Chapter 38

25 4 1
                                    

Cassius's POV

Sa dalawang araw na wala si Merrin, hindi ako nakararamdam ng kahit anong pagkabagot dahil yaya ng yaya sa akin si Celestine. Kung hindi sa Mall ay sa salon. 

"Saan na naman ba tayo pupunta Celestine? Naikot na yata natin ang buong Pilipinas." biro ko at rinig ko namang nagmaktol siya sa kabilang linya.

"Ang sabi mo ay sasamahan mo ako? Pleaseee? Importante lang eh." nagmamaktol na aniya.

"Okay okay. Hintayin mo nalang ako diyaan." sabi ko at pinatay ang tawag.

Pagdating kina Jax, nandoon na si Celestine.

Habang nasa kotse, tingin lang ng tingin si Celestine sa cellphone niya.

" Ano ba? Bakit hindi ka mapakali?" tanong ko.

"Naeexcite lang ako! Kasi first time akong yayain ni Phil sa isang date."

"Phil? As in yung artista na hindi masyadong sikat?" tanong ko at tumango naman siya ng ilang beses. "Lakas mamingwit ah."biro ko at pinalo naman niya ako sa braso.

" Anong mamingwit ka diyan?! It's jist a friendly date. Katulad lang ng sa atin."nakacrossed-arm na aniya.

Sa ilang araw na nakakasama ko si Celes, alam ko na ang lahat ng emotions at galaw niya. Mataray tapos biglang magmamaktol. O di kaya naman magiging childish pa.

" So ginawa mo lang pala akong driver? "hindi makapaniwalang tanong ko at nangingiti naman siyang tumango." Aish! You're unbelievable! "kunwaring naiinis na sabi ko.

" Last na din naman to eh. Ayaw kasi akong ihatid ni Jax. Balikan mo nalang siguro ako mamayang 9 pm. "aniya.

" No. 8 pm. Yon ang sabi ng Mama ni Jax. "pagbabawal ko.

" 9? Please? "pagmamakaawa niya.

" Celes, alam natin na mahigpit si Tita pagdating sayo. Kaya 8. Tapos. "sabi ko at nakanguso naman siyang bumaba nang makarating kami sa pupuntahan niya." Susunduin kita mamayang 8 pm. Diyaan din sa kinatatayuan mo ngayon. Maliwanag? "sabi ko at tamad naman siyang tumango.

Nang makaalis siya ay ang nagmaneho ako pauwi.

Nagulat ako nang makita na maliwanag ang bahay nila Merrin. Nakauwi na pala sila.

Ipinark ko muna ang kotse sa garahe at naglakad papunta sa kanila.

Bumungad naman sa akin si Merrin.

"Welcome back." Nakangiting sabi ko.

"Buti at pumunta ka dito?" tanong niya.

"May masama ba doon? Syempre nililigawan kita. Nasaan si Lilith?" tanong ko at pumasok sa bahay. Nakita ko naman si Lilith na nakaupo sa sofa habang ginagaya ang mga nagmamartial arts sa tv.

"Hi Kuya Cassius!" masayang bati niya.

"Hello. Ano yan?" tanong ko.

"I'm watching some martial arts po."

Sabi ko nga.

Napansin ko naman si Merrin na papunta sa kusina kaya pumunta din ako. At habang nakatalikod siya at may kinukuha, niyakap ko siya.

"I missed you." pabulong na sabi ko sa tainga niya.

"Weh? Talaga?" biro nya.

"Oo. Ikaw ba?"

Humarap naman siya sa akin nang nakangisi.

"Hindi eh."

"Tsk!"

"Biro lang. Syempre namiss kita. Kahit konti."

"Konti lang?!"

"Pasalamat ka nga namiss pa kita no!"

"Aish! Nasaan ba yung asukal niyo?!" inis na tanong ko.

"At ano namang gagawin mo sa asukal ha?"

"Ibubudbod ko sayo para naman maging sweet ka. Kainis!" asik ko at nagmartsa papalabas ng kusina.

Alas singko ng hapon nang magpaalam muna ako sa kaniya na uuwi ako.

Pagdating sa bahay, wala pa si Mom. Siguro mamaya pa darating yun.

Napapitik naman ako nang maalala na susunduin ko nga pala si Celestine ng alas otso. Pero nagtaka ako nang bigla siyang tumawag.

"Oh bakit?"

"Sunduin mo na ako." anya

"Ha? Mamaya pang 8 di ba?"

"Hindi. Ngayon na." aniya at pinatay ang tawag.

Ano na naman kaya ang nangyari sa maarte'ng yun?

Nagmaneho na ako papunta sa kaninang pinagbabaan ko at nakita ko naman siya na nakatayo lang doon at naghihintay.

Pagpasok niya sa sasakyan, kaagad ko siyang tinanong.

" Buti ang aga mong nagpasundo?"

"Nakakainis pala yung lalaki na yun." inis na aniya at tumingin sa bintana.

"Why? May ginawa ba siya sayo?"

"Wala naman. Eh basta nakakainis!"

Kahit kailan ay maarte ang babaeng to. Kailan kaya magtitino?

"Ano nga bang nangyari?"

"Manyak ang isang yun." sagot niya at tinignan ko naman siya.

"Bakit?" seryosong tanong ko.

"Kung ano ano ang pinagsasasabi. Parang hindi artista. Bastusin ba naman ako!" nakacrossed-arm na aniya.

"Edi dapat sinapak mo."

"Yaan mo na. I'm a good girl."

"Good girl ka diyan. Tigilan mo ako Celes." nakangiwing sabi ko.

"Eto naman hindi maki-ride. Nakakainis ka din!" aniya at inirapan ako kaya tinawanan ko siya. "Wag ka ngang tumawa! Kaibigan mo ako di ba?!"

"Eh bakit? Ganito naman talaga ang magkaibigan. Pinagtatawanan ang isa." biro ko kaya nakatanggap ako ng palo sa braso."Masyado kang mapanakit alam mo ba yon?!"

"Oo!" pagtataray niya.

Hays. Mabuti pa ihatid ko nalang to kina Jax.



Chasing Merrin Where stories live. Discover now