Chapter 52: Casa Dei Morti

32 4 0
                                    

Chapter 52: Casa Dei Morti

Nabigyang linaw ang ibang gumugulo sa isipan ko noon pa dahil sa pagbasa ko ng journal na ito pero hindi lahat. Hindi nilinaw ni mommy kung sino yung kaibigan niyang trahidor. Ang tangi niya lang binabanggit noon lagi ay MIA. She always used the term they so I can assume that there is more than one traitor in the MIA that time. I don't know if the MIA is still existing but it scares me a little to think that it is. What if the demons she's pertaining to is still part of the MIA? What if they actually had something to do with my mom's death? Or even my Dad's?

Nakakatakot isipin ang bagay na yon.

I flipped the pages more until it reached the end but the pages were already empty. I took the key out of the bag and sighed as I look at it. Panghuling entry na pala yung nabasa ko...pero hindi ko pa rin nalaman kung para saan ang susing ito tss.

"So...did the journal answered your questions?" Eunice suddenly appeared carrying two bags of groceries. Maingat niya itong ibinaba sa kusina saka niya ako binalikan.

"Oo pero walang nabanggit dito tungkol sa susi na ito. The journal is mostly about what happened in the past." I answered, sighing.

"Wala bang ibang nakakaalam ng tungkol sa susi na ito?" she asked in return.

Meron. Pero paano ko siya tatanungin kung wala siya ngayon?

"Sa ngayon tanging ikaw lang at ako...pati na rin si Kuya." nanlulumo kong sagot sa kanya.

"If that's the case then maybe you should just keep it for now. Baka hindi pa ito ang tamang oras kaya wala kang sagot na nakuha." now it was her turn to sigh.

Kagaya ng sabi niya itatabi ko muna ito...sa ngayon. Inalis ko muna ang suot kong kuwintas at saka isinabit dito na parang pendant ang susi, saka ko ito muling sinuot. Sa ganitong paraan, hindi na ito muli basta makukuha o mawawala.

"I'll go the kitchen now. Ihahanda ko lang ang ating hapunan," aalis na sana siya pero biglang may pumasok sa isip ko kaya pinigilan ko siya.

"May kailangan ka ba?"

Nagdadalawang isip ako pero gusto kong malaman ang sagot niya sa tanong ko.

"Ang sabi mo namatay si Kuya Jervis dahil iniligtas ka niya. Puwede ko bang malaman kung paano nangyari ang bagay na yon?"

She looked surprised but she went back to my side.

"Sigurado ka bang gusto mo malaman?" she was looking at me as if she was weighing whether to tell me the answer or not.

I nodded, staring through her eyes.

"Casa Dei Morti."

Her words were enough to blow my system once again. Ang lugar na yon...ang lugar na yon, paano niya nalaman yon?

"Alam kong pamilyar ka sa lugar na yan. Minsan ka ng tumira doon, hindi ba?" her gaze was piercing me from the outside.

I gulped down as I remembered how I ended up in that asylum.

In Casa Dei Morti.

After escaping that abandoned hospital, I was wandering the streets for a long time. I wasn't even eating decent food. Kadalasan ay tira tira o minsan pa nga ay tinapon na ng ibang tao sa basura. But even so, hindi ko mapakawalan ang bangkay ni mommy. Kahit anong baho nito tiniis yon ng batang ako. Tiniis ko noon dahil ayokong mawalay sa tabi ng mommy ko.

Hanggang sa dumating ang oras na dinampot ako dahil pagala gala ako sa kalsada. Nagwawala ako noon dahil ayokong sumama. They had no choice but to make me sleep by injecting me some tranquilizer. When I woke up, I was already inside the DSWD. They kept on asking me questions but I kept my mouth shut tightly. I was not planning to answer them but...

Bloody SocietyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon