A Ballad for the Broken

Magsimula sa umpisa
                                    

"Alexandria."

Maputla si Alec at nagdudugo ang labi niya. Nakasandal siya sa pader habang hawak hawak ang tiyan niya. Binigyan niya ako ng maliit na ngiti bago siya nadulas paharap. Agad ko siyang sinalo bago pa tumama ang mukha niya sa semento.

Dahil hindi ko kaya ang bigat niya ay dahan dahan ko siyang pinaupo sa sahig at isinandal sa pader. May malalim na sugat siya sa tiyan niya.

"Ma...wag..mo..kong..iiwan." Mahina ang boses ni Alec at parang hirap na mag-focus ang kulay ube niyang mga mata.

"Alec," nagpapanic na ako. Hindi ko alam kung ano na bang dapat kong gawin para patigilin yung pagdugo ng sugat niya. "Alec, andito ako. Wag mo akong iiwan!"

Nag-focus ang mga mata niya sa akin at ngumiti siya. "Pagod na pagod na ako," halos bulong na sabi niya.

"Doesn't matter kung girlfriend ka niya o hindi. You're the closest person to her right now." Narinig kong sabi ni Mr. Lucescu. Naglakad siya papalapit sa amin at tumungo. "I asked you a favor to get Alexandria away from the mafia and this is what you do."

Umubo si Alec at tumingala. Maya-maya ay may pink na linyang gumuhit sa balat niya. Parang ugat na gumagapang mula sa katawan niya, papunta sa leeg at paakyat ng mukha niya. Nang umabot yung linya sa mata niya ay biglang nagliwanag ang violet eyes niya na parang maliit na bola ng ilaw.

Sumigaw si Alec at itinaas ang braso na parang may inaabot sa langit. Tumingala ako sa maitim na ulap at napapikit nang may nag-flash na kidlat at tinamaan si Alec.

Pagdilat ko ay nabalot ako ng kadiliman at ramdam na ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko.

Nakahiga ako sa kama at panaginip lang lahat ng nangyari. Pero parang totoo lahat. Tumayo ako at pumunta sa kitchen para kumuha ng tubig. Tandang tanda ko yung sugatan na katawan ni Leone at yung nakakatakot na parang ugat sa balat ni Alec.

Habang iniinom ko yung tubig ko ay lumapit ako sa bintana para tingnan kung madilim pa sa labas. Pero lumiliwanag na at medyo kakulay ng mata ni Alec ang langit. Napabuntong hininga ako at naupo sa couch. Ano kayang pakiramdam ni Alec nung tinamaan siya ng kidlat?

******

Natalisod ako at agad akong hinawakan ni Alec para di ako matumba.

"Okay ka lang?" Tanong niya.

Tumango ako, inaantok pa rin. Pagkatapos ko magising sa panaginip ko ay di na ako nakatulog. Gusto ko siyang tanungin tungkol sa pakiramdam ng kidlat pero baka magalit siya sa akin sa pagpapaalala ko sa kanya ng naging sanhi ng kamatayan ng nanay niya.

"Be careful," concerned na sabi ni Alec at tumigil kami sa tapat ng canteen. Sumilip siya sa loob bago ako binigyan ng maliit na ngiti. "Andun si Louisse sa loob. Di ko makita yung impakto."

Gusto ko siyang tanungin kung galit ba siya kay Leone dahil kapatid niya ito. Pero natatandaan ko pa rin yung ugat sa mukha niya at yung delirious na itsura niya.

"Can I kiss you?"

Sinamaan ko ng tingin si Alec at napangiti ito.

"Now that's the Sophie I know. Kanina ka pa tulala. I'm getting worried."

Inabot ko yung tenga niya at piningot ito. Napahiyaw naman si Alec at nang bitawan ko siya ay namumula na ang tenga niya at ang mukha niya.

"Pag tinanong mo pa ulit ako kung pwede mo akong halikan pipingutin kita!"

Ngumuso si Alec at marahang hinawakan yung kaliwang tenga niya. "Grabe ka sakin!"

"Mas grabe ka kaya sakin."

Polar OppositesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon