Chapter 27

23 2 0
                                    

Pagpasok sa loob ng bahay, naabutan ko na si Cassius na nanonood ng tv habang may mga marshmallows at gummy worms na nasa lamesa.

"Lakas maka-prinsipe ng dating ah?" biro ko.

"Walang manghihingi. Ako bumili niyan." pang-aasar niya. Narinig ko namang nag "hmp" si Lilith sa gilid ko. "Aish! Oo na sige. Eto na" aniya at inabot ang marshmallow at gummy worms kay Lilith. Masaya niya naman iyong tinanggap at umupo sa tabi ni Cassius.

"Maglaro lang muna kayo diyan. Matutulog lang ako." sabi ko sa kanila at naglakad paakyat sa kwarto ko.

Wala pa akong balak sabihin kay Cassius kung sino at ano ang totoong ako. Ayokong lumayo ang loob niya at ituring ako na prinsesa. Ang gusto ko ay ang normal na pamumuhay lang.

Alam ko na may nararamdaman na ako para kay Cassius. Pero hindi naman sobra. Yung sakto lang. Pero hindi ko muna sasabihin dahil baka nagkakamali lang ako sa nararamdaman ko at baka masaktan ko lang siya.

Gusto ko munang patagalin ang panliligaw niya para malaman ko kung anong klaseng tao siya. Mahirap na sa panahon ngayon. Hindi porke mabait sayo ay mabait na sayo habambuhay. Minsan mabait sila pero pagpapanggap lang din.

Kinabukasan, nagyaya si Cassius na pumunta sa Mall.

"Kuya, manood tayo ng sine." suhestyon ni Lilith.

"Oh sige. Ano bang gusto mong panoorin?"

"Hotel Transylvania po."

Naglakad naman kami papunta sa sine. Si Cassius ang bumili ng ticket kasama si Lilith habang ako ay bumili ng popcorn at mga drinks.

Inilinga-ilinga ko ang paningin ko. May nararamdaman na naman akong nakatingin sa bawat galaw ko. At hindi nga ako nagkakamali dahil nakita ko na naman ang taong naka-all black aksama ng cap niya.

Nang maibigay sa akin ang popcorn at drinks ay kaagad akong pumunta sa kinaroroonan nila Cassius. Nakaupo sila habang naghihintay na papasukin na.

"Anong nangyari sayo? Bakit namumutla ka?" biglang tanong ni Cassius.

"A-ah w-wala. H-hindi pa ba tayo papasok?" utal utal na tanong ko. Nakita ko namang nangunot ang noo niya.

"Malapit lapit na. Mga 10 minutes. Ano bang nangyayari sayo? You're acting weird." kunot-noong aniya.

"W-wala to." pagsisinungaling ko.

Inilibot ko kaagad ang paningin ko at nakita ko ang lalaki na nakaupo din hindi kalayuan sa kinauupuan namin.

"Hoy!" biglang sigaw ni Cassius kaya napalingon ako. "Kanina pa kita tinatawag. Tara na." yaya niya at binuhat si Lilith.

"A-ah oo. S-sige." tanging nasabi ko.

Hinawakan naman niya ang kamay ko.

"Ayos ka lang ba?"alalang tanong niya.

"Y-yeah."pilit ang ngiting sabi ko.

Pagpasok namin sa sine, nagpasya akong sa malapit sa exit nalang kami umupo.

Hindi pa rin ako mapakali habang nanonood. Ni hindi ko matuonan ng pansin ang pinapanood dahil sa kaba. Natatakot ako baka may mangyari kay Lilith.

"Hey. Okay ka lang ba talaga?" nag-aalala pa ring tanong ni Cassius. Kaya tinanguan ko nalang siya at pinilit na ituon ang pansin sa pinapanood.

Pagkatapos ng palabas, nagkukwentuhan sina Cassius at Lilith tungkol sa pinanood habang ako ay nasa likod lang nila at tahimik na nagmamatyag.

"May gusto pa ba kayong gawin?" tanong niya sa amin ni Lilith. Si Lilith ay halatang pagod na.

"Ahm, umuwi na tayo? Pagod na si Lilith eh. At saka gabi na. Baka hinihintay ka ng Mama mo." sabi ko nalang.

"Ah sige. Tara na?"

Habang naglalakad sa parking lot, pakiramdam ko ay may sumusunod sa amin.

"Ah Cassius. Mauna na kayo sa sasakyan ni Lilith, nalaglag yung kwintas ko. Hahanapin ko muna." palusot ko pero ang totoo, nakikita kong sinusundan kami ng nakaitim.

"Oh sige. Bilisan mo ah."

Nang makaalis sila, patakbo akong lumapit doon sa nakablack habang nakatalikod siya sa akin at nakatingin kina Lilith.

Kaagad kong ikinawit ang braso ko sa leeg niya at binulungan.

"Sino ka ba? At anong kailangan mo sa amin?!"

Ngunit hindi siya nagsalita. Humarap siya sa akin at ngumisi. Hindi ko makita ang buong mukha niya dahil naka-cap siya. Tinangka ko pa iyong agawin pero nakailag siya at tumakbo papalayo.

Napatingin ako sa braso ko at nakitang dumudugo iyon.

Shit! Hindi ko napansin na nasugatan na niya ako dahil sa gusto kong malaman kung sino siya.

Hindi pwedeng makita nina Cassius at Lilith to dahil magtatanong sila ng magtatanong tungkol dito.

Hinalukay ko ang bag ko at may nakitang tissue kaya pinunas-punasan ko ito hanggang sa hindi na magdugo.

Natigil ako sa ginagawa ko nang maramdaman na may matalim na bagay na kahit anong oras ay pwedeng sumaksak sa leeg ko.

Pero mas nanlamig ang buong katawan ko nang marinig ang tili at sigaw ni Lilith sa di kalayuan.

"Ate help!" yon lang ang tanging naririnig ko mula sa kaniya.

Hindi! Hindi pwede to!

Malakas kong siniko ang nasa likod ko at nabitawan naman niya ang kutsilyo. Kaagad kong pinalipad sa kaniya ang kutsilyo niya na tumama naman sa tuhod niya kaya nagkaroon ako ng tyansa na makatakas.







Chasing Merrin Where stories live. Discover now