Chapter 24

26 4 0
                                    

Ilang linggo pa ang nakalipas ay hindi ko na nakita pa ang lalaki na sumusunod sa amin.

"So you're saying na may stalker ka?" kunot-noong tanong ni Cassius na ngayon ay nakaupo sa bench.

"Hindi lang basta stalker. Basta ang weird ng pakiramdam ko doon."

"Eh bakit hindi mo sabihin sa mga pulis?"

"Ako nga na simpleng tao lang ay hindi nakita ang mukha, ang mga pulis pa kaya?"

Nandito kami sa garden ngayon habang pinapanood si Lilith na maglaro.

"Okay. Change topic. Masyadong intense eh." biglang aniya at tumayo sa harapan ko. "Since may gusto ako sayo at may gusto ka sakin..."

Ha? Ano daw?

"Ano? Pakiulit nga." utos ko.

"Since may gusto ako sayo at may gusto ka sakin." pag-uulit niya habang nakacrossed-arm pa..

Tumayo naman ako habang nakapamewang.

"At sino namang nagsabi na gusto kita? May kakambal ba ako na nagsabi sayo na gusto kita?" tanong ko.

"Halata namang gusto mo ako."tukso niya sa akin.

" Gusto? Gusto mong masapak? "inis na tanong ko.

" Easy. Napaka sadista. "bulong niya." As I was saying, dahil nga gusto kita, gusto kitang ligawan. "diretsang aniya.

P-punyeta?

" Hoy! Dire-diretsyo ka bang ipinanganak ng mama mo at nabagok iyang ulo mo sa sahig? "

" Seryoso ako. "seryoso nga." Ilang araw ko na tong pinag-iisipan. Malay ko bang ngayon ko masasabi. "

" Hindi ako tumatanggap ng manliligaw. "sagot ko.

" So boyfriend, tumatanggap ka? "nakangising tanong niya habang dahan-dahang humakbang papalapit sa akin. Ako naman ngayon ay paatras ng paatras.

" Sira ba ulo mo? Sinong may sabing tumatanggap ako ng manliligaw na mahina? "biro ko at tumaas naman ang dalawang kilay niya.

" So sinasabi mong mahina ako? Gusto mo bang patunayan ko sayong malakas ako? "nakangising aniya at sinapok ko naman siya." Aray naman! "

" Hoy Kasoy tigil-tigilan mo ako sa mga biro mong ganiyan. Hindi nakakatuwa. "

" Sino ba kasing may sabing nagbibiro ako? Seryoso nga kase akoo! "pagpupumilit niya.

Punyetang to.

" Oh sige. "sagot ko.

" Pwede na akong manligaw?! "biglaang tanong niya habang nakangiti.

" Oo. Pwede naman. Pero wag sa akin. "

" Ikaw ang tinatanong ko eh! "

" Eh malay ko bang nagpapaalam ka lang para ligawan si Lilith. Bata pa yan. "nakangising biro ko.

" I'm dead serious. "biglang seryosong aniya." So, accept it or accept it? "

" Wow ha?! Binigyan mo pa ako ng choices. "sarkastikong sabi ko.

" I'm willing to wait. Kahit gaano pa yan katagal. Kaya pa kitang bigyan ng benteng anak. "

Agad na nanlaki ang mata ko.

" Sira ka ba?! Nagpapaalam ka pa lang manligaw tapos may anak na?! Anong klaseng advance ang umiiral diyaan sa utak mo?!"

"Biro lang yun. Ito naman. Sige na kase payagan mo na ako."

"A. Y. O. K. O."

"Sige kahit ano pang ipagawa mo sa akin." hamon niya at napatingin naman ako sa kaniya.

"Kahit ano?"

"Kahit ano!"

Nagcrossed arm naman ako at naglakad ng paulit-ulit sa harapan niya.

"Papaulanan kita ng benteng sipa at dapat ay kinse ang maiwasan mo. At kapag hindi ka nakaiwas ng labing limang beses, hindi kita papayagan. Ayokong magkaroon ng mahinang manliligaw."

Nakita ko pang namutla siya.

"S-sigurado ka? A-ang lakas kaya ng sipa mo!" depensa niya.

"Ah ayaw mo? Oh sige. Hindi na." nakangising sabi ko at ibinalik ang tingin kay Lilith.

"Oo na sige! Payag na ako!"

"Okay."

Nakita ko namang tumindig siya ng maayos kaya naman kaagad ko siyang sinipa kaya nagulat siya at natamaan sa mukha.

"Apat na buhay nalang ang meron ka." pang-aasar ko.

"A-apat na buhay? Pucha ano ba to? Tekken!?" giit niya habang nakahawak sa mukha at tumayo.

Nagpatuloy lang kami hanggang sa nakalabing apat na siya at isa nalang din ang buhay.

Parang sira. Apat na beses natamaan sa mukha. Halatang nahihirapan umiwas.

"Mananalo ako dito." nakangising aniya.

"Huwag kang pakakasigurado."

"Alam ko na ang mga galawang ganiyan. Sa akin ka pa naghamon."

"Eh bakit apat na beses kang natamaan sa mukha kung ganon ngang alam mo na ang galawang ganito?"

"Naka-tsamba ka lang don."

"Anong tsamba don? Ang sabihin mo, hindi ka talaga marunong umiwas."

"Marunong ako. Sadyang malakas ka lang sumipa."

"Wag ka ng madaldal. Para matapos na to."

"Ikaw nga ang unang dumaldal sa akin. Para kang ano."

Tinignan ko pa muna ang mukha niya na ngayon ay namumula dahil sa pagtama ng paa ko sa mukha niya. Kahit si Lilith ay nanonood na sa amin at halatang tuwang-tuwa.

"Sino ang panalo dito, sa tingin mo?" tanong ko kay Lilith.

"Si Kuya Cassius po." sagot niya na ngayon ay nakikipag-apir kay Cassius.

Bwiset! Ano bang meron sa Cassius na to?!

"Tignan natin." nakangising sabi ko at tumakbo papunta sa gawi niya at inambahan ng sipa pero hindi ko tinuloy. Nakita ko namang umiwas siya.

Isang sipa nalang at kapag natamaan siya ay ako na ang panalo.

Pagsipa ko sa kaniya ay ganoon nalang ang gulat ko nang mahawakan niya ang binti ko.

"I won." nakangising aniya at lumapit sa akin.

S-shet!






Chasing Merrin Where stories live. Discover now