Chapter 30

26 3 0
                                    

Pagkatapos ng selebrasyon, hayun si Lilith at nasa tabi ng Queen. Naglalaro silang dalawa.

"Queen Mama, it's" Maganda". Rinig kong sabi ni Lilith kay Queen. Paniguradong tinuturuan niya ng tagalog ang Queen.

"Oh. What's the meaning of that? Magda" sambit ni Queen na ikinatawa ko.

"No Queen Mama. It's Ma-Gan-Da. Maganda." pag-uulit ni Lilith.

"I don't care if it's Magda or what. What's the meaning of that?"

"It means Beautiful." sagot ni Lilith.

"So, what is" You're beautiful" in your language there? "

" It's "Maganda ka".

"Maganda ka." Biglang sabi ng Queen kaya naman tumawa si Lilith.

"Queen Mama, I know that already."

Napailing nalang ako sa pinagsasabi nila nila.

"What?" tanong ko nang tawagin ako ni Prince.

"Can I talk to you?" tanong niya at tumango naman ako.

Naglakad siya papunta sa garden kaya sumunod nalang ako.

"Did Freida told you that Moss cancelled your marriage?"

"Yeah. She told me. Why?"

"Then, why did you came back? And worst, Lilithia is with you?" batid kong galit siya.

"Calm down, Prince. I know what I'm doing. Don't you have any trust?"

"I have. But I don't want you to be Moss's bride."

"No. I will never be Moss's bride. So please relax, okay?"

"Yeah. Okay. But, after three days, bring Lilithia in the Philippines with you."

"Yes. I told her that we will just visit twice a month. Before the crazy wedding."

"Okay. I trust you Merrinia."

Pagbalik namin sa bulwagan ay wala na doon ang Queen at si Lilith.

"Where's the Queen?" tanong ko sa isang katulong.

"She's in her room, Princess."

Baka isinama na nya sa kwarto si Lilith.

Pumunta ako sa silid ng reyna at nakita ko si Queen na nakahiga habang nasa tabi si Lilith sa kaniya. Binabasahan na naman niya si Lilith ng mga fairytales.

Dahil alam kong tatabi siya sa Queen ay minabuti ko nalang na pumunta sa kwarto ko at magpahinga.

Nagtaka ako kung bakit nagpa-flash ang cellphone ko at nang lapitan iyon ay madaming messages at calls na pala na galing kay Cassius.

From:Cassius
Hey! Where are you? Kasama mo ba si Lilith?

From :Cassius
Text back please!

From:Cassius
Hey! Merrinnn! Saan kayo nagpunta? Kailan kayo babalik?

From:Cassius
Bakit hindi ka nagpaalam sa akin?

From:Cassius
Merrin, baka naman. Hindi naman siguro naubusan ng letra ang keyboard ng cellphone mo.

From:Cassius
Hey, matutulog na ako. :<. Itext mo ako kapag nabasa mo to.

From:Cassius
Good night Merrin! ;>

Ang dami ring missed calls galing sa kaniya.

Paniguradong nabored yon sa bahay nila dahil wala kami.

Ayoko naman siyang tawagan dahil madaling araw na doon at baka maistorbo ko pa ang pagtulog niya.

Hindi ko alam pero parte na yata to ng pagsisinungaling ko. Ayokong malaman niya kung anong estado ng buhay namin. At ayokong pati siya ay madamay pa dito.

To:Cassius
Hoy Kasoy.
Message Sent

To:Cassius
Wag kang mag-alala. Okay lang kami ni Lilith. After two days, uuwi din kami.
Message Sent

To:Cassius
Matulog ka na diyan. Wag kang magpuyat. Baka iniisip mo na naman ako. Goodnight:>

Nagtaka ako nang ibaba ko ang cellphone ko ay napunta sa dingding ang atensyon ko. Isang pula na ilaw ang nakita ko.

Tumayo ako at ipinaglandas ang kamay ko doon. Isang laser.

Sinundan ko ng tingin ang pinanggagalingan non at sa isang matayog na puno ay may isang nakaitim ang may hawak ng baril at nakatutok sa bintana ng kwarto ko.

Pinakatitigan ko pa kung ako ba ang target niya at ganon nalang ang mabilis kong pag-iwas nang marinig ang isang putok.

Nabasag ang bintana ko kasunod niyon ay ilang pagbaril din sa dingding.

Napadapa ako sa sahig at kinuha ang baril na nasa maleta ko.

Pagtutok ko sa taong nakaitim ay kaagad kong pinaputukan siya at nalaglag siya galing sa puno.

Mabilis kong itinago ang baril at kasunod non ay nagsidatingan si Prince, ang mga katulong at ang mga tagapag-bantay.

"Peotect the Princess!" utos ni Prince at lumuhod sa harap ko. "Are you o--shit! You're bleeding!"

Napatingin naman ako sa tagiliran ko. Ni hindi ko man naramdaman yun dahil ang akala ko ay naiwasan ko.

Nakita ko pang nagpabilog ang mga tagapag-bantay para protektahan kami.

Kaagad akong binuhat ni Prince papunta sa pagamutan sa loob ng palasyo.

Noon ay narinig ko na din ang boses ng Queen at ang iyak ni Lilith.

Hindi ko na alam ang sunod na nangyari at bigla nalang bumigat ang pakiramdam ko at nararamdaman kong  kumikirot ang tagiliran ko.

Kasabay ng pagpikit ng mata ko ay ang pagdating ng manggagamot sa akin.

Iligtas niyo ako




Chasing Merrin Where stories live. Discover now