Chapter 12

34 5 2
                                    

Pagkatapos naming kumain ay pumunta kami sa arcade.

"Laro tayo sa Tekken?" yaya ko kay Lilith at tumango naman siya.

Habang naglalaro kami ni Lilith ay nakikita ko si Espasol sa peripheral vision ko na nakatingin sa amin.

Ilang game pa ang ginawa namin hanggang sa matapos ang game. Ang sunod naman naming nilaro ay ang basketball.

"Kuya, how to play that?" tanong ni Lilith.

Seryoso!? Hindi niya alam ang laro na to?

"Ah. Ishoshoot mo lang ang bola ng ganiyan." sabi ko at ishinoot ang bola at pumasok naman ito.

"Wow! I wanna try it!" pumapalakpak na tugon ni Lilith kaya naman inakyat ko siya kung saan nalalaglag ang mga bola. Pwede namang pagtungtungan iyon.

Kumuha siya ng isang bola at inihagis iyon at pasok naman.

"Galing ah!" papuri ko.

Tumingin naman siya sa likod ko.

"Ate, try this!" yaya ni Lilith sa ate niya at inabot ang bola. Nasalo naman iyon ni Espasol at pinatabi kami.

Inihagis niya iyon at pasok na pasok.

Tumingin naman siya sa akin na parang nagmamayabang kaya nginiwian ko siya.

Kumuha din ako ng isang bola at inihagis yun. Pasok!

Ilang game pa at nakisali na din sa amin si Espasol. Ang may pinakamaraming score ngayon ay ang kaniya. Pumapangalawa ako at pangatlo si Lilith.

Nang matapos ang game ay napagpasyahan naming pumunta naman sa tindahan ng mga laruan.

"Gusto mo ng teddy bear Lilith?" tanong ko kay Lilith.

"Gusto ko po yung Pikachu." turo niya sa isang pikachu na hindi naman kalakihan.

"Ah Miss. Yung malaking size nga nitong pikachu." sabi ko sa babae na nakatayo sa gilid namin. "Yun lang ba?"

"Yes kuya!"

"Miss, yung pikachu na big size."

"Just a minute Sir."

Nang makuha namin ang big sized pikachu ay binayaran ko na ito at inabot kay Lilith. Nakita ko namang tuwang-tuwa siya habang nakatingin sa pikachu.

Napatingin ako sa isang stuffed toy na medyo kahawig ni Ling Xiaoyu kaya naman kaagad ko itong dinampot at binayaran.

"Ay Sir, fan din kayo ni Ling Xiaoyu?" nakangiting tanong nung babae habang inilalagay sa plastic ang binili ko.

So si Ling Xiaoyu nga talaga ito. Napangisi naman ako.

"Naku Sir, napakaswerte niyo at napunta sa inyo ang pinakamalaking size. Nagdagsaan kasi yung ibang mga bata na mahilig sa Tekken at ayun, kahitnang stock nina Jin ay wala na din. Have a good day sir!"

Nginitian ko nalang siya at niyaya na sina Espasol. Nakaupo kasi sila sa bench na nasa tapat ng store eh. Nakaplastic din ang stuffed toy kaya hindi nakita ni Espasol..

Nakita ko namang tulog na si Lilith habang yakap-yakap ang pikachu niya.

" Ako na magbubuhat kay Lilith."

Binuhat ko naman siya habang si Espasol ang nagdala ng pikachu ni Lilith.

Paglabas namin ng Mall ay gabi na. Hindi ko masyadong napansin dahil nag-enjoy ako kasama sila.

"Dapat hindi mo na binilhan si Lilith. Baka maspoil yan." aniya.

"Maliit na bagay lang to. At saka hindi rin kasi ako nagkaroon ng kapatid kaya siguro malapit yung loob ko kay Lilith."

"Baka mahirapan kang magpaalam niyan sa kaniya kapag umalis na kami."

Napatigil naman ako sa paglalakad.

"Aalis? Saan kayo pupunta?" tanong ko.

"Wala. Biro lang. Pero salamat." nakangiting aniya.

Stop it Espasol! Nahuhulog na talaga ako!

"W-wala yun. Basta kapag masaya ka, masaya na din ako." wala sa sariling sabi ko at tumingin naman siya sa akin.

"Ha? Anong sinasabi mo?"

"A-ah! I-i mean pag masaya si Lilith, m-masaya na din ako." palusot ko.

Tinatraydor na ako ng sarili ko!

"Ahh." tanging naiusal niya.

Nang makapasok kami sa kotse ay sa harap ko na siya pinaupo habang kalong-kalong nya si Lilith. Sinadya ko kasi talagang sa backseat ilagay lahat ng pinamili para sa harap sila pumwesto.

Habang nagmamaneho pauwi, nalingon ako sa gawi ni Espasol. Nakapikit siya at halatang pagod na pagod.

Tumingin ulit ako sa kalsada at doon ngumiti. Kahit natutulog ay napakacute pa din niya.

Posible nga ba talagang magkagusto ako sa babae na to? Hindi ko siya lubos na kilala pero nahuhulog ako sa kaniya.

Nang makarating sa tapat ng bahay nila ay ginising ko siya.

Buhat-buhat niya si Lilith at ang stuffed toy nito kaya ako na ang nagbukas ng pinto at nagdala ng mga pinamili.

"Salamat sa araw na to." nakangiting aniya.

"Wala yun. Basta kung may kailangan ka--este kayo, wag kayong mahihiyang lumapit. Magkatapat lang naman tayo." nakangiting sabi ko. "Sige na. Umakyat na kayo. Alam kong napagod kayo."

Tumango naman siya at tatalikod na sana pero may naalala ako.

"Wait." pigil ko at tumakbo papunta sa backseat ng kotse at kinuha doon ang stuffed toy ni Ling Xiaoyu. "Here." abot ko.

Natatawa naman siyang umiling at inangat pa ito. "Salamat dito."

Kanina ka pa nagpapasalamat. Wala bang kiss diyaan?

"Sige na. Matulog na kayo."

Hinintay ko pa muna silang magsara ng pinto bago ako sumakay sa kotse at ipinark iyon sa garahe.

Napakaswerte ko naman ngayong araw.








Chasing Merrin Where stories live. Discover now