Chapter 17

33 5 1
                                    

"Keep that Haladie Sword on your room. I gave that so I will bring it back to you." Nakangiting sabi sa akin ni Prince Bailey. "I know what you're planning. Good luck." at iniwan ako doon.

Nang makaalis siya ay pinasadahan ko ulit ito ng tingin.

"Ang lakas mo maka-fairy tale." sambit ko.

Habang palabas ay sinusuri ko muna kung may tao at nang masigurong wala ay tinakbo ko na hanggang sa kwarto ko.

Pagdating sa kwarto ay sinara ko ang pinto at nilock. Lumapit ako sa closet at kinuha ang maleta ko. Another collection.

Binabalak kong puntahan ang palasyo ng Govrok mamayang madaling araw nang sa gayon ay magawa ko ng maayos ang plano.

Pagsapit ng alas dose ay isinuot ko ulit ang
high neck sleeveless croptop na kulay itim at black urban sweetwear pant at high heel ankle na kulay itim na sinuot ko papunta dito. Pero naglagay din ako ng gloves para hindi nila maisip na ako nga ang gagawa nito at mask na tanging mata ko lang ang nakalabas.

Ipinasok ko din ang Python 2.5 in na baril sa pocket gun na nakatali sa bewang ko at sa likuran naman ay ang Haladie Sword ko.

Nang matapos ay dahan-dahan akong naglakad papalabas ng kwarto ko. Muntik pa akong mahuli ng mga guwardiya. Mabuti nalang at nakapagtago ako agad sa isang poste.

Nang masigurong wala na sila ay dali-dali akong tumakbo papunta sa likod ng palasyo. May sarili akong daanan doon na ako lang ang nakakaalam. Buong pwersa kong binuhat ang katawan ko at tumalon hanggang sa makalabas ng palasyo.

Hindi naman malayo ang kaharian ng Govrok sa amin kaya tinakbo ko nalang ito.

Pagdating ko sa likod ng palasyo ay isang mataas na pader ang bumungad sa akin.

Pano ko aakyatin to? Sobrang taas.

Dahil sa alam kong hindi ako makakaakyat ay sa mismong harapan ako dumaan. Isang tagapagbantay lang ang nandoon at palakad-lakad kaya wala na akong inaksayang oras at sinugod siya.

Mabilis ko siyang nadakma sa leeg kaya walang humpay ko itong pinagsusuntok hanggang sa mawalan ito ng hininga.

Pagkatapos ko sa bantay ay tinakbo ko naman ang gilid ng palasyo. Hindi ako makikita dito kaya naman kayang-kaya kong kumilos ng malinis.

Habang dahan-dahan akong naglalakad sa loob ng palasyo ay sinusuri ko ang bawat kwarto na nadadaanan ko.

Napahinto ako sa isang kwarto at pagbukas ko ay ang Hari ng Govrok ang natutulog doon. Wala na akong inaksayang panahon at pinasok iyon.

Habang nakatayo ako sa gilid niya ay nakatingin lang ako sa kaniya.

Isa ka sa nagpahirap sa King. Kaya pagbabayaran mo ang ginawa mo.

Gigilitan ko na sana ang leeg niya gamit ang hawak kong Haladie sword nang may marinig na parang nag-uusap sa labas at mukhang papunta dito. Kaya dali-dali akong gumulong at dumapa sa ilalim ng kama.

Narinig kong bumukas ang pinto at may nakita akong apat na paa. Narinig kong nag-uusap sila gamit ang lenggwahe namin.

/Translation /

"Ang himbing ng tulog niya. Sana ay huwag na siyang magising."

"Oo nga. Hindi pa ba tayo kikilos? Baka maunahan pa tayo ng mga yan sa pagkuha sa Haladie Sword ng Winsley."

Ang Haladie Sword ko ang pakay nila?

"Tara may paparating yata."

At narinig kong nagsara ang pinto. Ilang minuto pa akong nagstay doon at nang masigurong wala nang ibang tao ay lumabas ako sa pinagtataguan ko.

Ang Haladie Sword ko pala ang pakay niyo. Ano bang meron dito? Dahil ba sa ako lang ang may kakayahang pumatay sa inyo gamit to?

Dahil sa gusto ko muna siyang pahirapan kagaya ng ginawa niya sa King ay napatingin ako sa isang inumin. Siguro ay inumin niya sa tuwing nauuhaw siya.

Isinawsaw ko doon ang Haladie Sword ko dahil may lason iyon at hinalo-halo.

"Have a good night, King." Nakangising sabi ko at pinunasan ang Haladie Sword ko gamit ang kumot niya.

Sa bintana ako dumaan tutal ay hindi naman ito gaanong kataas.

Paglabas ko sa palasyo nila ay nakangisi akong tumingin doon.

"Unti-unti ko kayong pababagsakin." bulong ko sa sarili ko at tumakbo pabalik sa palasyo namin.

Dahil walang nakakaalam na umalis ako ay sa likod ulit ako dumaan at tahimik na tumungo sa kwarto ko.

Pagdating doon ay pinalitan ko ang suot ko at itinago ang mga sandata at armas na ginamit ko kanina.

Sigurado akong bukas na bukas ay bubungad ang balita sa buong kaharian na naghihirap ang hari. At isang napakagandang balita iyon para sa akin.

Paghiga ko sa kama ay nakaramdam ako ng konting ginhawa dahil alam kong nagsisimula nang talaga ang laban namin.

Kung ano ang gustong mangyari ng tadhana ay yon ang papaburan ko. Kahit pa ikamatay ng buong Govrok. Hinding-hindi ko sila aatrasan.

Sa kabila ng hindi ko paggamit sa Haladie Sword ay malaki pa rin ang maitutulong sa akin. Yun nga lang ay kailangan ko na itong protektahan.



Chasing Merrin Where stories live. Discover now