Chapter 20

33 4 2
                                    

Kaagad akong tumakbo papunta sa silid ng King pero nanlumo ako ng makitang wala na siyang buhay.

Napaupo ako sa sahig at doon umiyak ng umiyak. Nakita kong tumakbo papalapit sa akin si Prince Bailey at niyakap ako.

Hinintay niya lang akong matapos sa misyon ko..

Nakita kong umiiyak na din ang Queen sa gilid ng King habang ang mga tagapagbantay at mga katulong ay tahimik lamang at nasasaktan.

Inalalayan ako ni Prince Bailey hanggang sa makalapit ako sa King.

Hindi ko pa man nahahawakan ang kamay niya ay humagulgol na ako sa iyak.

Hindi ko mawari ang sakit na nararamdaman ko sa oras na to. Sobrang sakit. Hindi ko kaya.

"W-why..." yun na lamang ang tangi kong naisasambit habang nakatingin sa kaniya.

Maging ang Queen ay nasasaktan na sa sitwasyon. Masyadong mabilis. Kanina lamang ay kausap ko pa siya tapos ngayon ay wala na.

Hanggang sa inutos na ng reyna na palitan ang suot ng hari at ilagay na sa kahon ang katawan ng King.

Inakay muna ako ni Prince Bailey sa kwarto ko at doon ay umiyak ako ng umiyak. Si Prince Bailey ay nasa tabi ko lang at tahimik akong pinapatahan.

"Merrinia, stop crying..."

I can't.. Ang hirap tumigil sa pag-iyak lalo na't sobrang sakit ng nararamdaman ko..

Narinig kong bigla ang tunog ng kampana na senyales na pupunta ang buong kaharian sa bulwagan.

Hanggang sa makarating kami sa bulwagan ay inaalalayan lang ako ni Prince Bailey. Hindi ko kayang maglakad ng mag-isa. Nanghihina ako sa sakit..

Nakita ko ang King sa gilid na ngayon ay napapalibutan ng bulaklak katulad din ng sa hari ng mga Govrok.

Habang nakaupo sa trono ko ay panay lang ang pag-iyak ko. Ni hindi ko magawang tumigil lalo na't nakikita ko ang hari na ngayon ay nakaratay na at wala ng buhay.

Nakita ko namang dumarami ang mga tao sa bulwagan at doon ay nakita ko ang pamilya ng Govrok.

Kahit pa napatay ko na ang hari nila ay hindi pa rin nabawasan ang galit ko lalo na kapag naiisip na sila ang dahilan kung bakit wala na ngayon ang hari.

Nakita ko naman ang reyna na ngayon ay nakatingin sa akin habang nakangisi.

Sige lang. Ngumisi ka lang diyan. Hindi magtatagal ay ikaw na ang nakaratay diyaan.

Lumapit sila sa Queen at yumuko. Alam kong may sinabi ang Queen Elein kay Queen Mama at parang wala lang pakialam si Queen Mama sa kaplastic-an ni Queen Elein.

Sumunod na nakita kong pumasok mula sa pinto ay si Freida. Kaagad naman siyang lumapit sa akin at niyakap ako.

Si Freida ang natatangi kong kaibigan na nabibilang sa Royal Family. Hindi tulad ng iba, kaming dalawa ni Freida ay nagkakaintindihan sa lengguwaheng tagalog.

"Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong niya at umiling ako.

Parang ate ko na si Freida. Sa katunayan ay siya ang nagturo sa akin kung paano magsalita ng lenggwahe na ito. Ang isang katulong kasi nila ay galing sa Pilipinas.

"Mabuti at dumalaw ka?"tanong ko.

" Kaibigan kita Merrinia. Kaya malamang na pupunta ako.. "anoya at bumuntong-hininga pa bago tumingin sa hari." Paano mo yan ipapaliwanag kay Lilithia? "

" Hindi ko alam... "

Siya lang ang bukod tanging nagpapagaan ng loob ko maliban kina Queen at Prince Bailey. Alam niya ang mga hilig ko at ang mga ayaw ko. Bumaba ang antas nila dahil din sa Govrok kaya ganon nalang din ang intensyon niyang pabagsakin ito. Pero alam niyang wala siyang magagawa dahil mas mataas ang Govrok kaysa sa kanila. Sila kasi ang pang-siyam sa Royal World. Pero kahit ganon ay itinuturing ko siyang kaantas ko.

Hanggang sa maggabi ay kumokonti ang mga tao sa bulwagan. Sina Freida ay nagpaalam na din.

"How does it feel?" biglang tanong ni Moss sa gilid ko.

"I feel betrayed. Because of you."

Sarkastiko naman siyang tumawa na parang hindi nawalan ng hari.

"I'm the strongest human in this world, Merrinia."

"But you're an animal. Not a human."

"Animals are not strong, Merrinia."

"But animals are smarter than you."

"Don't try me Merrinia."

"I don't, Moss. I'm just saying the truth."

"You want the truth? Then, the truth is I hate Prince Bailey."

"That's what we called" Backstabbing " Moss. If you hate him, say it infront of him. I'm not a messenger."

"I hate Prince Bailey so I want to kill him."

"Don't you dare, Moss."

"Why? Huh?"

"You know me."

"Yes. Your weakness is Prince Bailey."

"You want your mother die in just a minute?"

"Oh. So scary." sarkastikong aniya. "If you want to kill her, then kill her. But when you kill her, I'll kill the Queen, the Prince and the little princess. Oh, that's so exciting" tila nang-aasar na aniya kaya wala akong ibang nagawa kundi ilandas sa mukha niya ang kamao ko.

"Don't mess up with me. I'm not just a princess" sabi ko at iniwan siya.




Chasing Merrin Where stories live. Discover now