Chapter 32

24 3 3
                                    

Cassius's POV
Kinabukasan, natuwa ako nang bumungad sa akin ang mga messages ni Merrin.

From:Merrin<3
Hoy Kasoy.

From :Merrin<3
Wag kang mag-alala. Okay lang kami ni Lilith. After two days, uuwi din kami.

From:Merrin<3
Matulog ka na diyan. Wag kang magpuyat. Baka iniisip mo na naman ako. Goodnight:>

Kagabi pa tong mga message pero atleast nagreply pa din siya.

Ang tagal naman, maghihintay pa ako na lumipas ang bukas bago ko sila makita ulit.

Habang nanonood sa sala, bigla akong tinanong ni Mom.

"Oh,mabuti wala ka kina Merrin?"

"Wala sila eh. May pinuntahan."

"Ah."

Pag-alis ni Mom, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nakakaboring sa bahay. Wala akong makalaro.

Nagtataka ako kung bakit palaging three days ang paalam niya. At palagi siyang umaalis na wala namang paalam. Kahit isa.

Dahil sa pagkabagot ay nagmaneho nalang ako papunta kina Jax.

"Oh dre ang aga mo ah? Excited?" nakangising asar niya.

"Sira! Wala akong magawa sa bahay eh."

"Oh, wala ba yung nililigawan mo?"

"Wala eh. Umalis."

"Nice! Gusto mo ng pamalit? Nandiyan si Lezzoa." pang-aasar niya at tinawanan ko naman siya.

"No thanks dre. Okay na ako kay Merrin."

"Sus!"

Pagdating ng gabi ay sabay kaming nagmaneho ni Jax papunta sa bar na sinasabi niya. Naka-black t-shirt ako na pinatungan ng denim shirt at dark denim na tinernuhan ko ng chunky sneakers na white.

Pagpasok pa lang namin ay kaliwa't kanan na ang tugtugan at bugahan ng usok galing sa mga sigarilyo. Ang iha ay naglalandian sa gilid at wala nang pakialam.

Umupo kami ni Jax sa tapat ng bartender habang tinitignan ang mga tao na nagsasayawan.

"Hey Jax!" biglang sigaw ng isang babae sa di kalayuan.

Naka black v-neck croptop at white pegged pants na tinernuhan ng black high heel ankle.

"Oh! Celestine!" bati din ni Jax at nagyakapan sila.

"Alam ba ni Tito na nandito ka na naman?" nakapameywang na tanong niya.

"You know me, Celes." mayabang na sagot ni Jax. "Ah Celes, meet Cassius, kaibigan ko. Cassius, meet Celestine,pinsan ko." pakilala ni Jax.

"Hi. Nice to meet you. I'm Celestine. You can call me Celes, pwedeng Tine, basta Celestine name ko." aniya at inilahad ang kamay niya

Kaagad ko naman iyong tinanggap. "Cassius. Nice to meet you too."

"Ah, guys, gusto niyo doon nalang kayo sa place namin? Para naman may kasama kayo."sabi ni Celestine.

" Okay! "sigaw ni Jax at inakbayan si Celestine. Ako naman ay sumusunod nalang sa kanila sa likuran.

Pagdating sa sinasabing pwesto ni Celestine ay nandoon ang mga kaibigan niya. Ang sofa kasi ay pa-U shape kaya kaniya-kaniyang upo ang iba.

" Guys! "pagtawag ni Celestine sa atensyon ng mga kasama. Kung bibilangin ang mga kasama nito ay umaabot sa anim. Tatlong babae at tatlong lalaki." This is Jax, my cousin. And"aniya at hinila ako sa harapan. "This is Cassius. Jax's friend."

"Nice to meet you." yun lang ang naririnig ko mula sa kanila kaya ngiti nalang ang naibigay ko.

Habang nakaupo ay nakikinig lang ako sa mga kwentuhan nila. Masaya namang kasama ang mga ito. Hindi katulad na iba na malalandi.

"Hoy dre! Makisama ka nga. Lumulutang na naman yang isip mo." aniya at inabutan ako ng inumin na kaagad ko namang ininom.

"Guys!" pagtawag ulit ni Celestine sa atensyon ng lahat. "Since nagkakatuwaan na, let's play." yaya niya. "Spin the bottle. Truth or dare. Wag KJ!"

Sa tingin ko ay lasing na ang iba at kaming dalawa nalang ni Jax ang hindi.

Umayos ang lahat kaya naman nakisama na ako. Tumapat ang bote sa isang babae na medyo kulot at maikli ang buhok.

Kung ano-ano lang ang itinanong o iniutos nila. Mabuti nalang at hindi pa natatapat sa akin ang bote.

"Ang daya ng bottle mo Celes! Hindi ka man lang natatapatan at saka si Pogi." pagtukoy sa akin nung babaeng hanggang sa bewang ang buhok.

"Oh sige. Kayo ang humamon sa amin." ani Celestine na lasing na.

"Okay. Truth kay Pogi, dare sayo." sabat nung babae na naka-ponytail.

Tinignan ko naman si Jax at halata namang tuwang tuwa siya. Masasakal ko tong lalaki na to.

"Okay. Pogi, may nililigawan ka na ba?" lasing na tanong nung babaeng mahaba ang buhok.

"Yes." proud na sabi ko at nilagok ang shot glass na nasa harapan ko.

"Dude, dapat sinabi mong wala. Sayang mga babaeng nagkakandarapa sayo kung ganiyan ka." bulong sa akin ni Jax pero siniko ko lang siya.

"Oh! Okay okay. Now Celes, I dare you. Halikan mo ang taong bet mo." nakangising sabi nung kulot na babae.

Hindi nalang ako tumingin sa kanila pero ganon nalang ang gulat ko nang hapitin ni Celestine ang t-shirt ko at sinunggaban ako ng halik

Isang matagal, mapusok at malanding paghalik.

Rinig na rinig ko ang kantyawan ng mga kasama ko kaya kaagad kong itinulak si Celestine at umalis na sa bar.











Chasing Merrin Where stories live. Discover now