Chapter 10

45 5 4
                                    

Hapon na ng makauwi ako sa bahay. Ni hindi ko na naabutan si Mom dahil nga may trabaho siya.

Paghiga ko sa kama ay naalala ko ang pag-uusap namin ni Espasol. Napangiti akonng marinig na naman ang boses niya at ang paraan ng pagngiti niya.

Siya yung tipo ng tao na gugustuhin mong makita palagi sa araw-araw. Feeling ko nga nasa langit ako eh.

Tumayo ako at lumapit sa bintana. Hindi ko alam pero may nagsusumigaw sa loob-loob ko na gusto ko siyang makita.

Hindi ko napansin na matagal na pala ang pagkakatitig ko sa bintana at nakita nalang siya na nakataas ang mga kilay habang nakadungaw din sa bintana.

Kaagad kong isinara ang kurtina at napahawak sa dibdib ko.

Sobrang bilis ng tibok!

Napadaan ako sa salamin at nakitang namumula ang buong mukha ko.

Letse! Ano ba ang nangyayari sa akin!?

Pagdating ng gabi, nakauwi na din si Mom. Pagpasok niya ng bahay ay parang wala man lang siyang pagod na iniinda. Kaagad siyang dumiretsyo sa akin at nagtanong tungkol sa iniabot kong pagkain sa magkapatid.

"So ano nga? Ano'ng sinabi ni Espasol?"

"Nagpasalamat lang."

"Then?"

"Then what?"

"Ano pang nangyari pagkatapos nun?"

"Wala. Nagkwentuhan lang kami."

Napadaing ako ng bigla akong itulak ni Mom habang tumitili.

"M-mom!" reklamo ko.

"Anong pinagkwentuhan niyo?" nanunuksong tanong ni Mom.

"Iba na naman ang nasa isip mo Mom"

"Then, ibahin mo." excited na sabi ni Mom.

"Nagkwentuhan lang kami tungkol doon sa kapatid niya. Wala ng iba."

Kung ano-ano na naman ang iniisip ni Mom. Siguro magiging magaling siyang writer kung sisimulan niyang isulat ang mga naiimagine niya.

"Nagustuhan ba nila?"

"Idunno. Hindi ko na sila nakitang kumain eh."

"Oh. It's okay. Atleast na appreciate nila." nakangiting sabi ni Mom. "I'll just take a nap. Matulog ka na din. Huwag kang magpuyat baka pumangit ka at hindi na kayo magkatuluyan ni Ms. Espasol." nang-aasar na tugon ni Mom at umakyat na.

Pag-akyat ko sa kwarto, tinignan ko ulit ang bintana ni Espasol.

Nakapatay na ang ilaw. Ang aga naman nilang matulog.

Kinabukasan, sa bahay lang ako buong maghapon. Wala naman akong pupuntahan dahil hindi naman tumatawag si Jax. Nakakamiss magbar pero ang loko hindi man lang nagyayaya.

Puntahan ko nalang kaya sina Espasol? Tutal wala naman akong ginagawa.

Kinuha ko ang dalawang PSP ko at binitbit iyon. Nagpaalam muna ako sa mga katulong na lalabas ng bahay at tumawid papunta kina Espasol.

Ilang beses akong nagdoor bell bago bumukas ang pinto. At nagtaka ako ng sumalubong sa akin si Lilith.

"Good day?" patanong na bati ko.

"Good morning Kuya! Why are you here?" tanong ni Lilith sa akin.

"A-ah... Wala kasi akong magawa sa bahay eh. Pwede bang dito muna ako? Tutal diba friends naman tayo?"

"Sure kuya! Pasok ka po."

Hinila naman niya ako sa sala at pinaupo sa sofa.

"Diyaan ka muna Kuya, gigisingin ko lang po si Ate." aniya at tumakbo paakyat.

Habang wala pa si Lilith ay nagtitingin lang ako ng mga picture frame.

May isang frame na may tatlong tao. Dalawang babae at isang lalaki. Batid kong si Lilith at Espasol ang dalawang babae pero hindi ko makilala ang lalaki.

"Anong ginagawa mo dito?" rinig kong tanong ni Espasol kaya wala sa sariling naibaba ko ang frame at tumingin sa kaniya. Nakataas na naman ang mga kilay niya habang nakatingin sa akin at lumipat ang tingin sa frame.

"N-nabobored kasi ako sa bahay eh. Yayayain ko sana si Lilith na maglaro."

"Ah ganun ba. Sige lang."

Inabot ko naman kay Lilith ang PSP at tuwang-tuwa naman siyang kinuha iyon sa akin.

Habang naglalaro, batid kong nakatingin lang sa amin si Espasol. Pero napatingin ako ng bigla siyang tumayo at umakyat.

"Lilith, san pupunta ang ate mo?" kapagkuwa'y tanong ko kay Lilith.

"I don't know kuya."

Pagkatapos ng isang game ay saka lang bumaba si Espasol. Napatitig naman ako sa kaniya habang bumababa siya.

Naaapakaganda.

Kahit naka-white plain t-shirt lang siya at isang skinny ripped jeans na tinernuhan ng white rubber shoes ay umaangat ang ganda niya.

"San ka pupunta?"

"Sa Mall. Mamimili ng stocks."

"P-pwedeng sumama?"

"At bakit ka sasama? Pano si Lilith?"

"Para hindi ka na mag commute. At saka sino bang nagsabi na iiwan natin si Lilith? Isama na natin siya."

"Ah. O sige ikaw bahala."

Nagpaalam muna akong kukunin ang kotse at sinabihang maghintay nalang sa harapan ng bahay nila.

Nagbihis muna ako ng simpleng black tshirt at isang pants at bumaba na para kunin ang kotse ko.

"Sakay na."

Nalaglag ang panga ko ng sa likod sila pumwesto.

"Oh? Bakit hindi ka pa magdrive?"

"E-eh bakit nandiyan kayo!? Gagawin niyo ba akong driver niyo?!"

"Ay, hindi ba?" pang-aasar ni Espasol at sabay silang tumawa ni Lilith.

Parehong abnormal!

Dahil sa inis ay nagmaneho nalang ako. Yung mabilis at maangas. Kitang - kita ko pa sa salamin kung paano umikot ang mata ni Espasol dahil sa ginawa ko.








Chasing Merrin Where stories live. Discover now