"Kayo ng bahala dito. Ilibing nyo nalang ng buhay yan" sabi nya sa mga naka itim na alipores nya na naka black at nakamaskara. Batman lang ang peg? Tumango nalang ang mga alipores nya at umalis na sila ng kasama nya sa van. San kaya sila pupunta?

Bigla kong naalala nandito pala ako sa sitwasyong mamamatay nako ng buhay. Unti unting lumapit ang mga men and women in black sakin.

"OY OY OY OY OY TEKA LANG WAG NYOKONG PATAYIN PLEASE DI PA KO UMAAMIN KAY WANE NA M---" napatigil ako ng biglang takpan ng isa sa kanila ang bibig ko.

"Shh wag kang maingay" bulong nya. Teka familiar. Sabay tanggal nya ng maskara nya.

°_°

o_o

O_O

"WANEEEEE?!!!!" bulong na sigaw ko. Get's nyo? Nangamatis ang buong mukha ko sa sinabi ko. Bigla naman nagsitanggalan ang mga maskara ng kasama nya. Sina Abi.

"Teka? Paano kayo napunta dito??" sabi ko habang nangangamatis parin ang mukha. Di ako makafocus masyado. Sana naman di nya na maalala yunnn.

"Mahabang storya. Ang mahalaga ay makaalis na tayo agad dito" sabi naman ni Abi na tinatanggal ang tali sa kamay ko.

"Ayan na natanggal na yung tali mo. Umalis na tayo dito hanggat wala pa sila" sabi ni Abi at tumango naman ako. Tatakbo na sana kami paalis ng biglang may narinig kaming tawa sa madilim na sulok.

"WAHAHAHAHA AT SAAN NYO NAMAN BALAK PUMUNTA??" sabi ni...

"YUNIZE? AKALA KO AALIS KA?" takang tanong ko.

"At anong tingin nyo sakin, tanga ha?!" galit na sabi nya.

"Pakawalan nyo na kami!" natatakot na sabi ni Kathleen. Bigla naman syang niyakap ni Sam para kumalma sya.

"Mhhhhh NOPE HAHAHAHHAHA" nababaliw na sabi nya

"HAWAKAN NYO SILA!" sigaw nya. Biglang dumami ang mga kasamahan nya. Kaso bakit nakasando lang sila at naka short yung iba boxer lang.

"Nagising na sila" nag aalalang sabi ni Wane.

"Anong--" di ko natuloy ang sasabihin ko ng biglang may humila sakin at hinawakan ang kamay ko. Nagulat ako ng biglang humugot si Yunize ng baril.

"Bwiset naman oh kayakap ko na sya eh. Pag ako nakaalis dito pagsasampalin ko tong mga toh" rinig kong bulong ni Kathleen. Ay maharot? Akala ko ba magkaaway toh?

"Sino kayang papatayin ko sainyo?" sabi nya habang nakatingin sa baril na nilalaro laro nya.

"Isang bala lang tong dala ko. Para exciting HAHAHA. Ngayon sino ang gusto nyong babarilin ko?" sabi nya sabay tapat samin ng baril at ang sama ng ngiti nya.

"Ako nalang ang patayin nyo" sabi bigla ni Sam. Nanlaki naman ang mga mata ni Kathleen.

"NO!" nagulat kami sa sigaw nya.

"I MEAN WAG SI SAM SI ABI NALANG" pabebeng sabi nya.

"HOY BALIW KA BA HA? BAKIT AKO?!" inis na sabi ni Abi.

"Wag na nga kayo mag away dyan. Ako nalang wag na si Abi" sabi naman ni David. Nagngitian sila Abi at David at ang gagang Kathleen umirap.

"Aw ang sweet" sarcastic na sabi ni Yunize.

"Hindi. Ako nalang dahil ako naman ang matigas ang ulo na pumunta mag isa" sabi ko sa kanila. Natigilan sila sa paglalandian.

"No! Ako nalang-" di na natuloy ang sasabihin ni Wane ng sumigaw si Yunize.

"UGHHH NAKAKAINIS NA KAYO HA NAKAKAUMAY YANG MGA LANDIAN NYO! ALAM NYO BANG PINATAY KO SILA JANELA AT NICO SA KALANDIAN NILA HA?!" gigil nyang sabi.

I'm Arranged with my... ex?!! [COMPLETED]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن