you knos how to play Tekken? I heard it yesterday. You know Ling Xiaoyu and Nina?" tila nagningning ang mga mata niya habang itinatanong iyon.

"Yeah. Ikaw din ba?"

"Yes Kuya! Palagi po akong nagp-play non. I always use Xiaoyu pero palagi akong natatalo kay Jin."

"Gusto mo laro tayo?" yaya ko.

Nagliwanag naman ang mukha niya at dali-daling tumango.

"Sige. Kukuhanin ko lang ang dalawang PSP ko." I said at kinuha ang dalawang PSP ko. Pinipilit pa nga ako ni Mom na itapon na iyon dahil sobrang luma na pero umaandar pa naman. Kaya hanggang ngayon ay nasa akin pa. Pati PC ay mayroon ako at para lang iyon sa paglalaro.

" Here. Use this. "pag-abot ko sa kaniya at masaya naman niya itong tinanggap.

Napatingin nalang ako sa mga pinagpipindot niya. Kumpara sa ibang bata, masasabi kong talagang player nga talaga ang bata na ito.

" Saan ka nagp-play ng Tekken palagi? "tanong ko dahil parang praktisado niya ang PSP.

" Sa PSP ko din po. But I left it. Nasa pa-- sa dati pong house namin. "

Hindi ko malaman ang takbo ng isip ng bata na ito. Anong pa? Masyadong ka hina-hinala.

Kasalukuyan kong nilalaro si Jin habang si Batang Siopao naman ah si Nina ang gamit.

"Kita mo yan si Nina? Kababaeng tao may muscle." Turo ko kay Nina.

"Baka po naggi-gym siya after ng match." inosenteng sagot niya kaya natawa ako.

Hirap na hirap akong kalabanin si Yoshimitsu habang ang katabi ko naman ay parang parelax-relax lang. Puro 'you win' ang naririnig ko.

Hanggang sa hindi ko namalayan na tanghali na pala.

" Hoy Batang Siopao, hindi ka pa nagugutom?" tanong ko dahil nalibang siya sa paglalaro.

"Actually, I am hungry na po eh." nakangusong aniya.

Ginulo ko naman ang buhok niya at yayayain sana sa kusina pero pinigilan niya ako.

"Ate said huwag daw po akong makikikain sa ibang house kasi may food din naman daw po kami."

Napakamasunurin naman nitong bata na ito sa Ate niya.

"Ah ganon ba. Oh sige, hatid na kita sa inyo." yaya ko at sabay kaming lumabas ng bahay.

"Ah Batang Siopao, wala ba kayong kasama na parents sa house niyo? Kasi napapansin ko kayong dalawa lang ng ate mo eh." Delikado na ang panahon ngayon lalo na at parehong babae ang dalawa na ito.

"I have my Ate. She can protect me." kampanteng sagot niya sa akin.

Halata nga. Sa lakas ba namang sumipa, baka nga hindi pa man nagbabalak sumugod ang mga masasamang loob sa bahay nila ay nasa ospital na.

"Oh sige na Batang Siopao pumasok ka na. Baka mapagalitan ka ng ate mo."

"Sige po Kuya. Thank you po!" aniya at yumuko pa sa akin.

Hindi naman ako hari ah? Hahahaha.

Pinagmasdan ko pa ang pagtakbo niya hanggang sa makapasok ng bahay.







Chasing Merrin Where stories live. Discover now