Chapter 5: The Gangsters of Lenin Academy

283 8 3
                                    

Chapter 5: The Gangsters of Lenin Academy

A week has already passed. Akalain mo yon? Ang bilis talaga ng oras. Isang Linggo na pala simula ng mapadpad ako dito...sa Lenin Academy. It's also been a week since I last saw that guy — the who carried me like a princess. Hanggang ngayon hindi ko pa rin naibabalik sa kanya yung hikaw niya pati na rin yung shirt at jacket na pinahiram niya. He lended me those clothes after getting wet because of that rain. Hindi ko pa nga lang naibabalik kasi nga hindi ko siya makita. Nagtanong tanong na rin ako sa iba pero mukhang walang nakakakilala sa kanya.

Sa kabilang banda, hindi ko man nakita ang lalaking yon—nalaman ko naman ang parusang binigay nila sa mga estudyanteng hindi umattend ng orientation. It turned out that all who didn't participate were not given any allowance, not even a cent. All their things such as luggages were also thrown out. In short, start from scratch uli ang drama nila. Kawawa sila sa totoo lang pero kasi sila rin naman ang may kasalanan tss.

So all in all nothing strange happened in that whole week. Just a couple of boring classes and activities. Specially the class which I'm part of —1A. Ito na ata ang pinakaboring na section na napuntahan ko sa tanang buhay ko. Napakatahimik, napakalinis at napakabait daw ng klase na to sabi nga ng iba tss. If I know takot lang ang mga yang mabawasan ang mga allowance nila. Kala mo naman kung sino umasta ang mga yan kapag walang teacher na kaharap. In short, mga pakitang tao sila. Mga plastic! Bakit ba ko napunta sa section na to? Mas gugustuhin ko pa doon sa maingay at magulong klase kaysa dito eh. At least doon walang plastikan kung ano sila sa classroom yun din sila sa labas tsk.

"What's with the grumpy look, Ella? Aga aga nakasimangot ka na naman." Yana was wearing her usual smile. And yes magkasama uli kami not because we're friends. It's just that, wala siyang ginawa kundi sundan ako kahit saan ako magpunta. Daig niya pa nga mga bodyguard ko dati sa labas eh. Sinabihan ko na siya na tigilan ako pero mukhang balewala naman sa kanya.

"Aren't you tired of following me yet? Isang linggo mo na kong sinusundan. Hanggang ngayon ba naman?" I complained at her but she just smiled in return.

"Andito na tayo sa cafeteria, tara na sa loob." she cheerfully said and as usual hinila niya na naman ako. See that? Useless lang talaga ang pagsaway ko sa kanya eh tsk.

"Anong gusto mo? Ako na ang pipila para sating dalawa." she suggested and I agreed. Nagpresinta siya edi go. Why not? Siya naman ang mapapagod at hindi ako eh.

"Pizza na lang. Teka may pizza ba dito?" Bigla na lang akong nagcrave ng pizza ang kaso parang malabo namang magkaroon non dito.

"Sige maghanap ka na ng mauupuan natin." umalis na siya para pumila.

Madali naman akong nakahanap ng bakanteng upuan. Ang weird nga eh kasi nasa gitna mismo yung table na yon pero para bang invisible at iniiwasan ng mga taong naapadaan doon.

Nanghila tuloy ako ng estudyanteng naglalakad saka siya tinanong.

"Why do everyone avoids that table on the center?"

"Uh eh kakapasok ko lang dito tulad mo Ella kaya wala rin akong alam dyan." iiling iling na sabi niya.

"You don't know about that table? Fine but why the hell do you know my name?"my forehead creased.

"Uhm classmates tayo diba? We're In same section 1A." he said while scratching his head. Ah classmate ko pala siya.

"I really don't recognize you." usually wala naman kasi akong pakialam sa ibang tao unless kailangan talaga. I'm perfectly fine by myself.

"I'm Jervis Punzalan by the way. Gusto ko sanang makipagshakehands ang kaso may dala ako kaya para makabawi iimbitahan na lang kitang kumain kasama ako." he looked sincere at mukhang wala namang ibang agenda kaya pumayag ako.

Bloody SocietyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon