Chapter 28

23 3 0
                                    

Pagdating ko sa kotse ay tila tinakasan ako ng dugo sa nakita ko.

Si Lilith ay hawak ng isang lalaki habang ang isang lalaki nama ay nakatutok ang baril kay Cassius.

Batid kong hindi sila tauhan ni Moss. Dahil ang mga ito ay mukhang napabayaan at talagang takaw gulo.

"Bitawan niyo sila." utos ko at tumawa naman sila. Sa bilang ko ay apat sila.

"Hindi mo kami mauutusan, Ms." sabat nung lalaki.

"Isa nalang. Bitawan niyo sila." utos ko pa ulit pero nagtawanan sila.

Pabagsak nilang binitawan si Lilith at kaagad naman syang nalaglag at tumama ang ulo sa semento. Doon ay narinig ko ang lakas ng pag-iyak ni Lilith.

Dahil sa galit ay patakbo akong lumapit sa lalaking nagbitaw kay Lilith at sinipa siya sa mukha. Humampas naman siya sa puno at nawalan ng malay.

Ang tatlong lalaki naman ay akmang papaluin si Cassius pero kaagad akong kumilos at isa-isa silang pinatumba.

Ipinasok ko si Lilith sa backseat at inakay si Cassius sa front seat na ngayon ay may sugat din sa noo.

Binalikan ko ang tatlo at nakita kong namimilipit sila sa sakit.

Ni wala man lang bang gwardiyang nagbabantay dito?! Anong klaseng parking lot ba ito?!

Kaagad akong pumasok sa kotse at mabilis itong pinaandar.

Nang makalayo kami ay ipinark ko ang kotse sa gilid ng kalsada at tinignan ang dalawa kong kasama.

"Hey Lith. Masakit ba ang ulo mo?" nag-aalalang tanong ko.

Lumipat naman ako sa tabi ni Lilith at inalo siya.

"Shh. Tahan na baby." sabi ko at niyakap siya. Alam kong natakot siya sa nangyari. Tinignan ko ang ulo niya kung may dumudugo pero wala naman.

Bumalik ako sa pwesto ko kanina at si Cassius naman ang tinanong ko.

"Hoy ayos ka lang?" tanong ko.

"Yes. Si Lilith?" tanong niya at tinignan si Lilith. "Okay ka lang ba?"

"Yes kuya. Pero, yung kamay po ni Ate dumudugo."

Sabay sabay kaming tatlo na napatingin sa kamay ko. Ito yung kanina. Akala ko pa naman ay hindi tatagas ang dugo.

"A-anong nangyari diyaan?" nag-aalalang tanong ni Cassius at kumuha ng tissue saka ipinahid sa sugat ko.

"Ah wala to. Baka nakuha ko lang kanina doon sa apat na lalaki." pagsisinungaling ko. "Uuwi na tayo." sabi ko at pinaandar ang kotse.

Habang papalabas sa parking lot ng Mall, nakita ko pa ang nakablack na tao habang sinusundan ang tingin ng kotse ni Cassius.

Mabilis kong pinaandar ang kotse para hindi kami maabutan at nakauwi ng maayos sa bahay.

" Thank you sa araw na to. Uhm, magpahinga ka na. Alam kong natakot kayo doon sa nangyari kanina." sabi ko kay Cassius.

"Sinong natakot? Hindi ako natakot no!" asik niya.

"Sus! Kunwari pa. Eh kung hindi ka natakot doon, bakit hindi ka man kang lumaban?"

"Hinawakan nila ako eh. At saka pinagbantaan nila akong papatayin nila si Lilith pag nanlaban ako. Kaya pinili ko nalang tumahimik. Baka mapahamak pa yang kapatid mo at hindi lang sipa ang abutin ko." mahabang paliwanag niya.

"Ganon ba? Salamat kung ganon nga." Nakangiting sabi ko. "Sige. Papasok na ako. Aasikasuhin ko pa si Lilith." paalam ko.

"Okay. Sleep well and good night."

"Good night din."

Pinauna pa muna niya akong makapasok sa bahay at siya naman ay naglakad na pauwi.

Pagdating ko sa kwarto ni Lilith ay nakahiga na siya pero hindi pa nakapikit ang mata.

"Hey." pagtawag ko sa atensyon niya. Umupo naman ako sa kama niya at hinawakan ang paa. "Sigurado ka bang okay ka lang? Wala bang sumasakit sa iyo?" tanong ko pa ulit.

"Wala naman po ate."

"Oh, eh bakit malungkot ang baby ko?"

"Namimiss ko lang po sina Queen.." nakangusong sagot niya.

Nagdalawang isip pa ako sa desisyon ko pero siguro ay kahit ipasyal ko man lang si Lilith.

"Oh sige ganito. Pupunta tayo sa kanila twice a month. Maliwanag ba yun?"

Kita ko namang nagliwanag ang mukha niya at kaagad akong niyakap.

"Thank you ate!" masayang aniya at hinalikan pa ang pisngi ko.

May apat na buwan pa naman ako.

"Sige na matulog ka na. Sasabihin ko nalang bukas kung kailan tayo pupunta doon." sabi ko at hinalikan ang noo niya. "Pray before you sleep." paalala ko.

"Okay po ate! Goodnight" Nakangiting aniya.

Hinayaan ko na siya sa kwarto niya at naglakad papunta sa kwarto ko.

Kung ito ang makakapagpasaya kay Lilith, gagawin ko. Handa naman akong protektahan siya.

Kinuha ko ang cellphone ko at may nakita akong isang message.

From:Cassius
Sana okay na yung kamay mo:>

Napangiti naman ako sa nabasa.

To:Cassius
Okay na. Hindi naman mahapdi eh. At saka tumigil na yung pagdugo.
Message Sent

Wala pa mang limang minuto ang lumilipas ay nagreply na siya.

From:Cassius
Ah sige. Akala ko ay gagamitan ko pa ng mahiwagang kiss ko eh. HAHAHAHAHA

Abnormal ang tao na to.

To:Cassius
Wag na. Baka ma impeksyon pa eh. HAHAHAHA
Message Sent

From:Cassius
Grabe ka sa akin. Oh sige na matutulog na ako. Matulog ka na din.

To:Cassius
Oo na. Patulog na ako eh. Kinukulit mo lang.
Message Sent

From:Cassius
HAHAHAHA sige sige

Hindi ko na siya nireplyan. Baka hindi ako tigilan



Chasing Merrin Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz