"Di ba kapag nanliligaw pinapahirapan? Chinachallenge?" Pangaasar ko sa kanya. "Pano kita sasagutin kung di ka marunong magluto?"

Napanganga si Alec at di makaisip ng isasagot sa akin. Napangiti ako dahil ngayon ko nalamang pwede ko pala gamitin laban kay Alec ang panliligaw niya. Hangga't may gusto siya sa akin, pwede ko siya kontrolin sa kalokohan niya. Pero hanggang saan kaya siya magpapakontrol?

"Fine. Ipagluluto kita ng kare-kare bukas ng gabi." Pagsuko ni Alec. "Pero pag di masarap yung luto ko magdadala ako ng de lata."

Natawa ako sa sinabi niya. "First time ata to. Akala ko ba confident ka na magiging masarap ang luto mo?"

"Better be safe than sorry." Kibit balikat niya at binuksan na ang pinto. "Good night, Sophie. I'll see you tomorrow."

"Good night. Ingat ka pauwi."

Ngumiti si Alec at sinara na ang pinto sa likuran niya. Agad ko naman itong ini-lock at naghanda na ako sa pagtulog.

Kinabukasan, magaan ang pakiramdam ko nang lumabas ako ng apartment ko. Maganda ang panahon, nakapagreview ako para sa quiz ko, may onting kontrol ako kay Alec at okay na si Leone at Louisse kahit na tinatago pa rin nila ang relasyon nila sa publiko. Maliban sa banta sa akin ni Rose at sa hindi mauubos-ubos na chismis ng school tungkol sa akin at sa mga kaibigan ko ay okay naman na ang buhay ko. Nakakapag-adjust na ako sa bagong normal ko.

"Ms. Jaranilla?" May isang lalaki na bumati sa akin sa labas ng apartment ko. Nakasuot siya ng shades at suit and tie kahit na mainit ang panahon.

"Bakit po?" Nagtataka kong tanong. Mukhang hindi siya taga-rito.

Binuksan ng lalaki ang pinto ng itim na kotse sa likuran niya. Sa back seat ay may kumaway sa akin na gwapong lalaki na nakasuot ng navy blue na suit.

"Hello, Ms. Jaranilla. Pwede ba kitang makausap?" Mababa ang boses ng lalaki at narealize kong may kahawig siya, hindi ko lang matandaan kung sino.

"Sino po ba sila?"

"I'm Leo Lucescu. Tatay ako ni Leone."

"Oh," napanganga ako. Hindi ko inaasahang makikita o makakausap ko ang tatay ni Leone. Pero paanong naging tatay siya ni Leone eh ang bata niya pa tingnan? Parang mas bagay pa na kuya siya ni Leone.

"Okay lang ba kung ihatid ka na namin papasok sa school? Gusto lang kita makausap."

"Ah, s-sige po." Nagaalangan kong sagot. Lumapit ako sa kotse at umurong si Mr. Lucescu para makaupo ako sa tabi niya. Nang makapasok sa kotse ay sinara ng lalaki sa labas ang pinto at nagmadali itong pumunta sa driver's seat.

"I've heard many things about you, Ms. Jaranilla." Panimula ni Mr. Lusecsu, sa malapitan ay napansin kong hindi pala siya kasing bata ng inaakala ko. May mga puting buhok na siya at may onting wrinkles na sa mukha. "It seems that you've just recently returned from your study abroad?"

"Yes po."

"You're also good friends with my daughter?"

"I think so, yes." Hindi ako sigurado kung bakit tinatanong niya ako tungkol kay Leone pero wala pa siyang sinasabi na pwedeng magbigay sa akin ng ideya kung bakit gusto niya ako makausap.

"You're also friends with Alexandria Imperial, yes?"

"Yes po."

Ngumiti si Mr. Lucescu sa akin at napansin kong may pangil siya. Saka ko lang narealize kung sino ang kamukha niya.

"Can you keep a secret, Ms. Jaranilla?"

"Depends on the secret, sir." Nanginginig ang kamay ko at hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.

Polar OppositesWhere stories live. Discover now